MINUS’S POV
Been boarding this house for a month pero ganun pa rin naman ang lifestyle ko. Nothing really changed. Yun lang surrounding dahil nga hindi na ko nakatira sa bahay ng parents ko. And I’m still the same – cold, snob, and even lifeless.
Kahit nakakasama ko sa bahay sila Zap, Drift at Bliss, hindi ko pa rin magawang maki-close sa kanila dahil I really don’t know how to do it.
Lame, right? Pero I really didn’t know how to be close with other people simula nung araw na ‘yun.
‘Yung araw na feeling ko, tinraydor ako ng taong gustong-gusto ko.
“Minus, pare. Tara. Bar tayo.” Aya ni Zap kaya I was snapped back to reality.
“Ayoko.” Gusto ko man sumama, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Zap.
“You think we can really go inside the bar?” tanong ni Drift kay Zap. Itong si Drift, madalang ko nang makitang nakatambay dito sa bahay. Madalas syang nandun sa kapit bahay naming nerdy looking.
“Ano ka ba, Drift. Hindi mo ba natatandaan na nag 18 ka na nung summer? Use your brain to think, not your dick!” tapos tumawa si Zap.
“May WiFi ba sa bar na pupuntahan natin? I can’t miss a match tonight.” Singit nitong computer zombie na si Bliss.
“Tangina pare. Wag ka munang mag-OL kahit ngayong gabi lang oh. Let’s have FUN.” Kumindat pa si Zap. Mukhang may problema ‘to at sobra kung makapag-aya sa amin.
“I’ll go.” I said.
They looked at me intently as if I said a very sinful word.
“Then let’s go!” Sabi ni Zap sabay kuha ng susi ng sasakyan nya.
--
Maingay sa bar. Syempre, bar ‘yon. We sat in a round table na kasya kaming apat. We ordered hard drinks. Medyo napa-iling ako ng konti.
I’m not really good at drinking.
But I thought this is going to be my source of confidence para kahit pano, mai-open ko na ‘yung sarili ko sakanila. I can’t afford to live with people I can’t even talk with. Para kasi sa akin, importanteng kasundo mo ang taong kasama mo sa bahay.
“Minus, what brought you to this kind of decision?” Drift asked.
“What decision?” ano bang sinasabi nito?
“Going out with us. Alam namin na hindi ka pala-kibong tao.” Then he drank his beer.
“Just because.” Tipid kong sagot sa mga kasama ko.
“I guess we’ll make a great barkada.” Nakangiting sabi ni Zap.
“Ano ba ang meron kasi at naisip mong mag-bar? Dalawa lang naman ‘yan Zap. It’s either may good news o kaya may problema ka sa babae.” Sabi ni Bliss na unang beses ko yatang nakitang walang hawak na tablet, laptop, o kaya mouse ng PC.
Napabuntong hininga si Zap.
“The bitch broke up with me.” He said unwillingly.
ZAP’S POV
“Ano ba ang meron kasi at naisip mong mag-bar? Dalawa lang naman ‘yan Zap. It’s either may good news o kaya may problema ka sa babae.” Tanong ni Bliss.
Kaya ko bang i-kwento sa mga gago kong boardmates yung problema ko? Eh mukhang ni isa sa kanila, walang love life. Maliban yata dito kay Drift na nade-develop na yata kay Cutie.
““The bitch broke up with me.” I faintly said.
“That’s something to celebrate.”
Nagulat ako sa sinabi ni Minus. Talaga bang nagawa namin syang makaladkad papunta dito sa bar? Nakakapanibago talaga!
“Celebrate?” I let out a little smirk.
“The bitch let you go and it’s time for you to be free and find another bitch, if you want.”
He’s really something. Mukha mang walang kwenta ‘yung statement, pero pag sa kanya galing, parang high order of knowledge. ‘Yung feeling na, “Put*ngina, naisip mo pa ‘yon dre?”
“Salamat pare! That’s a great idea.” Sabi ko sabay kuha sa baso ko.
“Then why don’t we start that idea right here?” suggest ng gagong si Bliss.
He stood up at pumunta sa dance floor at nakipag-sayaw sa mga babaeng andun. Akalain mong nagsasayaw ‘tong sira ulong ‘to.
“Akala ko, puro gaming lang ang laman ng utak nun. May ibubuga rin pala pagdating sa chikabebe.” Patawa kong sabi kila Drift at Minus na umiinom na.
“Why don’t you join ‘em?” tanong ni Minus kay Drift.
“Uhh..”
Napabulalas ako ng tawa. Panong hindi, eh namumutla si Drift! Mahiyain kasi yan sa mga babae lalo ‘pag madami. Parang ngayon. XD
“Minus, he can’t stand to be so close with lots of girls. Na-trauma na yata ‘yan dahil sa mga nam-busted sa kanya.” Pagbibiro ko.
“Not really, Zap. It’s just that, I don’t know why I feel too shy when I’m with them. Hindi naman sa takot ako sa kanila, nahihiya lang ako.” Defensive tong si Drift. XD
“Then prove Zap wrong.” Hamon ni Minus sa kanya na medyo napangiti dahil sa sitwasyon.
Hesitant na tumayo si Drift. Hindi nya malaman kung uupo ba ulit sya o maglalakad na papunta sa crowd kung saan nag-eenjoy na si Bliss sa pakikipag sayaw sa elder women.
Mga ilang minuto pa nang lumapit si Drift sa mga babaeng parang college na yata base sa kanilang itchura.
Nagulat kami ni Minus nang biglang sumayaw si Drift ng sexy dance kasama nung isang babae mula sa grupo ng mga kolehiyala.
“Ganyan lang ‘yang si Drift pero matinik din pala.”
Napailing nalang ako. Salamat sa mga ‘to, kahit paano nabawasan ‘yung sakit ng puso ko.
MINUS’S POV
I feel tipsy.
Nakailang bote na kami nila Zap pero parang wala silang balak umuwi samantalang pare-pareho na kaming groggy.
“We better go home.” Sabi ko kay Bliss na ngayon ay may katabing babae na halos ipagpalit na yung mukha sa kanya.
Lumingon sya sa akin para sumagot.
“But I enjoy playing.”
“You’re not playing any game, you’re playing with a girl.” Tumayo na ko para mapilitan na rin silang tumayo.
“Okay. Mga pare, tara na. Umuwi na tayo.” Tumayo na rin si Zap na halatang tinamaan din ng alak.
Hindi ko alam kung paano kami nakarating ng subdivision na hindi nababangga. Si Drift na ang nag-drive dahil pinaka nalasing talaga si Zap. Medyo gumegewang pa kami habang nasa daan kanina.
Ilang blocks nalang ang layo namin sa bahay nang maramdaman kong susuka na ko. Hindi ko na mapigilan kaya pinahinto ko yung sasakyan at lumabas ako.
“Mauna na kayo. I need to throw this up.”
Dun na ko inabutan. Lalo akong nahilo pagkatapos.
Nag-door bell ako sa bahay. Hindi ko malaman kung bakit kailangan nilang i-lock ‘yung gate samantalang naiwan pa ko sa labas.
Hindi ko na makita nang maayos kung sino yung nagbukas ng gate dahil sa hilo ko. Basta alam ko, pumasok na ko sa loob, umakyat sa kwarto ko at natulog.
Paggising ko, nagulat ako.
ANONG GINAGAWA NYA SA KWARTO KO???
-------
Sorry for the sloooow update. ;( Busy sa thesis. Aigoo. I'll update as much as I can. :)