(6)Awkward

12 0 0
                                    

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi na ako nagtangkang pumunta muli sa rooftop, mas nakakatakot na ako kumpara ng pangalawang punta ko dun. Isang linggo narin ang nakalilipas simula nun.

Sabi ni Lex sa akin na may pagbabago daw na nangyari kay Ace, pero hindi ko iyon nasaksihan dahil mula nung huli kong punta sa rooftop hindi ko na siya nakikita,  sabi pa ni Lex palagi daw naalis si Ace sa bahay nila na malakas at may sigla hindi tulad noon na parang naghihingalo, kinukwento raw lahat ng ate ni Ace sa kanya kaya nalalaman niya ang nangyayari kay Ace, nakita daw niya si Ace na namimili sa Mall na kung ano ano laking gulat pa nun ay nakangiti si Ace at walang bahid ng kalungkutan kung titingnan sa mga labi nito pero kung direkta sa mata makikita parin ang pangungulila at ang sakit, pero ako mismo ay nagulat kahit mga kwento palang iyon ni Lex, pero mas gusto kong ako ang makasaksi sa mga pagbabago kay Ace.

May tiyansa kaya na napakinggan niya lahat ng nasabi ko sa kanya at napagtanto niya na tama ako, ang assuming ko naman kung ganun diba, o di kaya ay nandito na si Rose, pero imposible yun kasi kung nandito na yun edi sana naikwento na iyon sa akin ni Lex, pero maaari rin namang ang pamilya niya ang nagpabago sa kanya diba hayyy naku Si ako talaga napaka? hahaha siguro nga, andiyan parin naman kasi ang pamilya niya para gumabay sa kanya.

Nandito nga pala ako ngayon sa Airport dito sa Cebu, madating na ang pinakamamahal kong Bestfriend kong si Ivel Clark Vendez, medyo nakalimutan kona ang bawat pigura ng mukha niya kaya eto sobrang excited ko para makita ko ulit kung may pagbabago ba sa kanya.

Maya maya may napakinggan na ako na hudyat na nakababa na ng maayos ang eroplanong sinasakyan nila IC, nagsilabasan na ang mga tao, medyo marami sila kaya eto palingat-lingat ako, maya maya may nakatayo nang lalaki sa harapan ko, maputi, bagsak ang mga kulay itim na buhok, matikas ang pangangatawan, napakaganda ng pagkahulma sa kanyang mukha, nakashades siya, pero sa prisensya palang niya alam kona kung sino itong lalaking nasa harapan,

"Tititigan mo nalang ba ako diyan Panget"

Napalaking boses at pagkaislang na pananalita Pero....

"Bakit naman natagalan ka?

"Pwede ba Pan sa kotse nalang tayo mag usap, pagod ako ei"

Sabay akbay sa akin ni Pan na hindi talaga akbay kasi kinakalikad niya ako.

Sinabi ko sa driver namin na sa malapit na restaurant nalang muna niya kami ihatid dahil etong katabi ko kanina pang ngumunguso sa tagiliran ko at hinihimas himas pa ang tiyan niya, nakakabwisit nga ang mukha niya ei.

"Hey Naveen, may nahanap kana bang lalaki dito, napaltan mo na ba ako diyan sa puso mo?"

Naku eto nanaman ang aking Bestfriend ganito kami kapag nagkukulitan kala mo personalan hahah kaya namiss ko itong bestfriend kong ito ei.

Ngayon nakaupo na siya ng ayos at nakatingin na ngayon sa labas.

"Hey Ivel, kung may makita man ako na lalaki na hinahanap ko sa mahabang panahon siguradong ikaw ang unang unang makakakilala dun, at tsaka isang katulad mo ang standard ko no, ang hirap makahanap ng tulad mo sa panahon ngayon kaya medyo matatagalan ang paghihintay at paghahanap ko"

Habang nagsasalita ako hindi siya nakatingin sa akin, nakatingin parin siya sa labas, hayyy oo nga naman bago palang siya sa bansang ito.

"Ei sino yung mr. Unknown na sinasabi mo huh?"

"Ah ayun ba, naku Ivel kung malalaman mo ang istorya niya, kahit na lalaki ka lalambot ang puso mo sa kanya, pero hindi kp naman sinabing magiging bakla ka hahaha hindi ko maimagine kapag bakla ang Bestfriend ko hahah, at ikaw wag ka nga magselos ikaw ang nag-iisang Bestfriend ko dito sa mundo"

Medyo damadami na ang pinagsasasabi ko kay I.C. ah heheh ganto talaga pag namimiss mo ang isang tao.

"Pero kung tulad ko naman ang hinahanap mo bakit hindi nalang ako?"

Ngayon sa sinabi niyang iyon ay nagkatitigan kami dahil sa pinagsasabi niya.

Pero ang awkward na huh, hindi naman niya ito sinasani noon sa akin kahit na sabihin kong tulad talaga niya ang lalaking gusto ko.

Feeling ko namumula na ako ngayon, kasi mga ilang minuto na kaming nagkatitigan, hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mata niyang magaganda kahit ang lakas lakas na ng tibok ng puso ko, pero ngayon hindi ko alam etong nararamdaman ko?

"Naku Ivel nakakatakot kana huh, sari-sari na ang sinasabi mo ei"

Ngayon nagkalakas na ako ng loob para makaalis sa mga titig niya, ngayon ako naman ang tumingin sa labas para manuod sa kalsada, at siya rin naman umayos rin ang upo.

Wala na ulit nagtangkang umimik sa aming dalawa, kaya hanggang sa makarating sa kami sa restaurant ay ganun parin walang imikan.

Nauna akong bumaba sa aming dalawa, ako na ang humanap ng pwesto sa restaurant, umupo sa bandang malapit sa pintuan, habang siya dumaretso sa counter at umorder na.

Maya maya napatapos na siya ng may dala dala ng pagkain kaya kumaway ako para makita niya.

Ngayon tahimik na kaming dalawa kumakain, hindi ko nga alam etong inorder ni Ivel, pero masarap kaya kain lang ako ng kain.

Wala paring nag-iimikan sa amin.
Hanggang sa nagtanong siya.

"Pag Pumasok na ako sa school na pinapasukan mo, pakilala mo ako dun sa Mr. Unknown na yun huh"

Para namang nakakatakot ang bawat pagbigkas niya sa bawat salitang sinasabi niya. Nagbabanta ba siya? pero para naman hindi niya mahalata na naaawkwardan na ako ngayon ay sinagot ko nalang siya.

"Oo naman, pero mukhang hindi natin siya malalapitan. I just know his story but not his whole story, and also we're not close, Hmm by the way his name is Blues Ace Monte Valles"

"Wow, alam mo na pala ang pangalan niya, pero alam mo ngayon ko lang napakinggan na marami kang alam sa isang lalaki bukod sa akin, you've not been so close to any boys around you when we're at the US...

pinutol ko ang mga sasabihin niya kasi mukhang sineseryoso niya yung pagkwekwento ko sa kanya tungkol kay Ace.

"I told you we're not close, i just know his life and his name because of my girl friend"

Kanina Pang seryoso ang mukha ni Ivel na kahit nasa US pa kami ay never ko pang nakikita ang ganto kaseryosong mukha niya, nakakatakot as in, kaya hindi na ako matingin  ulit sa kanya na kanina ay nakaya ko pang tumingin pero ngayon hindi na as in hindi na.

"Alam mo Naveen nakakapagtaka lang na first time kong marinig kang nagkukwento tungkol sa lalaki, nung nabasa ko yung message mo sa akin sa fb tungkol dun sa Mr. Unknown na yun siguro may iba dun sa Lalaking yun na nakapagcurious sayo na ngayon ay gusto ko nang malaman, pero ang OA ko naman diba Naveen hahaha"

Ngayon hindi na siya nakakatakot dahil ngumiti na siya, pero first ko nga palang magkwento tungkol sa lalaki, siguro kaya big deal sa kanya yun ay nagseselos siya, sabagay kahit ako nagkwekwento siya sa isang babae nagseselos ako dahil gusto ko ako lang ang Bestfriend niya, pero minsan naman sabi niya hindi niya naman ako pinapalitan bilang Bestfriend, friend lang niya yung mga yun.

Ngayon nagkalakas na ako ng loob para ngitian at tingnan siya.

Nang nakita kong parehas nang ubos ang pagkain namin ay tumayo na ako at hinila siya palabas.

Sa huling pagkakataon napakinggan ko nanaman siyang umimik.

"I'm jealous here, I Hope you know that?"

Hay naku gusto niya bang lumayo ako sa kanya kasi naiilang na ako sa kanya ei. Ngayon na hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko at alam kong pulang pula na ang mukha ko. Bago tulayang makarating sa Car namin ay tumugon ako sa sinabi niya kanina.

"Of course i know that because you're  my bestfriend"

***
I'm you're bestfriend, sana mas malalim padun pag nalaman mo Naveen ang totoong nararamdaman ko sayo, Sa ngayon lalamunin ko muna ang sakit tuwing tinatawag mo akong bestfriend, maghihinay hinay muna ako sa paglabas ng feelings ko for you, pero it's a good start seeing you blushing when i ask you some serious quetion, i hope someday our feelings will be the same.

Act Like Nothing Is Wrong!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon