PROLOGUE
“Please.. Wag mo ‘kong iwan.. Please.. I need y-you..”
Siguro may pagkakataon na kahit gaano natin kagustong mag-stay ang isang tao sa buhay natin, talagang hindi pwede. ‘Yung tipong tadhana na mismo ang naglalayo sa inyo.
Tang*nang tadhana! Eh ba’t kailangan pa kaming magkakilala kung paghihiwalayin lang din naman pala kami?
Ayoko naman talagang manisi ng kung sinu-sino at kung anu-ano, kaya lang, masakit masaktan. Redundant man basahin at pakinggan, ganun eh. Wala naman sigurong taong nasaktan na hindi masakit? Kaya katangahan na ‘yong itatanong mo sa isang taong nasaktan kung okay lang ba sya.
Eh ba’t ang drama ko?
Actually, hindi naman ako ganto dati. Lalo na nung mga panahong hindi pa nag-eexist ang pesteng katagang nagpabaliw, nagpaiyak, nagpasaya, nagpa-selfish, at nag-patanga sa tulad ko..
Ang PAG-IBIG.
~~~~~~~~~~~~~
Another stooooory. :) Mas magpapaka-active ako dito since may long term plan na 'ko. Unlike dun sa BKB na super biglaan lang saka antagal nun natengga. MIANHAEYO.
Enjoy.