Chapter 8.3.3

185K 2.4K 63
                                    


#JanTonSecondIntimateScene

WARNING: SPG

********

CHAPTER 8.3.3

JANELLA RAYNE's POV

Hindi ko alam ang dapat na maramdaman nang makita ko si Dalton na kasama ang babaeng iyon. Obviously, may relasyon sila dahil sa ginawa nilang paghahalikan. Ibang klase talaga siya. Hindi na rin kataka-taka kung sex lang ang habol niya sa akin dahil sa sobrang pagkababaero niya! At alam kong katangahan na nagkakagusto ako sa kanya!

Papunta ako ngayon sa mansion dahil sa mga prutas na bigay nang malapit na kaibigan ng mga Samaniego. Ayoko sana pumunta kaya lang ay wala naman akong pagpipilian dahil nasa field lahat ng mga trabahador. Pagpasok ko sa loob ay walang katao-tao. Kunsabagay, alanganing oras kasi. And for sure, nasa kwarto na si Dalton kasama 'yung babae kanina. Girlfriend kaya niya 'yun? Aish Janella! Tigilan mo na nga 'yan!

Pagpasok ko sa kusina ay gan'un na lang ang gulat ko nang makita si Dalton sa tapat ng ref at umiinom ng tubig. Topless siya at gulo-gulo ang buhok. Mukhang kakagaling lang sa pakikipag-romansa a? Pero wala talaga akong masabi sa ganda ng kanyang katawan. Halatang alaga sa workout. Bahagya pa siyang napakunot sa pagkakita sa akin at nag-iwas naman ako nang tingin.

"Ipinabibigay ng mga Ochowa." Ipinatong ko sa dining table ang isang basket ng mga iba't-ibang klaseng prutas.

"Really?" Tipid na sagot lang niya at hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

"Alis na ako." Paalam ko pa sabay mabilis na tumalikod. Pero agad kong naramdaman ang paghigit niya sa braso ko, dahilan para mapabaling ako nang tingin sa kanyang gwapong mukha. Seryosong-seryoso siyang nakatitig sa akin at hindi ko alam kung bakit biglang kumalabog ang puso ko sa titig niya.

"Are you putting a spell on me, Janella?"

"Huh?" Kumunot ako. Anong akala niya sa akin mangkukulam? "Ano bang pinagsasabi mo?!" Masungit na sagot ko lang at nakipaglabanan nang titig sa kanya.

"Jeez, what's with you then?" Hinila niya ako at isinandal sa ref. Isinandig niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid kaya wala akong kawala. "Why can't I stop myself from thinking so much about you?" Bakas ang frustration sa kanyang boses at napaawang na lang ang labi ko sa sinabi niya. Nananatiling seryoso pa rin ang mukha niya habang tila inaaral ang mukha ko sa klase nang pagtitig niya. Wala naman akong ginagawa a. Ganoon niya ako kagusto?

"Nagbibiro ka ba? Dapat ba akong tumawa?" Sarcastic na sagot ko lang pero wala pa ring nabago sa expression niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at halos mabaliw ako sa amoy ng kanyang katawan. Ang bango niya!

"Jeez, Janella... How do you do it?"

"Huh?" Kumunot ako dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Ano bang ginawa ko? "Aalis na ako!" Bahagya ko siyang itinulak pero sa halip na lumayo ay mas lalo lang niyang inilapit ang katawan niya sa akin. Napatingala ako sa kanya dahil ang tangkad niya talaga.

"You have your ways on me... and I think I am going crazy."

"Huh?" Muli kong nasalubong ang kanyang mga mata na panaka-naka ring napapababa nang titig sa labi ko. Shit! Gumalaw ang kanyang panga at bumilis ang kanyang paghinga.

"I want to kiss you right now." Sabi pa niya sa mas mahinang boses at pakiramdam ko'y nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung papaanong nagagawa niyang palambutin ang tuhod ko sa ilang salita pa lang.

TAC Private ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon