MJ's POV
"Ah saka nga pala guys tapos na ako.. --tumingin sa akin si Ranz habang ako ay kumakain habang nagbabasa ng libro--- Uutusan ko lang si MJ. Bye! Una na kami!" Tapos hinila nya ako at umalis na kami sa table nila kuya Lly.
Hinatak nya ako hanggang S.P. natulak nya pa nga ako nung nakapasok kami sa loob. Kala nya siguro lubid ako kaya ganoon na lang kung makahila. Masakit din yun ah.
Nakakangawit na, kasi naman kanina pa kami nakatayo. Hindi na ako nagreklamo dahil sa clueless ako sa sasabihin nya, ilang minuto na kaming nakatayo dito hanggang sa nakapagsalita sya.
"Ahhh....ehh...gusto ko sanang magpatulong sa'yo kaya hinatak kita. Pasensya..." Tumango nalang ako sa sinabi nya.
"Okay so magstart na tayo bago pa tayo bumalik sa klase." Naglatag sya ng bond paper tapos kinuha nya yung pencil ko na hawak hawak ko.
"Bukas lilipat na dito si Gladys.... Gusto ko sanang supresahin sya. Pagdating. Ano kaya pwedeng gawin?" Sabi nya tapos tingin sa langit.
Kinuha ko yung papel at lapis sa kanya na ikinagulat nya. "Anong oras ba sya papasok?" Tanong ko.
Kinuha nya yung cellphone nya. Yung katulad kayla Ate Khea. Yun ata yung tawag dun. Tapos nagpindot pindot sya. Tumunog naman ito tapos tumingin uli sa akin.
"Saktong 7:00 daw." Sabi nya sabay tago nung cellphone nya.
"Okay sige, ganito......" Tapos sinabi ko na sa kanya yung plano ko.
"Wow! Nagulat ako sa sinabi mo. Hindi ko alam na may alam ka pala tungkol dun! Paano?!" Sabi nya na gulat na gulat. Wala namang nakakagulat sa sinabi ko ah.
"Anong nakakagulat dun?" Tinago ko na yung lapis ko.
"Kasi ikaw, yung katulad mo alam yung mga bagay na ganito? Paano mo nalaman yun? Eh ako nga walang kaalam alam dun." Sabi nya. May hand gestures pa.
"Nabasa ko lang pero yung iba sa sinabi ko sayo ay nagawa ng makulit na imahinasyon ko." Sabi ko tapos nagbasa uli, yung kinuha ko sa library nung nakaraan.
"Okay! Pero ang galing mo talaga." Sabi nya.
"Ahhh...ehh wag mo muna ako ipakilala sa kanya baka ano pa isipin nya sa'yo at sa akin baka hindi ka pa sagutin." Sabi ko sa kanya. Ayaw kong makasakit ng ibang tao. Sayang naman yung paghihirapan ni Mr. Bully ako lang makakasira.
"Mas mabuti nga. Talino mo! Pwede ko bang sabihin na ako nagisip ng plano kahit ikaw? Para naman dagdag gwapo points!" Tumango nalang ako tapos nagbasa uli malapit ko na kasing matapos yung storya.
"Thank you MJ! Nice slave ka pala!" Abot tenga ang ngiti ni Mr. Slave. Ngayon ko lang nakitang nakangiti ng ganyan si Mr. Bully.
*KRING,KRING!!!*
"Tara na!" Sigaw nya.
Tumango nalang ako tapos inayos ko yung gamit ko. Kinuha ko narin ang bag nya. Sabay na kaming pumuna sa room tutal parehas naman kami ng room at utusan nya naman ako. Ang sama din ng tingin sa akin ng lahat ng babae sa lahat ng madadaan namin, kabilang na dun ang GGSS.
![](https://img.wattpad.com/cover/45766712-288-k187710.jpg)
BINABASA MO ANG
THE NERDY GIRL FALL IN LOVE (RANZ KYLE FANFICTION)
FanficPaano nga ba magmahal ang isang Nerdy Girl? Ang kakaibang babae? Paano kung hindi nga talaga siya isang normal? Paano nangyari 'yun? Lahat ng iyan ay maari nating masagot sa kwento ni MIchaela Jane Orsolino Basa sa The Nerdy Girl Fall In Love