Chapter 36.2.2

169K 1.9K 35
                                    

WARNING: SPG

CHAPTER 36.2.2

JANELLA RAYNE's POV

Matapos ang pag-uusap namin na iyon ni Dalton kahit paano ay gumaan ang loob ko. Nang makita ko siyang himatayin sa hospital noon ay natakot akong baka mapilitan lang siyang panagutan ako. Natakot akong baka marealize niyang hindi pala niya kaya. At tulad sa iba, sex lang talaga ang gusto niya at wala nang iba. At ibang usapan na talaga ang pagbubuntis ko ngayon.

Nang gabing malaman ko ang tungkol sa pagdadalang-tao ko ay sinabi ko na rin kaagad kay nanang. Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha pati na rin ang awa. Alam naming parehas na hindi madali ang papasukin kong buhay. Dagdag na rin ang mga alalahanin na baka nga hindi pa rin kaya ni Dalton panindigan ang pagbubuntis ko. Pati ang pagtanggap ng parents niya... lahat na.

Lumipas ang maghapon na naging maayos naman ang pagta-trabaho ko. Kaya pala ako naging mahiluhin nitong mga nakakaraang araw ay dahil may laman na pala ang sinapupunan ko. Nacheck-up naman ako nitong nadala ako sa GH at sa susunod na buwan ulit ang balik ko. Halos dalawang buwan akong buntis. Kung hindi ako nagkakamali ay sa Baguio pa nabuo ang panganay namin ni Dalton. May pangamba akong nararamdaman pero may excitement din. Sana maging kamukha niya ang baby namin.

Pagsapit nang alas cinco ay agad na rin akong nagligpit ng gamit. Balak ko kasing dumaan ng grocery at wala na kaming stock ni nanang sa apartment na inuupahan namin. Pero tila isang 'di inaasahang bisita ang biglang bumungad sa akin sa lobby!

"Janella..." Matigas na tawag pa niya sa pangalan ko. Ang lola ni Dalton.

"Good afternoon po..." Alanganin man ay lumapit ako nang husto sa kinalalagyan niya at akma sanang kukuhanin ang kamay niya para magmano pero agad naman din siyang umiwas.

"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa." Masungit pang tono niya at agad kaming nakakuha nang atensyon sa paraan nang pagsasalita niya. "Layuan mo ang aking apo!"

"Po?" Saglit akong natulala lalo pa nga't hindi ko naman inaasahan ang ganitong scenario. "S-sorry po... pero hindi ko po magagawa ang gusto ninyo."

"Ano pa bang gusto mo sa apo ko? Pera? Puwede kong ibigay sa'yo ang halagang 'di niya maibigay. Basta't layuan mo lang ang apo ko!" Agad na nanginig ang kalamnan ko sa sinabi niya at ibig-ibig kong umalma pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko dahil lola siya ng lalaking pinakamamahal ko.

"Dahan-dahan naman po kayo sa pagsasalita."

"I can't believe na pinahihirapan pa ng apo ko ang sarili niya makita ka lang sa araw-araw ano? Ano bang ipinakain mo sa kanya?" Kunot-noo pang tanong niya at kulang na lang ay lumubog ako sa kinakatayuan ko dahil sa atensyon na nakukuha naming dalawa.

"Kung maaari po sana ay sa mas pribadong lugar tayo mag-usap." Pinilit kong pakalmahin ang aking sarili at kanina ko pa gustong maiyak.

"There is no need for that. Nag-iisang tagapagmana ng Samaniego ang aking apo at hindi ako makakapayag na isang anak lang ng katulong ang makakatuluyan niya! You're a big disgrace to our family!"

"Grandma!" Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses at parang awtomatikong tumulo ang luha ko pagkakita ko pa lang sa kanya.

Agad niya akong niyakap at inalo.

"What are you doing, grandma?!" Irritable pang tanong ni Dalton at ramdam ko ang tensyon sa hawak niya.

"What a surprise. Hindi na ba palihim ang pagkikita n'yo ngayon?" Sarkastiko pang tanong niya. Hindi kataka-takang katatakutan siya ni Dalton dahil sa ma-awtoridad niyang aura.

"I don't have any plan to hide it anymore." Galit na sabi lang ni Dalton at bahagya akong sinulyapan. "Kung itatakwil n'yo ako, so be it. I am staying with her."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TAC Private ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon