(8)Beats Fast

5 0 0
                                    

Pagkatapos ng araw na yun, hindi ko na nakita pa si Ace, at normal routine na ang nangyayari sa amin ni Lex, kasama na rin si IC, wala namang maganda at masamang bagay ang nangyari sa akin o sa kanila.

"Nav, punta tayo sa mall, shopping tayo?"

Nasa harapan ko IC, na nagpupuppy eyes pa. Sabado ngayon at nasa salas kami ngayon nakaupo, agang aga kasi binubulabog na ako nitong si IC, at pagshoshopping agad ang binabanggit, daig pang babae eh.
Medyo ilang linggo na nga akong hindi nakakalabas ng bahay, kasi naman puro mga bagay na nakakapagpacurious sa akin ang mga iniisip ko.

"Sige, wait mo ako, magbibihis lang ako"

Umukyat na ako sa itaas at nagbihis, simpleng damit lang sinuot ko, jeans, maluwag na damit, at sandals. Ayaw ko kasing magpakabongga, magshoshopping lang naman eh.

Pagkababa ko, wala na siya sa salas siguro naghihintay na sa labas sa sobrang kaexcited ng bestfriend ko.
Pagkalabas ko nakita ko siyang naghihintay sa kanyang kotse, nakasandal sa may pintuan ng front seat.
Kahit matagal na kaming magkakila neto, namamangha parin ako sa mukha niya, mukha siyang anghel at halatang halata na maraming naghahabol sa kanya, sa itsura niyang mala artista, ewan ko nga rin ba sa akin, sa itsura niyang yun dapat nainlove na ako sa kanya, kaso mukhang hindi kami destined sa isa't isa hanggang pagkakaibigan nga lang siguro kami, kaya hinding hindi ko pagpapalit anh bestfriend kong ito eh.

"Huy"

Hindi ko namalayang nasa harapan ko na siya.

"Napopogian ka nanaman sa akin Nav ano?"

Pero minsan talaga lakas ng hangin ng isang ito.

"Oo nalang IC"

Sabay diresto ko sa front seat ng kotse niya, hahaba ang dakdak nun kung papatulan ko eh.
Habang siya ay nagdradrive papunta mall, tinanung ko nalang siya sa mga nakakaintrigang tanong ko.

"Kamusta na daw si Adien Balmes?"

Pagkatanong ko nun, bigla nalang nagbago ang itsura niya, kung kanina kung makangiti to kala mo walang bukas, ngayon naman kung makakunkt nang noo grabe.

"Naveen, alam mo naman siguro na toxic yang pangalan na yan sa akin diba?"

Mahinahon niya iyong sinasabi sa akin, na para bang pinapaintindi niya sa akin ang mga bawat salita ng pangungusap niya.

"Tinatanong ko lang naman kasi diba kung makaiyak ka sa kanya nung umalis siya papunta sa Singapore kala mo naman wala nang bukas."

"Naveen, parang awa mo na ayaw ko nang pag-usapan ang nakaraan naminng dalawa, wala na yun, ang mahalaga sa akin ngayon ay ang ngayon, kasama kita."

Act Like Nothing Is Wrong!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon