(2) First Encounter

21 0 0
                                    

At dahil sa isang anghel na babae nakuha ko na rin ang sched ko.

Nagsisimula na sila ng klase ng pumasok ako sa loob ng room.

"Here she is"

Sabi ng prof

Inform pala sila na may bagong students ang papasok dito.

"Good morning Mam"

Bow head bilang galang sa kanya.

"Come here, introduce yourself"

Pag aanyaya niya sa akin, sumunod naman ako kay Mam, pumunta sa tabi niya at nagsimulang magpakilala.

"Hi I'm Naveen Sarmiento"

Pagpapakilala ko sa mga kaklase ko sa subject nato, grabe ang saya, ngayon ko lang naramdaman ang nararamdaman ko ngayon, yung feeling na ang mga kaklase ko nakangiti lahat sa akin, hayyyyy grabe ang sarap sa pakiramdam ahhhh. Dito ko ata malalabas ang kakulitan ko ahhh.

Napunta naman ang aking paningin sa isang kanina pang kumakaway sa akin...

Oh siya yun ang babaeng tumulong sa akin, eksakto walang nakaupo sa katabi niyang upuan.

"Naveen you may sit"

Pagkasabi niya nun, dumaretso na agad ako sa upuang sinasabi ko kanina, maganda rin kasi ang pwesto nun ay nasa tabi ng bintana.

Pagkaupo ko halata rin sa kanya na masaya siya at magkaklase kami, binawian ko rin siya nang napakalaking ngiti para malaman rin niyang masaya rin ako ngayon.

"Biruin mo yun magkaklase pala tayo"

Sabi agad niya pagkaupong pagkaupo ko.

"Oo nga ee, nga pala ano name mo nakalimutan kong itanong sa iyo ee kanina?"

Tanong ko sa kanya , pabulong ako niyan baka kasi maging masama agad image ko sa kanila ee kabago bago ko palang

"Ay oo nga pala, Im Lexus Reyes"

Sabay abot niya ng kamay sa akin, at inabot ko rin naman ang sa akin.
Grabe lambot ng kamay.

"Kilala mo na ako ano hehehe"

pabiro kong sabi sa kanya

"Oo nga hehehe"

Pagkatapos nun ay parehas na kaming nakinig sa prof namin.

.

Tapos na ang klase, kaya sabay na kami ni Lex para pumunta sa cafeteriaat biruin mo yun perehas kami ni Lex kaya ayun sabay kaming umorder sa cafeteria.

"Kuha kana ng order mo, may pupuntahan lang ako"

Ngaa pala may dapat pa akong pasalamatan.

"At saan ka pupunta?

Tanong niya sa akin ng may pagtataka.

"Diyan diyan lang sa tabi"

"Sige ingat ka huh"

Sabi niya sa akin.

Naglakad lakad na ako pero hindi pa nakakalayo bumalik ako kay Lex.

"Lex?"

"Oh kala ko may pupuntahan ka?"

"Oo nga kaso.......

Hindi ko alam kung saan ang daan?"

Yan ang nakalimutan ko kaya ako bumalik heheh.

"Saan kaba pupunta?"

"Sa rooftop ng building na ito"

"Ah.. Sige daretso ka, pag may likuan lumiko ka sa kanan tapos daretso liko sa kaliwa tapos makikita mo na dun yung hagdan papuntang taas"

Grabe ..

"Sige salamat sayo, una na ako huh"

Si Lex naman na tumango lang nang hindi tumitingin sa akin, busy sa pagkain ano ba yan.

Sinunod ko naman ang sinabi ni Lex.

Maya maya andito na ako sa hagdan pataas.

Sana walang tao

Bulong ko sa sarili ko

Grabe ang taas naman, medyo nakakapagod rin ito ahh.

Nakikita ko na ang liwanag, siguro yun na ang rooftop.

Dali dali na akong pumunta sa taas,

nang nasa taas na ako medyo malamig na hangin ang sumalubong sa akin,

"Grabe ang ganda ganda dito, buti na lang ako lang tao dito"

Sa sobrang saya ko, ginawa kona ang totoong pakay ko dito.

"THANK YOU LORD, TINUPAD NIYO GUSTO KO, YOU ARE SO GREAT LORD, THANK YOU FOR PROTECTING ME, AND AL........
.....

"Can you....

May naramdaman nalang akong kamay sa balikat ko na marahas na hinarap sa kanya at akma akong sasampalin gamit ang likod ng kamay niya kaya napapikit nalang ako.

"Can you shut up?"

Mahinahon niyang sabi, sabay nun ang pag mulat ng mga mata ko.

Grabe pogi siya infairness, Blonde buhok niya at bagay na bagay iyon sa kanya na nagpapalabas ng pagkalalaki niya , matangos na ilong, pero hindi kaputian pero as in ang gwapo niya. Makikita mo sa mata niya ang galit pero nangingibabaw ang lungkot, I'm curious now because of his eyes.

"I can, but this is how I express my feeling"

Sabi ko sa kanya, sinagot ko lang tanong niya.

"Is this your place?"

Tanong ko sa kanya na kanina pang nakatitig sa akin at kanina pang hindi inaalis kamay niya sa balikat ko.

"Yes"

Cold na boses na sabi niya. Cold Voice But sweet :)

"Can I.....

"You Better go.....

At akma na naman akong sasampalin pero hindi ko na siya hinyaan at tumakbo na ako.

At nang nasa pintuan na ako humarap ako sa kanya at sinigaw!

"Salamat sa Lugar mo huh"

Sabay takbo na ulit.

Bakit kasi hindi ko siya nakita kanina, sayang magtatagal pa sana ako sa rooftop ee.
Pero eto nanaman ang kahinaan ko ang macurios sa mga bagay hanggang sa huli ako ang talo at nasasaktan ewan ko ba sa akin, eh sa tingin ko naman wala siyang kaugnayan sa buhay ko, tama lang ang macurious ako sa kanya, Pero bakit kaya may lungkot sa mga mata niya???? Hayyysss eto nanaman ako tsk nakakaasar !!!

Pero salamat Talaga sa konting time ko sa place mo mr.Unknown

Napagdesisyunan ko nang bumalik kung nasaan si Lexus, at nagdadalawang isip kung ikwekwento ko pa ba kung ano ang nangyari sa akin. Hindi naman siguro masyadong importante yun. Pero nakakacurious lang talaga kung sino yung guy na nasa rooftop.

Act Like Nothing Is Wrong!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon