Chapter 9.
Kaye's note: Hii sorry po kung natagalan NA NAMAN, hehe kse tinapos ko muna ng basa yung Confession of a Naughty slave napakaganda po talaga ng storya :') nakakaiyak! Okay salamat nga pala sa reads, i love you guys.
--
Lumilipad ang utak ko habang palabas ng locker room, dumiretcho ako sa dance studio at pagka pasok ko nandun na si Kris na nakasandal sa wall habang hawak ang phone nya. Haay sino ba nmang hindi magkakagusto sa taon'g to? Ang gwapo, hot, talented, matalino, suplado nga lang tss.
Nakasuot sya ng black v-neck na tinernohan nya ng skinny jeans at nike na sapatos, magulo ang buhok nya pero ang hot ng dating para sakin. Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa lahat ata ng babae pinapangarap sya pero parang may inaantay sya kse marami ng nireto sila Greg sa kanya pero ayaw parin nya,
"Matutunaw" Kumirap ako ng tapikin nung pumasok ang balikat ko, tiningnan ko sya. Kamukha nya si Kris, gwapo at mukhang mabait.
"Ah, cy andito kana pala! Di mo man lang ako tinawag di kita napansin kse--" Paliwanag nya,
"Busy ka sa phone mo." I cut him off.
"O-o-oo, ng-nga pala cy. Si kuya denmark sya yung magtuturo sa sasayawin natin, kuya si Patricia c-c-classmate ko" Sabi nya na na uutal.
"Hi po kuya denmark, im Patricia Cyrence just call me whatever you want" Nilahad ko ang kamay ko at ngumiti.
"Okay whatever you want, just call me Kuya den nalang. Okay?" Tumawa ako at nagshakehands kmi.
"Classmate lang ba talaga?" Dagdag pa ni Kuya den habang nakatingin kay Kris at dinidiin yung salitang 'classmate', napatingin naman ako agad kay Kris.
"A-ah, oo naman si kuya talaga! Magsimula na nga tayo."
Nag kanya-kanya naman kmi ng warm up ni Kris bago magsimula sabi kse ni Kuya den dapat daw mahila yung mga kaugat-ugatan nmin sa katawan, baka daw mabigla.
Pagkatapos ng 5 mins na warm up, pumunta si Kuya den sa harapan at pumalakpak para tumawag ng atensyon.
"Okay, so ganito. Yung music na pinili ko ay romance." Tumingin ako kay Kuya den, romance talaga? Ang laswa naman ata nun? Tinignan ako ni Kuya den at parang na gets nya yata yung expression ko,
"Okay, cy its not what you think. Oo meron sgurong laswa scene pero hindi lahat, its all about emotion and the feeling."
"Ano po bang kanta?" Hindi ko na naiwasang itanong ang seryoso na kse masyado nakaka-uhaw, oh dba? walang connect?
"Minamahal by, sarah g."
Naliwanagan naman yung mukha ko nang mabanggit ang kantang yun, parang gusto ko na agad magsimula omg!
"Okay, so lets start then" Sabi ni Kris.
Suplado talaga neto, hmp! Tumango si Kuya den at nagsimula ng magturo ng steps.
"Kris, akapin mo si patty."
Napakamot ng ulo si Kris, kahit ako. Wala naman sa usapan to na may akapan, kanina pa kmi sumasayaw pero walang ganito.
"Paano tayo matatapos neto kung ganyan kayo? Isipin nyo nalang na wala lang to. Eh wala lang naman talaga kse mag classmate lang naman kayo dba? Sa sayaw na to, walang malisyahan. Tsansing-tsansing lang pero walang personalan"
Napabuntong hininga kming dalawa, tss sge na nga. Tae naman kse tong sayaw na to! Kung di lang talaga para sa grades to mag wa-walkout talaga ako.
Tumango kming dalawa, ngumiti naman si Kuya den ng hanggang tenga. Shit para akon'g pinagkaisahan dito ah!