(5)Advice

10 0 0
                                    

***

Mahal parin kita hindi ko magawang maalis ka sa isip ko, gusto kong ibalik ang dati, na masaya ka sa akin at sobrang saya ko dahil sa akin ka, wala akong pakealam sa mga dahilan kung bakit ka umalis ang gusto ko lang ay Ikaw Ikaw at Ikaw lang Rose Clemente, bumalik kana sa akin, hihintayin kita kahit kelan.

Sabay nito ang pagpatak ng luha ng lalaki habang naghihintay parin kung saan niya inaasahang babalik ang babae.

**

Pagkatapos ng usapan naming iyon ni Lex minabuti kong pumunta sa C.R upang ayusin ang aking sarili.
Pagkapunta ko sa C.R ay humarap ako sa salamin, may bahid ang kaliwang pisngi ko ng natuyong luha, siguro dala nadin ito ng lungkot at saklap ng buhay pag-ibig ni Ace.

Wala nanaman kaming klase absent nanaman ang Prof namin na sumakit raw ang tiyan ng asawa niya ulit.

Hayyy hindi ko alam kung saan ako pupunta, napakalungkot ng araw na ito, magmamall ba ako o yayayain si Lex na pumunta sa amin.

Nagpalibot libot ako sa Campus na hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta, maya maya hindi ko namamalayang dinadala na pala ako ng mga paa ko papunta sa lugar kung saan mas lalong lulungkot ang araw ko.

Nasa rooftop ako ngayon, pero hindi ako dumaretso kung saan ako sumigaw nasa bungad lang ako ng pinto, umupo at sinandal ang ulo ko, ang pwesto kong ito ay kitang kita ang kinatatayuan ni Ace, malinaw ko siyang nakikita, ang bawat parte ng mukha niya ay mas lalong may nagsasabi sa aking napakagwapo niyang nilalang.

Siguro hindi pa niya ako nakikita dahil kung nakita na niya ako kanina pa akong wala dito.

Ilang saglit lang ay umibo siya, nakaupo siya at nakatingala sa langit.

Kitang kita ko ang lungkot at sakit sa mata niya, para itong nangungusap o nagmamakaawa, nalulumbay ako sa nakikita kong ito, na isang lalaking kayang hamakin ang lahat bumalik lang ang babaeng mahal niya. Maya maya unti unti nang lumagpak ang mga luha ni Ace, na lalong nagpahabag sa puso ko, naluluha narin ako, gusto kong marinig ang mga dahilan niya kung bakit parin niya hinihintay si Rose, pero siguro dahil mahal na mahal na mahal parin niya si Rose.

Tumayo ako at dahan dahang lumapit sa kinatatayuan niya, hindi siya umibo sa kinatatayuan niya, kala ko kasi magugulat siya at tatabuyin ako, pero nandito siya walang kibo, siguro ay hinang hina na siya sa mga pinaggagawa niya.

Unti unti kong inaabot ang panyong kanina pang nasa kamay ko, na siguro basa na rin dala ng takot at kaba ko.

Umupo ako sa tabi niya pero may konting agwat naman kasi kahit papaano takot parin ako, dahil wala ata siyang balak na kunin ang aking panyo, kaya minabuti kona lang na ilagay ulit ang panyo sa bulsa ko.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay umibo siya, at ako naman ay napalayo sa kanya kasi baka kaladkarin niya ako paalis dito sa rooftop, pero hindi niya iyon ginawa, kundi ay nakaubob na siya sa mga tuhod niya, na parang batang umiiyak na nawalan ng candy.

Lumapit ulit ako ng bahagya sa kanya.

"Bakit mo pa siya iniintay, hindi paba pananakit ang ginagawa sayo ni Rose?"

Mga ilang minuto ko rin bago maisip ang tanong na yan, kaya ako rin ay nabigla sa sarili ko dahil nailabas ko sa mga bibig ko ang tanong na yon.

I Just Want To Know His Side :(

"You don't know everything, You don't even know how much i love her, and in fact i don't know you and also you don't know her, I know she has a good reason why she did that to me, and i'm willing to forgive her for everything, just to get her back"

Mga ilang minuto bago niya sagutin ang tanong ko, kala ko hindi na siya sasagot pero nung narinig ko ang mga sagot niya, Nakaubob parin siya habang sumasagot sa akin. Pero mahahalata mo sa boses niya ang sinseridad at tapang habang binibigkas niya ang bawat salita, alam ko nasagot na nito ang tanong ko, pero bakit sa isang parte ng pagkatao ko bakit ayaw parin maniwala, gusto ko pang marinig lahat lahat, gusto ko parin malinawan, pero nakakainis isipan na dapat wala akong karapatan para magtanong, mangialam at maawa sa kanya kasi hindi ko siya kaano ano, bukod sa pangalan niya hindi ko parin talaga siya kilala, kahit ikwento na ni Lex ang tungkol sa kanila, bakit ba ako nangingielam?

"I know i have no rights para mangialam, at alam ko ngayon palang kung gaano mo siya kamahal, pero makita kang ganyan ay parang nadudurog ang puso ko, at alam kong ganto rin ang nararamdaman ng kaibigan mo pati narin ng babaeng mahal mo, bakit hindi mo gawing maghintay sa maayos na paraan, maging masaya ka habang hinihintay siya para sa pagkakataong wala na talagang pag-asang bumalik siya, handa na ang puso mo na harapin ang katotohanan, hindi kana takot na mawala siya sayo, bagkus magmamahal ka ng iba para masuklian lahat ang pagmamahal na nilaan mo sa kanya, kasi dapat alam natin na dapat sa una palang hinahanda na natin ang sarili natin sa posibilidad na mangyari, masama man o panget na reyalidad, kasi know one knows what will happen the next days, months and even years, handa si Lex na tulungan ka at alam ko na hindi tutol si Lex sa paghihintay mo sa kanya pero sana hindi mo sinisira ang buhay mo, may pamilya ka pa, may mga kaibagan, alam ko kaya mong hamakin ang lahat para makita at makuha mo siya, pero sana malaman mo na maling isakripisyo ang maraming tao para lang sa iisang tao"

Hindi ko nanaman alam kung saan ako nakahugot ng lakas para makapagsalita, at hindi ko rin alam kung saan galing ang mga sinabi ko, pero alam kong totoo at galing sa puso ang mga pinagsasabi ko. Gust ko ring malaman niya kung ano ang side ko, kahit hindi niya ako kilala gusto malaman niya na lahat ng tao sa paligid niya ay may pakealam sa kanya.

Pagkatapos kong malabas ang side ko sa kanya, hindi siya kumibo, walang kahit ano sa katawan niya ang kumibo, maliban sa buhok niyang nadadala ng hangin dito sa rooftop, walang kahit anong response ang nanggaling sa kanya, kundi malaking katahimikan ang nabalot sa aming dalawa, siguro hindi siya nakikinig dahil hindi nga naman niya ako kilala, sigurk natulog na siya.

Maya maya tumayo na ako at akmang aalis na dahil mahabang oras narin na nandito ako sa rooftop, naglakad na ako palayo sa kanya pero bago ako tuluyang makalayo sa kanya isinigaw ko ang buong pangalan ko sa kanya para atleast kahit sa pangalan kilala niya ako, pero alam kong baka hindi niya iyon narinig kasi tulog na ata siya.

Pero it's a relief na malabas ang mga salitang nais na nais ko talagang mapakinggan niya. Kahit na baka hindi niya iyon pinapakinggan o napakinggan!

Act Like Nothing Is Wrong!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon