CHAPTER 3

35 2 0
                                    

At dahil nakalimutan kong mag-upload ng isa pang chapter last week, tatlo yung iaupload ko. Chaps 2-4. :) I'm loving those 22 reads na nakita ko before I posted the Chap2. Nakakataba ng heart. XD

-----

CUTIE’S POV

Maaga akong nakauwi sa bahay ko ngayong araw at napansing parang may tao na ‘yung house-for-sale sa kabilang bakuran. Property namin ‘yun pero sa tingin ko, binenta na ni Mom para magkaroon ako ng kapitbahay. ‘Yun siguro ang plano na sinabi nya sakin.

“Sino kaya ang nakabili nun?”

Naisip ko tuloy na magluto ng specialty kong sweet and sour meatballs na iooffer ko sa nakatira sa kabilang bahay. First time kong magkaroon ng neighbor aside kay Tan. Kay Tanya kasi ‘yon dati, bigay ng Mom ko. But since wala na sya dito sa Pinas, wala na namang nag-occupy nun.

I learned from Mom na binenta nya ‘yun sa isang Mrs. Algozar. I felt happy kasi magkakaroon ako ng kapitbahay na pwede kong makausap na hindi magjajudge sakin dahil matanda ito at madaling makaunawa. Aside syempre ‘yun kay Manang Lena na nagaasikaso sakin. Kaso, hindi kasi stay-in si manang kaya hindi ko rin sya madalas makakwentuhan.

7PM nung nag-decide akong puntahan si Mrs. Algozar with the meatballs I made. Excited akong nag-door bell at isang matabang babae on her forties ang lumabas sa gate.

“Hello Miss. Ano kailangan mo?” she said smiling.

“Good evening po, Mrs. Algozar?”

“Oh yes hija. Ikaw ba si Cutie? ‘Yung anak ni Mrs. Evangelista na nakatira sa kabilang bahay? Tara pasok ka.”

Pinaupo nya ko sa couch nya sa receiving area. I looked around and found na may ilang pagbabago dito.

“Ang daming nagbago, ‘no? We’ve been renovating this house since last month. Hindi mo napansin?”

“Hindi po eh.”

“Hindi rin naman masyadong pansinin kasi ‘yung interior ang inayos and nagdagdag ng rooms.”

Siguro big family sila kaya nag-add pa sila ng rooms. Dalawa lang kasi ang rooms dito sa bahay ni Tan dati.

“Ang saya po siguro ng may big family?” she’s already holding a tray with a glass of juice and a sandwich on the side.

“I guess so.”

“Bakit po? Aren’t you supposed to be a big family since nagpadagdag kayo ng rooms?”

She laughed at me.

Why? Mukha ba kong nakatira ng sunog na tsinelas sa way ng pagtatanong ko? Parang hindi naman yata?

“You know hija, I’m not actually going to stay here.”

I see. So rest house lang pala ang balak nyang gawin sa bahay. Kala ko pa naman may makakausap na ko, kala ko—

“I’ll have some boarders na titira dito. This is a good business you know. Hindi ko pa nasasabi sa Mom mo itong plan ko for the house but I guess she don’t need to know na.”

“Akala ko po kasi kayo ang titira.”

“No hija. Ang totoo nyan, I already have boarders. They’ll be moving tomorrow. Kailangan nandito ka tomorrow afternoon ha.”

I nodded. Hindi ko alam kung nakakatuwa o nakakaloka yung idea. Dadami nga ang neighbors ko pero mahirap makihalo at maki-socialize sa madaming tao. I’m not really in to that kind of situation.

Nagdinner na rin ako sa boarding house ni Mommy Jean. That’s what she wanted me to call her. Tinuruan nya akong mag-bake dahil ‘yun talaga ang isa sa mga gusto kong gawin kaya lang walang nagtuturo sa akin. Hindi kasi ako fond of doing things na sa internet ko lang nakikita. Gusto ko actual.

“Sige po Mommy Jean, uwi na po ako.”

“Sure hija. Be sure to be here bukas ha. 3PM ang house warming.”

“Yes po.” Tumalikod na ko at naglakad na nang tawagin ulit ako ni Mommy Jean.

“Cutie, why don’t you come with me tomorrow morning? I’ll be shopping some stuffs.”

Hindi na ‘ko nabigyan ng chance makatanggi dahil tumalikod na rin siya.

Pano na? Shopping is a horrible thing for me! ><

Maaga akong gumayak dahil tumawag si Mommy Jean sa landline. Maaga raw yung una nyang appointment kaya pinapapunta nya na ‘ko sa kabilang bahay.

“So let’s go.” Aya nya sakin and we drove off.

Nagpunta kami sa isang clinic. Eto siguro ‘yung appointment nya. Naiwan lang ako sa waiting area at dahil walang magawa, nagcheck ako ng FB ko. Napansin kong nagmessage sa akin ‘yung B.A. Nakalagay dun eh, “Hi pretty. Just wanna be friends with you.”

Lasing ba ‘tong B.A. na ‘to at kung anu-ano ang pinagsasasabi?

Teka? Hindi kaya nalaman na nyang ako si Cutie at pinagtutripan nya lang ako?

May chance. Pero paano nya malalaman eh ni hindi nga ako nagaupload ng photos? Ang DP ko eh member ng KPOP band. ‘Yung mga status ko naman hindi rin obvious na ako.

Baka naman random lang nyang sinend ‘yung message.

“Oo, tama. Ganun nga siguro.”

Napabalikwas ako nung narinig kong may nagsalita sa tabi ko. Isang magandang babae na siguro mga nasa 28 years old. She was actually smiling at me na para bang kaswal kaming magkausap.

“Oh, sorry. I was just responding to your loud thoughts.” She giggled. Para syang bata kung tumawa.

“Malakas po pala ‘yung pag-iisip ko. Sorry po. Naabala ko pa yata kayo.”

“Not really. Haha. By the way, I’m Cleb Villa. Just call me ate Cleb. And you are?”

“Cutie. Miel Cutie Evangelista”

Mga 10 minutes siguro kami nag-usap ni ate Cleb at nalaman kong sakanya pala itong EENT clinic. She even offered me a lazer eye treatment pero inayawan ko. I love to use my glasses.

“But in case you changed your mind, drop by here, okay?”

After nun, pumunta na kaming mall ni Mommy Jean para bumili ng mga ilan pang pahabol na gamit sa bahay. Binilhan pa nya ko ng ilang damit kahit na ayoko talaga. Kahit daw may pera ako, gusto pa rin daw nya akong regaluhan. Tinanggap ko na lang dahil nahihiya ako.

Mga 2PM nang makauwi ako sa bahay ko. Namahinga lang ako saglit tapos nagbihis na ko para sa house warming na dadaluhan daw ng boarders ni Mommy Jean pati ng ilang family ng mga iyon.

Nasa garden ang venue para sa mga bisita kaya sa kusina ako tumuloy. Hello, hindi ako guest. EXTRA LANG. XD

Kumuha ako ng tubig sa ref at tulad ng mga yelo sa freezer, I got frozen by what I saw..

Zap was looking back at me.

“Cutie. Anong ginagawa mo dito? Kamag-anak ka ng isa sa mga board-mate ko?”

Totoo ba ‘to? ‘Yung crush ko, kapit bahay ko na simula ngayong araw??

Four Seasons Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon