Chapter 18

1.5K 134 21
                                    



"Karylle, akin na yung maleta mo." Hinihintay kasi ni Karylle na ilabas ng kundoktor nila ang kanyang maleta. Yung iba kasing Showtime hosts ay nauna nang pumasok sa loob ng hotel.

"Wag na, Jhong. Magaan lang naman ito." Pag tanggi ni Karylle. Kahit pa kaibigan nya si Jhong ay di pa rin nya maiwasan na mailang pag nagmamagandang loob ito sa kanya.

"Juggy, yung manok natin isapaw mo nga dito kay Jhong!" Billy shouted at Jugs na papasok na ng hotel. Tumawa lang naman ito dahil wala na syang magagawa.

"Bro, buhatin mo yung maleta ni Karylle." Kahit kasi silang mga kaibigan ng Vicerylle ay napapansin ang distansya ng dalawa. Hindi naman kasi sila ganun dati.

"Ipapatawag ko na lang yung porter." Cold na sabi ng beki at tinalikuran na sina Billy.

"Masama siguro pakiramdam ng ka loveteam mo, K." Billy said. Parang bad idea na sumama pa sya dito sa trip na ito. Naisip ni Karylle na sana pala ay nag absent na lang sya kesa naman napapahiya sya dahil pakikitungo sa kanya ni Vice.

Nakapagdesisyon si Karylle na mag solo na lang ng room. Naisip nya kasing mahihirapan sya kung may isa pa syang ka share ng kwarto at hindi rin sya sigurado kung may makikipag share nga sa kanya dahil halos lahat ng host nya ay may mga nakatoka nang kashare sa room.

'ST fam, after 30 minutes of resting, go down at the restau so that we can have dinner altogether. Tnx'

Pinalipas ni Karylle ang 30 minutes na binigay sa kanilang oras sa pag aayos ng gamit nya. Naisipan rin nyang mag bath tub na lang muna para marelease nya ang tense at stress sa kanyang katawan.

"No, don't call Iza. Papagalitan ka nun." She thought to herself. Alam naman nyang ganun nga ang mangyayari. Pero gusto kasi nya ng karamay. Gusto nyang mailabas ang saloobin nya.

Karylle wore a grey shirt, shorts and sandals for their dinner. Pinili nya rin ito dahil gusto nyang komportable ang kanyang susuotin. (AN: Yung sinuot nya sa Showtime na pinansin ni Vice. From Bench ata yun.) Nang makalabas ng kwarto ay saktong palabas na rin sina Anne at Coleen sa kanilang room.

"K! Who's your roomie?" Anne asked habang naghihintay sila na bumukas ang elevator.

"No one. Kayo ba? I thought you're with Billy and you're with Vhong." Nag tinginan ang dalawa nyang kausap at nag giggle.

"Yah, actually later.. If time permits." Pilyang sagot ni Anne. Hindi naman alam ni Karylle kung totoo ang sinasabi ng kaibigan kaya tinawanan na lang nya ito. Sakto namang bumukas ang elevator at bumungad sa kanila ang Showtime boys.

"Wow sa 14th floor pala kayo." Kindat ni Billy kay Coleen kaya kinurot ito ng dalaga sa tagiliran. Napa smirk naman si Vhong at Anne sa kapilyahan ng mga kaibigan.

"Kayo ba, boys?" Karylle said. Para naman maalis ang awkward atmosphere.

"Sa 17th kami. Pero baka ma 14 rin mamaya." Once again, umandar ang pagiging maasarin ni Billy.

"Sosyal kaya si ate K nyo. Nag solo room." Sabi ni Anne habang palabas nang elevator. Nasa ground floor na kasi sila at papunta na sa restaurant na sinabi ng kanilang direktor.

"Talaga? Bakit, K? May bisita ka ba?" Jhong said. Tinignan naman ni Karylle si Vice dahil sila ang magkasabay ngayon maglakad pero hindi naman sya tinatapunan ng tingin ng beki.

"Wala, trip ko lang." Sabi ng dalaga. Bigla namang sumabay si Jhong sa paglalakad kay Karylle at Vice. Kaso biglang binilisan ni Vice ang lakad at sumabay kela Coleen kaya naiwan nanaman si Karylle kay Jhong.

Cinderelli and the Beki ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon