Chapter 19.
“Kuya?” Tumingin sya sakin.
“Kuya petta?!” He smiled and pat my head.
“Kumusta ang kapatid ko?” Sabay wink.
Heto inosente parin. Hays!
“Masaya” Napabuntong-hininga ako. He's patting my head again.
“Parang di naman?”
“Di talaga eh lagi mon'g ginugulo ang buhok ko–ano ba kuya! Hindi ako aso,” Taas boses kong sabi.
“You already grown up baby girl, hindi ko na namamalayan. Baka sa susunod, may boyfriend kana tapos mag se-sex–aww! Hindi lang ako umuuwi, binabatokan mo na ko? Aba, patoy kuya mo parin ako.” Sabay himas sa batok nya.
“Kuya nga kita and you should teach me how to be good, not to be indecent. Bastos neto! Tsaka pwede ba kuya, wag mo kong tawaging patoy? Ang bantot.” Hinampas ko sya sa braso ng malakas.
He chuckled, “Ikaw talaga! Halika na nga, ang ganda ng party mo tapos andito ka nag e-emote? Di na uso yan oy! Tsaka, ano bang meron sa patoy? Ang cute kaya” Pinitik nya ang noo ko, masakit yun ah.
“Cute? Yan ba ang bagong definition ng cute? Ang B-A-D-U-Y naman ng nag define.” I roll my eyes.
“Tara na nga! Iniintay ka na ni C, boyprend mo ba yun?” Hinila nya ko at inakbayan.
“Hoy di noh, kaibigan ko lang yun” Sabi ko.
“Dyan naman lahat nagsisimula,” Sabi nya habang tumingala sa langit. Tiningnan ko sya.
“Maliban sayo” Agad naman syang napatingin sakin. “Sa kama kase ang sayo” I punched his stomach, napaukyo sya sa sakit. Tumakbo ako kahit naka heels, alam ko kasi kung ano ang igaganti nya sakin.
*Blag*
“Ay hala sorry!” Sabi ko, sino naman to?
“Bakit ka ba nagmamadali?” Ohh he's angelic voice, alam ko na kung sino to.
“Ah si kuya petta kase, hinahabol ako!”
“Oh i see. Pwede ba kitang isayaw?” Tanong nya, syempre naman beh.
“Uh. Dito?” I asked.
“Gusto mo?” He chuckled. “Syempre do'n sa dancefloor. Ikaw naman, tara?” At nilahad nya ang kanyang kamay. Napaka gentlemen naman ng lokong to.
“Take care of my sister, lagot ka sakin pag pinaiyak mo to” Singit ni Kuya petta galing sa likuran ko.
“Promise, i will.” Napatingin ako kay Kris, Ha? Ano daw? He will take care of me? Napansin nya yata kaya nagsalita agad sya. “Lets go?” Tumango nalang ako.
Pagkarating namin ng garden kung saan nagaganap ang sayawan lumapit agad si C.
“Hi tofer, pwede ko ba isayaw ang prinsesa ko?” Oh no.
“Sorry but im the first who asked cyrence to dance.” I smell something fishy.
“Mamaya nalang pwede? May importante akong sasabihin e.”
“Ako rin.”
Tila umiinit yung usapan nila kaya kailangan ko nang sumingit baka san pa to mapunta.
“Uh–kay.. S-sorry C pero nauna talaga si Tofer, mamaya nalang promise!” Sabi ko.
Huminga ng malalim si C at umalis na. Hinila nya ko sa gitna at nilagay ang kamay ko sa batok nya at yung kamay nya naman nasa baywang ko. Di ako makatingin ng diritso kase kung titingin ako magkaka eye-to-eye contact kami, eh ayoko nakakailang.
“Ay oo nga pala, may sasabihin ka dba?” Pagsimula ko.
“Palusot ko lang yun para tumigil sya” Boom, expect pa more.
“Ah..h-hahahaha”
Ayan kse nag expect ka masyado, yan tuloy nasasaktan ka. Kse palusot nya lang yun. Yung totoo wala talaga. Kaya matutulog ka na cy, nakakahiya ka.
Habang tumatagal na bo-bored ako, hindi kse sya nagsasalita. Eh ayaw ko pa naman na ako ang unang magsasalita kse wala rin nman akong sasabihin, ha? Anyways, salamat at natapos narin ang kanta hindi naman sa nangangawit ang paa ko nabo-bored lang talaga ako. Hayss.
“Thankyou” Sabi ko nalang and i smile. Uupo na sana ako kso hinila nya yung kamay ko.
“Sorry kung na bored ka, i just dont feel like talking. I just want to s-s-stare at you and feel the moment with you, anayways y-you look p-pretty tonight.” Nahalata kong namula sya kaya ybumuko sya at paalis na.
“Hey” lumapit ako sa kanya at hinarap sya. “You know what?" Napalunok sya. “Ang corny mo, okay lang yun.” I sweetly smile.
He smiled back. Nag wave nalang ako at umupo dun sa table namin, sya naman patungo sa table nila ng barkada nya. Pagkaupo na pagkaupo ko sa table agad na nilapitan ako ni lory at gler.
“Ano beh? May dapat na ba kaming malaman?” Nagulat ako kaya napatingin ako sa kanila.
“Oo eh” Sabi ko,
“Shet, ano?” Sabay nilang tanong.
“Maganda daw ako ngayon”
*pak*
“Aray!”
“Yun lang?” Sabay na naman nilang tanong.
“Eh ano pa ba gusto nyong malaman?”
“Sinabi na ba nya–” *pok* “na.. kukunin kang brides maid sa kasal ng tita nya?”
“Ha?” Naguguluhan ako,
“Wala, high lang to. Nakita kasi si Dedon kaya kung ano-ano nasasabi” Tumango nalang ako.😑
Nagmasid ako sa paligid, tinitingnan ko kung sino yung nandito di ko kse masyado nakita kanina kse nakakasilaw yung lights.
“Looking for me?” Pinanliitan ko sya ng mata. Bago pa ko nakasagot hinila na nya ako sa gitna. Madami nang sumasayaw ngayon kumpara kanina kaya hindi na masyadong nakakahiya.
“Hoy”
“Hoy rin.”
“Nag sorry na nga ako dba?” Sinilip nya mukha ko, hindi kse ako tumitingin sa kanya.
“Dinamay mo pa si mama”
“Oh sge,”
Tumigil kami ng sayaw. Teka, san ba sya pupunta? Iniwan ba namn ako dito? Hinabol ko sya at hinila sa kung saan ako umupo kanina, wala masyadong tao dito kaya maganda.
“Bakit?” Tanong nya. Ugh, naiinis na talaga ako. Tinulak ko sya ng malakas, akala ko pa naman mag so-sorry sya pag dinala ko sya dito pero hindi. Iniinis nya ko.
Tumakbo ako papasok ng bahay at umakyat sa kwarto ko. Leche, sa buong buhay ko ngayon lang ako nagalit ng ganito kay C. Oo inaamin kong kasalanan ko kse nagpakipot pa ako kanina pero alam nya naman gusto ko lang na pinipwersa nya ko, mahirap ba talaga intindihin yun?
*Tok tok tok* sino na naman ba yan? “Hindi ka ba marunong magbasa?” I put a tag on my door, 'Dont disturb' tapos may kumatok tch. Thirty seconds na ang lumilipas pero katok pa rin sya ng katok. Tumayo ako sa pagkakaupo sa floor at lumapit pinto, linagay ko ang tenga ko dito.
“Baliw ka kse kaya ayaan tngina ka, baka umiyak na yun!” Rinig kong sabi ng babae parang si lory pero di ako sure kung sya nga, pabulong ito pero sguro malapit sila sa pinto kaya naririnig ko.
“Aray ano ba, lor naman–” I open my door. “Cy sorry, please?” Sabi nya. I didn't respond, poker face lang.
“Sorry kse ang gago ko, alam ko naman na gusto mo lang na pwersahin kita na patawarin mo ko pero trip ko lang naman yun–”
“Pinapatawad na kita.” Naliwanagan naman agad yung mukha nya pero hindi talaga ako nagpatinag, pwet nya! “Trip ko lang din.” I said in a cold tone and slam the door. Pero nanatili ako sa tinayuan ko,
“Gago ka? Oo gago ka nga, tingnan mo ginawa mo. Ang tanga mo C, ang tanga tanga.” Patuloy parin si lory sa sona nya hanggang makalayo sila. Bumaba na sguro. Huminga ako ng malalim, did i really do that to C? Tch kasalanan nya naman eh.