Chapter 20

2.2K 165 20
                                    


"Huy Kurba, ano na? Dedeadmahin mo lang ba ako?" Karylle laughed and smiled. Pero kahit nakabukas na ang kanyang bibig ay walang lumalabas na salita mula rito.

"V-Vice. I...I don't know what to say." Vice smiled once again. At dahil dun ay napaiyak si Karylle. Nataranta naman si Vice nang makitang may tumulong luha sa mata ng dalaga habang nakatitig sa kanya kaya hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay nito.

"Huy, bat ka umiiiyak dyan? Ayaw mo na ba sa akin? Kung kelan naman ako nag confess. Bago lang kaya sa akin ito!"

"Ang swerte ko." Lumuluha pa rin si Karylle kaya lalong natawa si Vice.

"Hindi ka swerte, effective lang yung pang seseduce mo."

"Vice!" Tinapik ng dalaga ang braso ng beki. Nawala na nga sa isip nya na may lagnat pala ito.

"Totoo naman, diba? Umamin ka na. Aminan portion naman to eh."

"At some point, yes." Sabay na tumawa ang dalaga at ang beki.

"Karylle, you have to understand where I'm coming from. Bakla pa rin ako and I think that's something na hindi na maaalis sa akin. But I assure you na ikaw lang ang taong gumugulo sa isip at puso ko."

"Vice, I don't care if you're straight or not. I like you just the way you are. Remember what I told you when we brought this topic up? Gosh, nangyari nga talaga." Pulang pula na ang cheeks ni Karylle sa sobrang saya. Lahat ng araw na tiniis nyang deadmahin sya ni Vice ay ito pala ang kapalit. Sobrang worth it naman talaga.

"At naalala mo rin yung sinabi ko? Ako ang manliligaw sayo." Sa sobrang kilig ay pinili na lang rin ni Karylle yakapin si Vice. Para maitago rin nya ang kilig na nararamdaman nya.

"Hala, nakalimutan kong may sakit ka nga pala. Go on and take a rest na, Pogi." Bibitaw na sana si Karylle sa pagkakayakap pero mas lalong hinigpitan ni Vice ang kapit nya sa dalaga.

"Mamaya na. Let's enjoy our first moment together." Bilang fangirl, sobra sobra na ang natanggap ni Karylle. (Kainggit namern!!!)

"Vice, can I ask you something?" Sakto namang bumitaw ang beki now turning binata sa dalaga para magkaharap sila.

"Nagtatanong ka na teh."

"Vicey naman eh." Karylle pouted kaya napasmile si Vice.

"Bakit naging cold ka pa sa akin at sinungitan mo ako? Do you know how much I've suffered? Bakit di ka na lang umamin agad?"

"Eh kasi po sinigurado ko muna sa sarili ko kung tama ba talaga yung nararamdaman ko. Sobrang naconfused kaya ako nung marinig ko kayo ni Christian nun. Kaya kinailangan ko munang i-sure sa sarili ko kung totoo ba yung nararamdam ko or epekto lang nung narinig ko. Ngayon, sorry naman po sa inyo kung nahirapan kayo sa adjustment ko." Vice pinched Karylle's cheeks. Nailang si Karylle kaya inalis nya ang kamay ni Vice sa mukha nito pero mas magaling ata umiscore si Vice dahil imbes na ipatangay kay Karylle ang kamay nya ay hinawakan nya pa ang kamay nito.

"At sigurado ka naman na ba?"

"99%. Wala rin naman siguro tayo ngayon dito kung hindi ako sigurado, diba?"

"I like you so much, Pogi. Kung dream lang to, sampalin mo ako please."

"Sampalin kita...ng kiss. Pwede?" Kinabahan rin si Vice sa sinabi nya. Mukhang mapapasabak sya. Hindi pa kasi nya ito nagagawa sa kahit sinong babae.

"Vicey, as much as I want to, you know I can't kasi may lagnat ka po kaya. Ayoko namang mahawa no." Karylle said while laughing. Vice, on the other hand, pouted.

Cinderelli and the Beki ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon