Chapter 11.
*arf* *arf* *lick* *lick*
"Hmm, sia!"
Hindi na alarm clock ang gumigising sakin kundi yung dila ni Sia, bumangon ako at naligo na.
Friday ngayon at nagsuot lang ako ng Loose na shirt, leggings, tsaka converse na high cut. Di ako masyado nag ayos. Ganito naman ako lge, minsan nga di nako nag susuklay. Wala naman kse dapat pagandahan. School kse yun hindi bar.
"Oh nak? Ba't mo dala skate mo?" Tanong ni mama nang makababa ako galing kwarto.
"Kunting exercise lang ma!" Sagot ko.
"Saan mo ilalagay yan aber?"
"Sa guard house. May tiwala naman ako sa kanila, di nla to ibebenta. Kse kung ganon lagot sla kay papa" Ngumiti ako ng matamis at humalik sa pisngi nya bago umalis.
"Haha 'kaw talaga! Palaban ka talaga pagdating sa gamit mo. Sge na ingat ka!" Sigaw nya ng palabas nako ng door.
Nagdasal muna ako bago umandar. Instead na sa school ang destination ko, sa hospital ako babagsak. Joke wag naman sana. Nagsimula na akong magpadyak. Di masyado lumilipad ang buhok ko kse naka bonet ako. Oh gangster lang ang peg!
Pagkarating ko ng gate umingin ako sa orasan.
"Ah yes, 7:30! Manong guard pwede po bang dito muna to?"
"Oo sge, lagay mo lang jan"
"Wag nyo po'ng ibebenta to ha? Importante to sakin" Hirit ko pa.
"Oo nga kulit neto, sge na mala-late ka na"
Tumango ako. Lakad takbo ang ginawa ko, di pa nman ako late kaya lang may iniiwasan ako. Ganitong oras kse dadating si Kris, di nya ko stalker ha? alam ko lang talaga kase classmate kmi.
Ows? so? Binabantayan mo nga?
Hindi, nahahalata lang.
Parehas na din yun.
Heh! Ewan ko sayo!
"Uy sino kausap mo?"
Langhiya.
"Oy grey, goodmorning. Wala akong kausap may ginagaya lang." Sabi ko.
"Ah, goodmorning. Ganda ah?"
"Insulto o compliment?" Sabi ko sabay roll eyes.
"Compliment"
Eek!
"Dude!" Nag apir sila ni Kris na kakarating lang, okay.. awkward. Mabilis akong naglakad papuntang stairs ng makahakbang ako ng isa biglang nagsalita si Kris.
"Goodmorning cy." Humarap ako..
"Goodmorning" sagot ko, at umakyat na.
"Damn!" Narinig kong bulong nya.
Pagkarating ko ng room nandun na si Nej na naka kunot noo'ng nakatitig sa phone nya tch! For sure, "LOVE" problems na naman -__- nakakasawa.
Biglang dumating si Ram at naglagay ng bag katabi ni Nej.
"Goodmorning cy! Kumusta si Sia? Malaki na ba?" Sunod sunod na tanong nya.
"Malamang malaki na, malaki na para ilagay dito" At tinuro ni Nej kung saan naka locate ang puso.
"Tumahimik ka nej ha? Umagang-umaga pinaparinig mo ko ng mga Hugot mong expired!"
"Gaya nalang ng feelings ko sa kanya.." Huminto saglit si Nej.