Chapter 1

4.6K 121 1
                                    


"Lagi mo na lang pinapansin yung sinasabi ng iba. Ang importante sa akin ikaw. Yung tayo. Mahal kita! Bakit ba ang manhid mo?" Karylle shouted at the man infront of her.


"Pero di mo ako maintindihan. I-I don't feel the same way. I'm sorry, kaibigan kita pe-" Naramdaman na lang ni Vice ang lakas ng sampal ng kaharap nyang babae kaya napahawak sya sa kanyang pisngi.






"And cut! Good job, K and Vice. K, kung consistent ang ganyang acting mo, mabilis kang makakakuha ng supporters. Pack up na tayo!" Karylle felt good and bad at the same time. Good dahil positive ang narinig nyang comment ng director nila sa kanya. Bad because feeling nya napalakas ang sample nya kay Vice.


"Ah.. Ate Vice, sorry po pala kanina." Hinabol nya ito ng nagsimula na itong tumalikod matapos kausapin ng kanilang director.


"Saan naman beh?" Hindi man lang sya dinapuan ng tingin nito. Busy sa kakatext. "Sa pagsampal ko po." Kinabahan naman si Karylle dahil napatigil si Vice sa kanyang ginagawa upang tignan ang kausap.


"Ah, oo nga eh. Malakas ka palang sumampal, girl." Napayuko na lang sa hiya si Karylle. "Pero wag kang madown, keri naman ng pez ko ang ganung pwersa. Sige, gora na aketch ha? Babush!" Kumaway sa kanya si Vice at tinalikuran na sya agad kaya naman dumiretso na sya sa tinutuluyan nyang tent upang kunin na ang kanyang gamit at umuwi na sa kanyang condo.

..........

"How did it go?" Tanong ng kaibigan nya sa tulalang Karylle.


"Huy Ana!" Pinoke nya ang pisngi nito upang matigil sa pagkatulala.


"What?" Iritableng sagot ng dalaga.


"Sabi ko kamusta ang shooting mo? Kamusta ang pagiging artista?"


"Sira. Kinakabahan ako. Paano kung di ako magustuhan ng mga tao? I mean, anong laban ko sa mga beteranong artista, diba? Tapos ang partner ko pa si Ate Vice." Sagot ng dalaga na nagsimula ng maglabas ng kinikimkim.


"Wala pa nga eh. Pinapangunahan mo nanaman ang mga reaksyon ng iba tao. Tsaka tumigil ka nga sa Ate Vice, Ate Vice na yan. For sure kinikilig ka na sya ang nakapartner mo." Inirapan naman nito ang kaibigan nya.


"Duh, tinatanong pa ba yan? Syempre naman, Iza. Bukod sa number one fan nya ako, die hard fan din ako kung maituturing." Tinabihan naman ni Karylle mula sa pagkakaupo sa sofa ang bestfriend slash pinsan nyang si Iza.


"At bukod sa mga nabanggit mo, isa ka ring stalker ni Vice Ganda. Jusko! Lahat ata ng ex nya nalaman mo. Ikaw babae ka, sinasabi ko sayo ha, payong kaibigan lang naman 'to. Kung ayaw mong masaktan, ngayon pa lang tumigil ka na."


"Ngayon pa ba kung kelan ito na sya? Kung kelan nasa harap ko na at makakasama ko na sa isang pelikula? Huy, mahirap naman ata yang pinapagawa mo." Karylle defended what she wanted.

Cinderelli and the Beki ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon