Chapter 10

1.7K 92 15
                                    


*

"Kurba, saan ba ang bahay mo?" Mabuti na lang ay nakita agad ni Vice kung saan pinark ni Karylle ang kotse nya. Sya na ang umalalay dito mula sa paglabas ng bar at malamang ay sya na rin ang magdadrive. Naisip nga nyang sana pala ay hindi na lang sya umattend sa party ng mga kaibigan. Para kasing nagkaroon pa sya ng alagain.



"Bahay? I don't have bahay. I have condom...inium. Hihihi." Para namang pinagpawisan si Vice ng tignan sya nito seductively. Nakahinga lang sya ng maluwag nang biglang binawi ni Karylle ang sinabi nya. Tinawagan nya ang mga kaibigan nila pero hindi raw nila alam kung saan nakatira si Karylle, ang iba naman ay hindi na sumasagot.



"Patingin phone mo, K" Medyo nagseseryoso na si Vice dahil gusto na nyang ihatid si Karylle. Parating na kasi ang driver nya para kunin ang kotse nya at sundan kung saan man sila magpunta ni Karylle para pagkahatid nya sa dalaga ay babalik na sya sa kanyang kotse.



"No!" Niyakap ng dalaga ang kanyang cellphone at masamang tinignan si Vice. Nagulat naman ito sa naging reaksyon ng dalaga.



"Makikita mo yung wallpaper ko eh." Nahihiya na sagot ni Karylle. Right now, ang alam lang nya ay may kasama syang isang tao na pinagkakatiwalaan nya at alam nyang safe sya kaya nga hindi na sya kumontra nang ito na ang nagkontrol ng manibela ng kanyang kotse.



"Sige na, teh. Gusto ko nang magborlog. Puyat akez!" Pagsuko ni Vice. Napufrustrate na rin kasi sya sa kakulitan ni Karylle.



"Yung condo ko dun sa ano.. Saan ba yun? Di ko matandaan eh. Hihihi." Napasapo na lang si Vice sa kanyang noo. Suko na sya.



"Bahala na si Madam Bertud" Pagsasalita ng binata. Bahala na talaga dahil napagdesisyunan nyang patulugin na lang si Karylle sa condo unit nya. Alangan naman hintayin nyang bumaba ang nainom nitong alak bago sila umalis sa bar? Aabutin sila ng matagal na oras kung ganon. Sinimulan na nyang idrive ang kotse ni Karylle papunta sa kanyang unit.



"Alam mo ha, kuya, mewon akong 'crush' na bakla eh." Biglang sabi ni Karylle na akala ni Vice ay tulog na dahil nakapikit ito.



"Nanaginip ang gaga." Natawa si Vice sa nakita. Gusto nyang kuhanan ang kaibigan ng litrato para may pang asar sya pero hindi nya magawa kasi nag iingat sya sa pagmamaneho.



"Hindi ako nananaginip. Ikaw ang gaga!" Hinampas ni Karylle ang katabi. Nagulat si Vice dahil sa legs nya lumanding ang kamay ni Karylle. Para syang kinuryente.



"As I was shaying no? May crush akong bakla. Well sabi ni Iza yung pinsan kong walang boypren! Sabi nya wala daw ako pag asa dun sa bakla na yun. Tsaka sabi nung iba panget daw yung bakla na yun kaya di bagay sha akin kasi sya panget ako maganda. Hahaha!" Nakahawak pa si Karylle sa kanyang tiyan. Mahapdi na kasi ito dahil sa dami ng nainom nya at talagang literal na masakit ang tyan nya kakatawa sa sinabi nya.

Cinderelli and the Beki ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon