MJ's POV
"LAGOT KA ATE MJ!" Sigaw ng mga bata. Nasanggi ko kasi yung isa sa pinakamahalagang plorera ni nanay Flora.
Ito ako ngayon kumuha ng walis tambo at dustpan para dakutin lahat ng maliliit na parte ng plorerang iyon. Sobrang lakas kasi ng pagkakabagsak kaya sobrang liliit na ng mga parte.Pumasok naman ang bata, nang bigla nilang narinig ang boses ni nanay Flora. Lalo na itong lumakas kaya binilisan pa lalo ng mga bata ang kanilang pagpasok sa kani-kanilang kwarto.
Takot kasi sila sa boses ni nanay at pati narin sa mga mata nito. Para daw kasing mangangain ng tao si nanay kapag ganoon.
"MJ! Anong ginawa mo sa plorerang iyan?!"
Halata mo ang galit sa mga mata ni nanay at alam kong mapapagalitan at masesermonan na naman ako ng todo sa mga oras na'to."Hindi mo ba alam na galing yang ibang bansa! Binigay pa'yan ng isa mayamang donator na'tin at dumayo sa Pilipinas para lang ibigay sa atin?! Napakahalaga niyan! Ano nalang ang sasabihin ko kapag bumisita uli siya dito?! Naku! Ano ba kasing nangyari?!" Namumula na si nanay Flora. Naku! Masama magalit ito-inaatake 'to ng high blood.
"Naghahabulan po kasi kami ng nga bata at sa hindi sinasyandyang pangyayari nasanggi ko po yung plorera. Pasensya na po." Nagatubili akong inayos at winalisan ang plorera at dapat itatapon ko na sana kaso...
"Aber! Saan mo dadalhin 'yan?!" Tanong nito sa akin habang tinuturo yung hawak ko.
"Sa basurahan po." Sagot ko. Sana hindi nila mapansin...
Ang hirap ng gawaing ito ah.
"Hindi akin na'yan! Ang tanda mo na nakakagawa ka pa ng ganito!" Kinuha nya sa akin ang hawak ko.
"Pasensya na po."
"Aba! Dapat lang! Ang laki laki mo na ka-" naputol ang dapat na sasabihin ni Nanay ng biglang dumating ang bata at nagsalita... "Kami po talaga nanay Flora ang may kasalanan."
Tumingin ako sa kanila, makikita mo sa kanilang mga mata ang takot kaya... "Hindi nanay ako po talaga."
"Ano ba talaga?!"
Akmang magsasalita na ako kaso... "Hindi nanay kami po talaga. Kung hindi namin pinilit si ate MJ na maglaro sa lugar kung saan malapit ang plorera ay hindi nya yun masasanggi. Pasensya na po. Natakot kasi kami." Sabi ni Janel.
Biglang napaiyak si nanay. Yinakap ko naman sya agad.
"Okay ka lang po ba nanay?" Tanong ng mga bata. Humiwalay naman ako bigla at tinignan si nanay Flora, tumingin naman ito pabalik at humarap na sa mga bata na may kasamang ngiti. Kahit ako napangiti.
"Mukhang napapalaki namin kayong maayos." Sabi nito.
"Bakit po? Ano po bang nangyari?" Tanong ng isa sa kanila at lahat naman ay sumangayon.
"Huwag sana kayo magagalit... Isa kasi itong pagsusulit." Paliwanag ko.
"Tama si ate MJ nyo. Binigyan namin kayo ng pagsusulit at mukhang naipasa niyo iyun"
Paliwanag namin ni nanay Flora."Ano po ba ang pagsusulit?"
"Ang pagsusulit ay ito-lahat ng ito. Plinano namin lahat ng ito. Pinaniwala namin sa inyo na nagalit ako ng sobra kay ate MJ nyo at mukhang naging totoo kayo dahil hindi nyo hinayaang pagtakpan kayo ni MJ."
Tama si nanay Flora, plinano namin iyun upang malaman kung may progreso ang mga bata. Kung nagiging maayos sila."Galit ba kayo sa amin ni nanay Flora?" Tanong ko.
Nagtinginan ang mga bata at..."Hindi po! Mahal namin kayo eh!" Sabay sabay na nagsalita. Isa sa mga tanong na bumabagabag sa akin ay...
![](https://img.wattpad.com/cover/45766712-288-k187710.jpg)
BINABASA MO ANG
THE NERDY GIRL FALL IN LOVE (RANZ KYLE FANFICTION)
FanficPaano nga ba magmahal ang isang Nerdy Girl? Ang kakaibang babae? Paano kung hindi nga talaga siya isang normal? Paano nangyari 'yun? Lahat ng iyan ay maari nating masagot sa kwento ni MIchaela Jane Orsolino Basa sa The Nerdy Girl Fall In Love