Chapter 22

1.4K 85 8
                                    


Pagkatapos maligo ni Karylle ay sabay na sila ni Vice na bumaba sa restaurant ng hotel. Nagpaassist na sila kay Buern dahil madaming fans ng ViceRylle ang sumadya upang makita silang dalawa.

"Ate K, sama ka na. Bonding naman natin 'tong Showtime family eh." Ilan beses nang kinukulit ni Anne at Coleen ang dalaga upang sumama sa kanilang bar hopping.

"Eh hindi naman kaya ako invited." Ayan nanaman sya sa dahilan nya. Sa totoo lang kasi ay tinatamad na syang umalis dahil maaga silang gumising kanina. Gustuhin man nya dahil nandun si Vice ay parang may pumipigil sa kanyang pumayag.

"Wag kayong mag isip ng kung ano dyan, hindi ako tinatamad." Inunahan na nya ang mga kaibigan dahil balak na nang mga itong gamitub na pangontra sa kanya ang dahilan na ito.

"Is it because wala kang susuotin?" Anne asked.

"No, ang dami kong dala dyan. I think I'd rather stay in my room and rest." Tinignan ng dalaga si Vice na nakikinig lang sa usapan nilang tatlong babae.

"Pag hindi ka sumama, dun na lang kami magiinuman sa room mo, Karylle." Pag sabat ni Vhong. Nagkatinginan naman ang mga nagngingisiang Showtime family dahil alam na lang hindi na makakatanggi si Karylle dito.

"Fine, fine. Fine!" Paulit ulit na binibigkas ng dalaga habang kinakain ang kanyang salad.

...

"Karylle, anong gusto mong inumin?" Pagdikit ni Jhong kay Karylle.

"Easyhan mo, brad. Hindi pa nga tayo nakakakuha ng mauupuan." Hinawakan ni Vhong sa balikat si Jhong.

"Churi, churi. Excited much aketch." Jhong added. Napairap na lang si Vice sa naririnig na paguusap ng dalawa.

Nag simula ng umorder ng iinumin ang mga magkakaibigan at nagsimula na rin ang kanilang mga kwentuhan. Mukhang naeenjoy na rin naman na ni Karylle ang kanilang bonding.

"Karylle, I'll look for a lucky guy for you tonight!" Napalagok si Karylle sa sinabi ng kaibigan.

"No, Anne. It's okay." Gustuhin man ni Vice magreact ay hindi nya magawa dahil alam nyang makakasakit lang sya ng damdamin pag binuksan nya ang kanyang bibig.

"Cmon, don't be such a killjoy. After this night, hindi mo naman na sya makikita ulit."

"Hahanapan mo si Karylle ng one night stand?" Hindi na napigilan ni Vice ang kanyang sarili.

"Isa ka pang KJ dyan. We normally do this naman ha? At grabe ka naman sa one night stand, girl. Hindi naman ganun. We just chat and bond lang naman, diba? Wag kang ano dyan, teh."

"Ito, itong gusto ko para sayo." Hindi pa man nakakapagreact si Vice sa sinabi ni Karylle ay inalisan na agad ito ng atensyon ng dalaga. Pagtuturo ni Anne sa lalaking nakatalikod na malapit sa table nila.

"Oh my, Christian?" Tinitignan nya kasi ito ng bigla itong humarap sa kanilang gawi.

"Kilala mo sya?" Anne asked pero hindi na sya napansin ni Karylle ng kawayan na ni Christian ang dalaga.

"K!" Papalapit na ito sa kanila holding a beer on his hand.

"Anong ginagawa nyan dito?" Nakahanap naman ng tyempo si Vice to ask Karylle. Simula kasi ng pagbaba nila sa room ni Karylle ay hindi na ito nakapagusap pa.

"Hindi ko alam." Simpleng sagot ni Karylle dahil umupo na si Christian sa kanyang tabi. Kahit pa naiilang ay inentertain na ng dalaga ang kanyang dating manliligaw. Nalaman nitong may binisita si Christian na kamag anak at naisipan na rin nyang dalawin si Karylle sa hotel ngunit tadhana na ang hinayaan silang magkita.

Cinderelli and the Beki ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon