Chapter 12.
SLOW UPDATE AS ALWAYS.
Anyways, thankyou sa mga bumabasa kahit Lame ang storya na to. Salamat ng marami talaga.
❤
"TAYO ang hinihintay?" Huminto sya saglit, "O, baka IKAW lang?" Diin na pagkasabi nya, hinampas ko ng bahagya si Ram, ang ano kse.. ang.. ugh!
"Ulol, tara na nga dami pang satsat e, nagtatampo ka lang kse talo kayo." Humagalpak naman ng tawa si Nej kaya pinagtitinginan sya ng mga tao ngayon, eto ang mali sa kanya eh. Maganda na sana, halimaw nga lang tumawa -_-
Nagmadali kaming tumawid patungong mall, at dumiretcho ng Jollibee. Nakita kong napakamot sa ulo si Greg at alalang-alala ang mukha nilang lahat.
"Oh? Anong meron?" Alalang tanong ni Jace ng makapasok kmi sa mall.
Pumunta ako kung saan maraming taong pumalibot at narinig kong sumigaw yung lalake.
"Jason, tama na. Gumugulo na ang mall, saan na nman tayo umabot neto." Sambit ng kasama nung Jason,
Sya yung umaya ng date sakin, ay putrages tong lalakeng to basagulero. Buti nalang talaga hindi ako pumayag hmp!
"E, sino ba nagsimula?" Galit na sigaw nya.
"Tara na, baka kampihan ko pa yan"
"Tss!" Umalis na ang mga tao kasama ang pag-alis nila at tanging yung lalake lang ang naiwan sa gitna, pinahiran nya ang labi nya gamit ang kamay nya.
Di ko masyadong nakilala kse nakayuko pero parang pamilyar. Yung buhok nyang blonde at ang uniform. Wait, is that-
"Kris?" Sabay kaming sumigaw netong babaeng kakarating lang. Lumingon ako ng may pagtataka,
"Sino ka?" Tanong nya "Di bale! Kristof!" Tili nya pa habang palapit kay Kris na nakaupo sa sahig.
Teka, sya yung palaging kasama ni Kris. Ah, eto sguro yung girlfriend nya.
"Ano ba nangyari sa'yo ha? Ba't ka nakipag-away? Diba sabi ko sayo wag kang gagawa ng gulo? Ikaw talaga! Kahit kailan, di ka na nagbago! Ganon ka pa rin. Pinag-usapan na natin to dba?" Malambing nyang tanong,
"Krishna? Why are you here?" Seryosong sambit ni Kris,
Ahh, krishna pala pangalan nya. Ngayon ko lang sya nakita ng malapitan. Wala nga talaga akong binatbat sa kanya.
"Mom told me to buy something before i get home. Teka, ikaw? Ba't ka andito?"
Tumalikod ako, "Ang ganda shet, ang puti, ang tangkad. Samantalang ako, maitim, di maganda, lalong-lalo na't di matangkad. Tae naman oh-"
"To whom are you talking?"
"W-wala!" Tangnang to. "Tabi ka nga!" Tumingala ako para tingnan sya "Greg, isa!"
Hindi parin sya tumatabi, "Dalawa!" Hindi parin sya nagpatinag at nanatiling nakatayo sa harapan ko, e sa kalaking tao na'to.
"You're cute!" Sabay kurot sa ilong ko.
Sinuntok ko ang tyan nya, maypagkalakas yun pero imbes na umaray tumawa sya ng mahina. Shet ang tigas ng abs nya.
"Your welcome!" Sabay gulo sa buhok ko.
"Hindi yun thankyou, dahil yun sa pagkajoker mo! Heh!" Nag walk-out ako, hindi pa ko nakakalayo ng sitsitin nya ko.
"Pst" Huminto ako saglit, "And also beautiful" Ngumiti ako ng tipid at nagpatuloy na sa paglalakad.
*
Umupo ako malapit sa bintana at tumingala para tingnan ang langit, ang ganda. Parang gusto kong hawakan at yakapin ang mga ulap na kasing puti ng tela.
Sinilip ko ang phone ko para tingnan kung anong oras na, kailangan kong makarating on time sa practice mamayang 2 sa mapeh time sabi kse ni Maam, magpa practice nalang daw muna kmi para bukas. And yes, finals na bukas sa Interpretative Dance activity na binigay ni Maam shet ngayon pa lang kinakabahan nako.
*dug dug* *dug dug* *tiiiiit* charot.
"Ay ano ba yan, ang bilis mo naman!" Sabay hawak sa dibdib ko'ng parang kumakawala ang puso sa kaba.
Bwesit talaga to kahit kailan.
Bumalik ako sa pagtingala sa taas, tss kung pwede lang sana tumira jan ginawa ko na. E ang ganda talaga di ko talaga mapigilan. Napaka ganda talaga at talaga. Oo at ang ganda talaga.
Adik ka cy, ipapa-rehab na kita.
Di ko kse maexplain kung bakit ganito ako kasaya pag nakakakita ng ganon, lalo na pag padilim na. Nagkukulay asul at orange ang langit haay and the clouds? Its pink, naiirita ako pag nakakakita ng pink so its really not my type of color and i hate to admit this but it have a perfect blend in the sky.
Pag may magtatanong sakin na gusto ko bang sumama sa langit, sasagutin ko talaga ng oo. Charot syempre hindi no, mahal KO buhay ko. Tanging AKO nalang ang nagmamahal sa sarili ko. I love me!
"Guys, una nako may practice pa kmi" Sigaw ni Lindsay, ngumisi ako ng pilyo. "Practice lang, no landi. Promise" Sabay cross sa leeg at taas ng kanyang kanang kamay.
"Mabuti naman at nagkakaliwanagan tayo" Tumango tango ako.
Chineck ko agad ang phone ko at 2:06 na, nagsimula na akong magligpit para umalis. Nagpansak ako ng earphones sa tenga ng matapos ako, nagsi alisan na ang mga kaklase namin kaya kami nalang ang natira. Gusto kase nmin ng 5 minutes late para woot-ganon! COA lang ang peg.
Note: COA means, Center of Attraction.
"You are 5 minutes late, Ms. Salvador" Kakapasok ko palang ng Dance studio nag so-sona na naman yang Perez na yan.
"Aga mo mag sona beh!" Umupo ako sa bleachers, wala pa naman si Kuya Den OA neto. He just rolled his eyes, ang cute nga kumag na to. Pikonin ko kaya palagi?
Nasanay na akong sagutin si Kris, subalit nung una ay di ko magawang magsalita sa t'wing nandyan sya. Sguro nagiging close na kmi, pero not literally close na pinakita ko na ang Crazy side ko. Close lang kmi DITO oh yes, dito.
"Cute mo!" Sabi ko habang nakatitig sa salamin, namula naman agad sya at naiilang tingnan ako sa pamamagitan ng salamin. Sus pakipot pa to eh!
"Mas cute ka" Sabi nya at yumuko.
"Ano?" Syempre narinig ko no, ano ako bingi? Gusto ko lang ulitin nya.
"N-nothing"
"Namumula ka na uy!" Hinagisan ko sya ng panyo, bakla ba to? Ba't pinag papawisan? "Locker room lang ako, text me if kuya den arrives." At lumabas na.
"Ohmygg!!!!" Tili nya mula sa loob.
Tumili, Malambot ang boses, Malambot gumalaw? wtf, ano ba to naguguluhan ako. Hindi naman sguro, pero bakit kse ang lambot nya na magsalita this time? Ay di sguro, kailangan kong makumpirma to kung hindi.. uh, kung hindi? Wala lang! Ano ba kayo. Bago pa ko maunahan.
Mission number one,
make Kristofer Perez fall.