WARNING: SPG
CHAPTER 34.2.2
JANELLA RAYNE's POV
Hindi naging madali para sa amin ni Dalton ang magkita sa araw-araw. Naging maingat kasi siyang malaman ng parents niya ang tinitirhan namin ni nanang. Sabi ni nanang pagdating daw kasi kay Dalton masyadong mahigpit ang lola Gloria niya. Porke nga kasi nag-iisang apo sa angkan ng mga Samaniego.
Nakahanap na rin kami ng bagong tirahan ni nanang. Maayos at komportable naman 'yung lugar. Hindi nga lang kalakihan pero sapat na para sa aming dalawa. Gusto man sana na sa condo unit na lang daw ni Dalton kami patirahin, alam niyang guguluhin daw kami ng kanyang lola.
Hindi ko na rin muna hinayaan ang nanang na mamasukan bilang katulong dahil maganda naman din ang pasuweldo sa mga Greene. Mabait naman ding amo si Tyrone kahit na parang may pagkasuplado. Malayong-malayo sa aura ni Dalton na palaging nakangiti at nagpapa-cute sa mga babae. Pero kung sabagay, nag-iba na nga siya nitong nakakaraan. 'Di tulad nang dati, parang ang suplado na rin niya at puro ako na lang ang kanyang napapansin. At mas gusto ko naman talagang ako lang. Masyado siyang gwapo para maiwasan ko ang pagseselos sa iba. At kahit naman may tiwala ako sa kanya ay nand'un pa rin ang takot at pangamba.
Matapos ang mahabang araw na naman sa kompanya ng mga Greene ay namataan ko si Dalton na naghihintay sa may lobby. Nasalubong ko agad ang kanyang napakagwapong mukha at abot-tainga ang kanyang ngiti.
Naka-button down navy blue long sleeve siya na itinupi hanggang siko at soft dark pants. Executive looking talaga siya ng walang masyadong effort. Ang gwapo!
"Pumpkin..." Malambing pa niyang tawag sa akin habang nakapaloob sa bulsa ang kanyang mga kamay.
"Ace..." Balik bati ko rin naman sa kanya at hindi ko maiwasang kagatin ang aking labi sa sobrang pagtitig na ginagawa niya. I missed him so much. I missed being intimate with him for the last couple of weeks.
Mabilis siyang nakalapit sa akin at agad na ginagap ang mukha ko. Wala ding alinlangang hinalikan niya ako na para bang kami lang ang taong nand'on.
"Get a room guys." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at nasalubong namin ang parehas na nakangiting sina Tyrone at ang asawa nitong si Jordan. Ang cute talaga nilang mag-asawa!
"Hey..." Kaswal namang sagot lang ni Dalton sabay akbay sa akin. Ni hindi ko pa magawang makabawi sa halik niya. Shit, ano bang nangyayari sa akin? Parang gusto ko ulit siyang halikan!
"Bakit kaya hindi ka na rin dito magtrabaho, Ton." Nakangiting sabi pa ni Tyrone at bahagya lang akong tinapunan nang ngiti.
"Oh, can I?" Sagot naman ng loko sabay pisil sa balikat ko.
Umiling-iling lang si Tyrone at pasimpleng ginawaran nang halik sa noo si Jordan. Gusto kong makaramdam nang inggit dahil kahit na galing sa mahirap na pamilya si Jordan ay tanggap siya ng pamilya Greene. Kung sana'y gan'un lang din ang pamilya ni Dalton. Ako na siguro ang pinakamasayang babae sa mundo.
"Where are you guys going?" Pinagsalitan pa kami nang tingin ni Tyrone habang nakaakbay pa rin sa asawa niya.
"Dinner out maybe." Mabilis na sagot naman ni Dalton.
Nitong nakakaraang araw ay puro short dates lang ang nangyayari sa aming dalawa dahil tila sinasadyang palagi na lang siyang tinatawagan ng parents niya. At hindi naman niya magawang tumanggi dahil na rin palaging may kinalaman sa negosyo ang itinatawag sa kanya.
"You guys might want to join us? Nagpaluto ako ng dinner sa bahay." Si Tyrone.
"You're inviting us for dinner?" Of course, sino bang hindi magugulat sa invitation na 'yun? Sabi kasi ni Dalton ay masyadong possessive si Tyrone kay Jordan. Kahit na silang magkakabarkada ay hindi nakakaligtas sa panunuplado ni Ty sa tuwing makakaramdam na masyado silang nagpapaka-komportable sa asawa nito. "Are you sure about this, dude?"
BINABASA MO ANG
TAC Private Chapters
General FictionWarning: Rated SPG Lahat nang intimate scenes sa Taming A Casanova ay nandito sa book na 'to.