Namalayan ko nalang ang sarili kong nakatitig parin sa likod ni Ace na hanggang ngayon ay hawak parin ang kamay ko at hinihila parin niya ako papunta kung saan ay hindi ko alam.
Tumigil siya malapit sa ilog, dahilan para mabunggo ako sa likuran niya dahil tulala parin ako sa pangyayari ngayon, nang tuluyan na siyang tumigil doon ako nakakuha ng pagkakataong makawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko.
Tumingin tingin ako sa paligid, at mukhang wala ngang tao dito, may gantong lugar pala talaga sa pilipinas, maganda, nakakaakit dahil sa tahimik at payapang kapaligiran.
"We're here"
"Yes, we're here, and i don't why i am here?"
Napatingin siya sa akin pagkasabi ko nun, ewan ko lang, pero nakakaintriga ang bawat pagtingin niya sa akin.
Umupo ako sa damuhan malapit sa ilog at nagsimula nang maspeech.
"Bakit mo ako dinala dito? Anong gagawin mo sa akin huh? May masama kang balak ano? Alam mo bang may kasama akong naiwan dun sa mall? Mamaya hinahanap na ao nun eh? At bakit mo ba ako hinila huh? Alam mo bang..."
"Help me"
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya, nakatingin siya sa kawalan na ngayon ay nakaupo na.
Mukhang seryoso siya sa mga sinabi niya, bakas sa mga mata niya ang lungkot at determinasyon sa mga sinabi niyang yun. Hindi ko alam ang sasabihin kaya napaayos nalang ako nang upo habang tinitingnan siya. Hinihintay ko kung may isusunod ba siya sa sasabihin niya, hanggang sa napadesisyunan ko nalang na tumayo at akmang aalis kasi mukhang naghahanap lang to nang malalaro at ako yung tipo nang taong hindi nakikipaglaro."Wait..."
Hawak niya ulit ang kamay ko para pigilan sa pag-alis, ngunit ang pagkakapit niya ay walang lakas dahilan para makawala ang kamay ko sa pagkakahawak niya, at daretso na akong umalis, nang hindi pa ako nakakaalis may sinabi siya na nagpaisip at nagpatigil sa kinakatayuan ko.
"I'm serious here Naveen Sarmiento, Help me forget her"
"Ako tutulungan ka para makalimutan mo siya"
Sa pagkakataong to nakatingin na ako sa kanya, at nakatingin narin siya sa akin.
Nanginginig ako sa kaba, takot at galit, sa mga sinabi niya mukhang gusto niya ako gamitin para makalimut siya kay Rose.
Nakatitig siya sa akin, nang may halong pagmamakaawa at hinagpis.
May nagsasabi sa aking tulungan siya at meron din naman nagsasabing wag kasi paglalaruan ka lang rin niyan sa huli."I know you know her, Lex mentioned her right? I know i'm crazy enough to ask you for this nonsense way just to forget her, masyado na akong nasasaktan, gusto ko na siyang makalimutan, alam kong hindi madali yun, kasi alam ko hanggang ngayon nakaukit parin siya dito sa puso ko, pero alam kong sa tulong mo mapapadali ang lahat diba?"
BINABASA MO ANG
Act Like Nothing Is Wrong!
Teen FictionMagiging madali kaya ang pagtanggap sa katotohanang hindi madaling palitan ang pangalan ng babaeng nakaukit sa puso ng taong mahal niya. Hanggang kelan aasa, hanggang kelan magpapanggap, hanggang kelan ipagtatabuyan ang mga taong nagmamahal. Is ther...