(1) Some Things May Change

29 1 0
                                    

"Naveen Sarmiento, Labas na diyan at malelate kana"

Si Mommy minsan parang manok putak ng putak, pero mahal ko yan

Naandito kami sa Pilipinas, laking US ako pero ang kutis kuha parin sa pagiging Filifina ko, Medyo matangkad ako, may mahabang kulot na buhok, masasabi kong maganda rin ang pangangatawan ko. Naveen pangalan ko kasi meaning raw non ay Lovely o Beautiful, maganda "Daw" kasi ako. Laging paalala sa akin ni Mommy wag kong tatalikuran kung san ako nagmula kaya eto marunong na marunong sa Tagalog, pure Filipina kasi ako.

Sa katunayan 1st day of school ko ngayon kasi kakalipat lang namin mula sa US,buti nalang at kaagad naayos ni Mommy ang aking mga papers kaya daretso 3rd year College ako, lumipat kami kasi nalaman ni Mommy na binubully ako, simula ng tumungtong ako sa 1st year college hanggang 2nd year college binubully na ako sa dating school ko,kaya ngayong 3rd year na ako dito na ako pinapasok ni Mommy sa Pilipinas

Siguro masyado lang akong mahiyain, kaya ganun pagtrato nila sa akin.

Nung nalaman ni Mommy, agad agad na nireklamo ni Mommy ang School , Sounds like i'm a child pero ganyan kaprotective si Mommy sa akin, siya nalang kasi ang tanging magtatanggol sa akin, namatay na si Daddy dahil sa sakit na matagal niyang tinago sa amin.

Sa katunayan dalwa kaming binubully, ang BestFriend ko, half siya kaya madali kaming nagkasundo.

Medyo nalungkot rin ako kasi hindi siya kasama sa pag uwi ko sa Pilipinas, pero sabi niya susunod siya. At alam kong tutuparin niya yun kasi bestfriend ko siya.

"Naveen, baba kana diyan"

Ayan nanaman si Ma oh

"Pababa na po"

Naayos kona ang mga gamit ko para sa School.

Pababa na ako ng may naalala ako.

Humarap ako sa Laptop at nagbukas ng Fb nagtype:

To my BFF,

Panget first day of School na dito, yung promise mo wag mong kakalimutan, dapat within 3-5 days nandito kana, Panget i'm still hoping na iba tong Philippines sa US.
Panget sige pasok na ako. Love you muawhhh

Tuluyan na akong bumaba pagkatapos nun.

"Bakit ba ang tagal mo?"

Ma talaga napaka?

Maiyamutin.

"Ma naman, syempre nagpreprepared para sa school, malay niyo Philippines is like US"

Hanggang ngayon natatakot parin ako sa mangyayari, syempre may takot na ako sa mga bully, phobia kona ata ang makakita ng bully ee.

"Anak naman, ibahin mo ang Pilipinas"

Hahaba pa usapan panigurado. Kaya minabuti ko nang magpaalam at nagkiss sa forehead niya.

Umalis na ako at sumakay sa Van na maghahatid sa akin.

Medyo ang taray ng umaga ko ngayon ahhh.

Baka si manong driver gawing good ang araw ko.

"Manong, masaya po ba sa Pilipinas?"

Nagulat ko ata si manong Charles, halata sa ekspresyon niya, gusto ko lang talaga malaman kung ano ba ang bansang tinirahan namin, kaw ba naman ang tumira sa US ng almost 16 years ee ngayon 18 years old na ako ngayon.

"Mam binigla niyo naman ako, kala ko tahimik lang kayo ee, pero mam bakit niyo naman natanong yun?"

"Sorry manong kung nabigla ko kayo, ee kasi manong natatakot napo kasi akong mabully matapos nang 2 taon ko sa college sa US na puro bully ang nakakaharap ko, kaya minabuti kong tanungin kung ano ba talaga ang Pilipinas?"

Pagpapaliwanag ko kay manong.

"Sa edad niyo Mam, marami kayong makakasalamuha, masasabi kong talagang mahirap mamuhay sa Pilipinas kasi halos ng tao nagbabago, kasi Mam may mga taong talagang makikilala mo na sa una masaya, walang problema ang pakikipagtunguhan niyo sa isa't isa pero siya pala ang sisira ng buhay mo o mananakit sayo, kasi Mam marami ngayong mapaglaro kaya Mam mas mabuting marunong rin kayong makipaglaro, may mga tao namang sa una tahimik, parang walang pake sa mundo pero siyang magiging lakas mo at siya ring magpapatibok ng puso dahil kakayanin nila ipakita ang nararamdam o iwanan ang nakaraan para sayo, sorry Mam kung puro pag ibig kasi alam ko hahantong rin kayo dun"

Grabe, As In WASABE, Walang Masabe, turo sa akin ni Mommy.

Hugot si Manong ikaw na manong.

Napapaisip ako sa mga sinabi ni Manong.

"Ah Mam nandito na pala tayo, Sige Mam ingat kayo huh"

Yan tuloy di ko namalayang nandito na kami heheh..

"Sige manong kayo rin ingat rin kayo"

Bumaba na ako at naglakad papasok sa School

Pagpasok ko sa School bumungad sa akin ang napakalaking pangalan ng school na to "Cebu Institute Technology University" ang pinakakilalang school sa lugar na ito sa Cebu at dahil sa edukado at edukada ang Mom ko at maging si Dad napag-aral nila ako sa gantong school, pinagtataka ko rin nung nasa US ako, kung gayong mayaman kami bakit patuloy parin nila akong binubully, kaya pray ko talaga iba ang school na ito.

Naglakad na ako papunta sa school, pero may problema, hindi ko alam ang papunta sa may principal, si Mom kasi hindi pa kinuha ang aking schedule ee.

Naglakad lakad ulit ako silip ng silip sa mga room nang makarating ako sa third floor hindi ko na talaga alam ang gagawin kasi naliligaw na ako , bakit kasi napakalaki ng school na ito pati ako nadadamay.

Hayyy buhay may tutulong ba sa akin dito?

Medyo napagod na ako, kaya sumandal na ako sa may pader malapit sa akin.

Hayyyyy nakakapago.... "AY PWET NG NANAY MO"

hooo dyusko. Sa lahat ng gugulatin bakit ako pa?

"Hmmm ate may sasabihin lang..... Naliligaw kaba?"

Aba ang babaeng to, ako na ang ginulat ako pa ang tatawanan nito.

"May nakakatawa ba ate?" Tanong ko sa kanya.

Pagkatanong sabay seryoso niya.

"Ah ee kasi naman ang ganda ng reaksyon ng ginulat kita,,Hehe sorry po,,tanung ko kung naliligaw ka?"

Ako naman na pilit na ngumiti heheh medyo nahiya rin naman ako sa sinabi ko no.at hindi na ako nagmayabang at sinabi sa kanya na talagang naliligaw ako at ayun tinuro naman niya sa akin ang principal's office, pero hindi ko nakuha ang name ng babae kasi shes nice Maganda, mukhang lahing Korean siya, Fair ang kulay ng balat medyo maputi nga lang siya sa akin. Biruin niyo ang saya niya kausap heheh feeling ko nga ee mali ang naging panghuhusga ko sa Pilipinas iba nga talaga ang tao dito, ang galing lang mukhang magiging masaya ang pagtira ko dito sa Pilipinas..

Talaga palang Some things Change.

Act Like Nothing Is Wrong!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon