Chapter 3

1.7K 82 1
                                    

Vice and Karylle sang a duet in a concert-like event as an ending of their movie.



Lahat nang staff ay nadala ng emosyon sa ganda ng boses ng dalawang bida lalo pa pag ito'y pinagsama. Matapos kantahin ang huling linya ay nagsipalakpakan na ang lahat. Halos karamihan ay naluluha sa tuwa na tapos na rin ang ilang buwan nilang pinaghirapan.



"Perfect! Everyone, listen!" Pagkuha ng atensyon ng direktor sa lahat ng nasa studio. "After the first week of showing ng movie ni Vice and Karylle, I want us to celebrate. Pero ngayon, hintayin muna natin ang resulta. Okay ba yon?"



Lahat naman ay tumango bilang sagot sa idea ng kanilang direktor.



"Sige, pack up na! Pero bago kayo umalis, kumain muna tayo. Nanlibre si Karylle ng dinner." Nagsigawan naman ang lahat at nagmadaling magligpit para makakain.



"Wow may palunch si Karylle! Sossy!" Dumiretso na si Vice sa nakaayos na long table at kumuha na nang magandang pwesto.




"Tara na dito, girl!" Napabuka ng bibig si Karylle ngunit walang lumabas na salita mula rito. Kaya naman sumunod na lang sya at tumabi kay Vice. Silang dalawa pa lamang ang kumakain dahil abala pa rin ang iba sa pagliligpit.




"Pwede ba tayong mag-usap pagkatapos kumain?" Ngumiti si Vice ng maupo na si Karylle sa tabi nya. Napansin naman ni Vice na kinabahan ang kausap nya sa kanyang sinabi. "Wag kang matakot te, di ako nangangain ng curves!" Kilig, kaba, saya. Halo halo ang nararamdaman ni Karylle. Kahit naman halos lagi silang magkadikit ni Vice tuwing may eksena sila sa pelikula ay iba pa rin ang ngayon dahil wala nang camera na nakaharap sa kanila.




"Sige po, Ate Vice." Sagot ni Karylle na nakapagpareact naman agad kay Vice.




"Wag mo na akong tawaging Ate. Chosera to! Feeling ko laki ng agwat ng edad natin eh!" Natawa naman sila pareho at nagsimula ng kumain hanggang sa nadagdagan at napuno na ng mga tao ang long table. Matapos kumain ay kanya kanyang kwentuhan ang mga staff.




"Tara sa tent, girl? Chikahan tayo." Aya ni Vice kay Karylle. Sumunod naman ang dalaga. "Ganyan ka ba talaga?" Panimula ni Vice nang maupo sa kanyang vanity chair. Napatingin agad si Karylle sa kausap at nakitang nagsasalita ito habang busy sa phone.




"Po?"Naguguluhang sagot ni Karylle. Nanatili itong nakatayo kaya ginuide sya ng kausap gamit ang hand gesture na maupo sa isa pang vanity chair na katapat ng binata...este beki.

Cinderelli and the Beki ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon