CUTIE’S POV
“Cutie, ang cute cute mo! Hahahahahaha!”
Di pa mabulunan ‘tong ogag kong kaklase na walang mapag-tripan kundi ako. Palibasa walang teacher kaya ako ang nakita nito eh. =___=
“Ano.. Rey, ‘wag mo namang lokohin yung –“
Hindi pa tapos yung sinasabi ko nang biglang dumating si Zap.
“Oy! Oy! Ikaw Rey ha. Type mo si Cutie ‘no?” sabay akbay nya sa isa’t kalahating utak-tipaklong naming kaklase.
“Walang gaguhan Zap. Maloko ako pero di ako tanga.”
Yeah. Right. Nag-aargue sila ng very very light dahil sa akin. Sana pinagaawayan nila ko kasi maganda ako.
KASO, HINDI EH.
Pinag-aawayan nila kung gaano ka-awkward yung pangalan ko sa itsura ko.
I’m Miel Cutie Evangelista. 17. Nerd.
Nakasuot ako ng thick-framed glasses. I do have fuzzy hair. Olats ako pagdating sa fashion.
‘Yung dalawang ‘yon? Classmates ko sila ngayong high school dito sa St. Gene High. 3rd year na ‘ko at hindi alam nino man na gustung-gusto ko nang mag-4th year at gumraduate. Gusto ko nang matapos lahat ng pambabara nila sa akin. >3<
Siguro iniisip n’yo kung bakit Cutie ang pangalan ko?
SECRET.
Pero sabi naman ng best friend ko, okay lang daw ‘yun kasi kahit man lang daw sa pangalan, nakabawi ako. Di ko lang alam kung sarcastic ‘yung explanation nya o sadyang evil sya in a nice way.
“Ano.. ‘Wag na kayong mag-away.” gumitna ako kay Zap at Rey na konting kembot na lang, magpapang-abot na.
Nang biglang..
“WOAH!”
Nag-step back si Zap. Napahawak pala ako sa chest nya nung pinilit ko silang paghiwalayin ni Rey.
“Ay, sorry Zap. Di ko –“ he cut me off, again. -____-
“Grabe ka Cutie. Tumaas yata lahat ng balahibo ko nung hinawakan mo ‘yung dibdib ko.” Nakahawak pa rin sya sa chest nya.
Sobra-sobrang karisma siguro ang meron ako para sabihin nya ‘yun. Talkin’ about sarcasm. -.-“
Ang totoo nyan, first year pa lang, crush ko na si Zapiro Villa, aka Zap.
Cool. Maporma. Ungentleman. Mayabang. Mapang-asar. Pero kahit mas marami ‘yung negative adjective, natutuwa ako sa personality nya kasi kaya nyang i-express ‘yung sarili nya.
Eh ako? Hanggang sa pagkkwento lang sa inyo ‘yung kadaldalan ko.
“S-sorry Zap. Di na mauulit.” I said while facing down.
“Nothing to be sorry. Just don’t do it next time. Seriously, I got goose bumps.” Then he tap my shoulders as a sign for me to look up.
Kinilig ako ng ¼ pero hindi nagtagal yung kilig ko kasi biglang dumaan sa gitna namin ang isang maangas na nilalang..
Si Minus Cuevo.
“Move.” He said coldly.
Sa tingin ko, inaaraw-araw ng lalaking ‘yon ang pag-inom ng isang basong sama ng loob bago pumasok sa school. Grabe. Hindi ko yata sya nakitang ngumiti mula nung naging kaklase ko sya. Daig din nya ang yelo sa coldness ng pakikitungo nya sa lahat ng tao.
“Minus, pare! Ang aga mo naman para sa klase natin bukas!” pang-aalaska ni Zap kay Minus na yumuko agad pagkaupong-pagkaupo nya sa upuan.
He didn’t get any response from the so-called “Cold Prince”. Sus. Asa pa si Zap na pansinin sya ni Minus. Eh teacher lang yata ang kinikibo nung taong ‘yun.
At dahil napunta na ang atensyon sa madaldal na crush kong si Zap, minabuti ko nalang na umupo sa upuan ko kesa makita na naman ako ng mga buskador kong mga kaklase.
Nilabas ko ‘yung pinakabagong issue ng magazine na binili ko. Pero syempre, ‘yung sapat lang para hindi nila makitang may magazine akong binabasa. Isa ‘to sa dark secrets ko. Bakit dark? Kasi ako lang at ang bestfriend ko ang nakakaalam nito. :3
Pagbuklat ko ng first page, napatili ako sa isip ko.
PANO NANGYARI ‘YUN? Basta. Secret ko na ‘yun. Kekeke.
Ang kaso, nalaglag ‘yung photocard mula sa magazine kaya nagmadali akong pulutin ‘yun. Kaya lang, sumabit ‘yung paa ko sa strap ng bag ko na nakalapag sa sahig.
*BOOOG*
Naglingunan ‘yung mga kaklase ko, pero dahil plakda ako sa sahig, hindi nila ako nakita at hindi na nila pinagkaabalahan pa kung may nadapa ba o wala.
“Aww..” napahawak ako sa tuhod ko nung umupo ako sa sahig.
But something captured my attention..
The well-known person for his coldness..
is CRYING?!