Chapter 16

1.5K 92 18
                                    


"Meme, wachu doin?" Nanlaki naman ang mata nya sa gulat nang tawagin sya ni Buern. Agad nya itong hinila papalayo sa dressing room ni Karylle.

"Huy! Bat ang putla mo? Tsaka bat ba tumatakbo ka? Natatae ka na ba?" Hindi naman ito pinansin ng beki.

"Hey, are you deaf?" Muling tanong nito dahil masyado nang mabilis ang takbo ni Vice. Para na talagang nag transform into a horse.

"Manahimik ka kundi tsitsinelasin kita." Binitawan naman agad ni Vice ang kaibigan nang makarating na sila sa loob ng dressing room.

"Penge tubig." Nakahawak pa ito sa puso nya.

"Pagkatapos mong mag fun run, manghihingi ka ng tubig?" Tinignan ng masama ni Vice si Buern kaya wala itong nagawa kundi padabog na sumunod na lang sa utos ng beki.

"Anyare ba kasi?" Nang maalala nya ang mga narinig kanina ay hindi nya maintindihan ang kanyang sarili.

"Ang tanga tanga mo, bat kasi nakinig ka pa?" Bulong ni Vice sa kanyang sarili.

"Sakit mo naman magsalita, tanga agad?" Akala kasi ni Buern sya ang kinakausap ng bakla.

"Ayan tuloy, harapin mo ang katotohanan." Muli nyang bulong sa sarili.

"Alin bang katotohanan?"

"Isang sagot mo pa, sasabunutan na kita."

"Hala! Eh diba kinakausap mo ako?" Napakamot pa ng ulo si Buern.

"Kinakausap ko yung reflection ko! Nakatabi ka kasi sa salamin kaya nagfifeeling ka dyan!" Tinignan naman ni Buern ang likod nya at narealize na nasa likod nga nya ang vanity mirror.

"Ah eh, sorry namern." Kamot ni Buern sa ulo at tuluyang umalis sa tabi ng salamin.

"Shit, bat di ko man lang napansin yun?" Vice said again to himself. Pero this time, wala nang sumagot pa.

Inutusan naman nya ang mga kaibigan na mag ligpit na ng kanilang mga gamit dahil gusto na rin nyang umuwi nang makapag isip isip. Sumunod naman ang mga ito kaya mabilis silang nakalabas ng dressing room.

"Si Vice oh." Christian said to Karylle. Nag decide kasi silang umuwi na nang sabay. Sakto namang pagbukas nila ng dressing room ay naglalakad na rin si Vice palabas.

"Hi Vice, uuwi ka na rin?" Tumango lang si Vice at tuluyan nang linagpasan sina Karylle.

"Hi meme K!" Bati ni Buern at Archie pero dahil mabilis humakbang ang kanilang boss ay napilitan rin silang magmadali kaya hindi na sila nakipagchikahan pa kay Karylle.

"Baka wala sa mood." Sabi ng dalaga sa kasama nito sabay kibit balikat. Kahit hindi sya pinansin ng beki ay masaya na sya dahil nasabi na rin nya kay Christian ang totoong feelings nya.

...

"Mommy K, penge ticket." Nakalahad pa ang kamay ni Neggy na para bang nanlilimos. Napabisita kasi ito sa showtime. Sakto namang commercial break ng nasabing noontime show.

"Tickets for what?" Nakangiti pa si Karylle.

"Diba may mini concert ka, mommy?" Dun lang narealize ng dalaga kung ano ang ibig sabihin ng kausap nya.

"Sige! Ilan ba gusto mo?" Being nice that she is, nag offer na sya ng tickets for free para sa mga kaibigan ni Vice. Syempre, support.

"Sa akin tsaka sa boylet ko, mommy K." Hindi naman mapigilan ni Karylle na matawa dahil kahit na ang laki ng katawan at boses ni Neggy ay mayroon pa itong boyfriend. Talo pa sya, wika nya sa kanyang sarili.

Cinderelli and the Beki ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon