CHAPTER 5

22 1 0
                                    

CUTIE’S POV

Wala nang bisita sa bahay nang makakuha ako ng chance magpaalam kay Tita Jean para makauwi. She agreed at napahiga nalang ako sa kama ko pagkauwi ko dahil feeling ko pagod na pagod ako.

Naidlip ako pero bigla akong nagising dahil sa ring ng telephone. Hindi sana ako babangon pero hindi tumitigil sa kaka-ring kaya sinagot ko na.

“Hello..” my voice is husky dahil nga kagigising ko lang.

“Is that intended to seduce us?” sabi ng pamilyar na boses sa kabilang linya.

“Ha? H-hindi ah! Sino ba ‘to?” napaupo ako sa kama ng maayos dahil sa caller.

“It’s Zap. I’m with Bliss and Drift. Tinry lang namin kung tama yung list ng phone numbers na binigay ni Tita Jean.” Then he laughed.

“Yun lang? You woke me up just because of that?” I was a bit irritated dahil sa lame reason nya. Ika nga nila, magbiro ka na sa lasing, wag lang kay Cutie na nakatulog na at biglang magigising!

“Woah. You have a short temper, huh. Iba ka pala sa bahay at sa school.”

“Sorry. But can you please sleep? I’m tired.”

*DOO. DOO. DOO*

Tingnan mo ‘tong hinayupak na Zap na ‘to. Sya pa ang nagbaba ng linya. Kung di ko talaga sya crush, aynako!

Ibinalik ko na ‘yung phone sa side table ko nang marinig kong may nagd-doorbell. I glanced at my clock and it’s already 11:50PM. Sino naman ang pupunta sa bahay ko ng ganoong oras?

Pumunta ako sa gate at tinignan sa monitor kung sino ang nasa labas. It was Drift! Binuksan ko agad ‘yung gate.

“W-what are you doing here?” I asked, puzzled.

“I just want to personally apologize sa prank call namin kanina. We dint know na tulog ka na pala.” His face was really apologetic. Sino ba kasing babae ang buma-busted dito? Susunugin ko talaga sa Luneta!

“No big deal. Nagulat lang talaga ko. Okay na ‘yun.” Yung ngiti ko, abot hanggang kili-kili ni Yao Ming.

“You sure?”

(OO. TAYO NA!) Oo. I’m sure. Sige na, alam kong pagod na rin kayo. Matulog na kayo. (Pero pwede ka rin dito sa bahay ko makitulog. :D)

“Then, good night.”

“Good night. (Dream of me!)

Pinanood ko sya habang naglalakad. He sure is a perfect gentleman. Ang laking pagsisisi siguro ng mga engot na babaeng nanakit kay Drift. Aigoo.

And I know, my days are going to be different from before because of my new neighbors. J

BLISS’S POV

“You win. Click CONTINUE to play another set of game..”

*YAWNS*

Iniyuko ko yung ulo ko sa computer table ko to have a little rest. Yes! Panalo na naman ako sa game na to. >:)

 I’M JUST UNBEATABLE! XD

Inangat ko yung ulo ko para tingnan yung orasan at hindi na ko nagulat sa nakita ko. It’s already 3:20am. Mahina pa nga ‘to kumpara sa usual kong tulog pag Friday or Saturday night, or should I say, morning, na 4 or 5am.

Saka okay lang magpuyat, wala namang pasok mamaya! XD

Naalala kong i-check yung accounts ko. Hindi lang sa computer games ako mahilig. Pati na rin sa social networking sites.

“Bakit kaya hindi pa rin nagrereply ‘tong Honey Aegyo na ‘to?”

Nacurious kasi ako sakanya kaya ko sya in-add.

Napakamalihim nya.

Gagawa ng FB account tapos hindi magpapakilala. Ni picture ng sarili nya, hindi pinopost. Pero napakagaganda ng statuses nya. Saka puro mukha ng mga lalaking singkit na magkakamukha lang naman yung nakikita kong DP nya. Nung tinignan ko lahat ng naging DP nya, iba-iba naman pangalan na nakalagay as description sa mga lalaking yun. Pero nagtataka talaga ako kung bakit magkakamukha sila. O.O

SAKA, ANO BA ANG GWAPO SA MGA SINGKIT NA KOREANONG ‘YUN? Maputi lang sila sakin pero mas gwapo akong ‘di hamak sa mga ‘yun.

Tsk. Mga babae ngayon ‘no, hilig sa mga lalaking sa picture at YouTube lang nakikita. -___-

Buti pa ko, related sa pangalan ko yung DP ko.

Bliss- Happiness/Heaven

Makes sense, right?

Nag-iwan ulit ako ng message sa kanya. Baka sakaling magreply na sya. Yung mga posts nya kasi, puro tungkol sa life, love at mga bagay na tingin ng iba eh quotes lang. Para sa akin kasi, ang lakas maka-ganda sa babae pag may mas malalim kang pananaw sa buhay at pag-ibig. Na-attract talaga ko. XD

Kahit mukha akong ONLINE ADDICT, may puso ‘to mga dre.

Saka hindi lahat ng lalaking mahilig maglaro ng internet games, player.

Minsan, hobby lang talaga ‘yun. :)

And until I haven’t found that person who’ll make me take a second look, iilalaan ko ang oras ko sa gaming at social networking.

TSK. Para naman akong nag-susulat sa diary sa pags-state ko ng thoughts ko. -___-“ Lakas maka-bakla.

Tumayo ako para magbukas ng kurtina ng sliding door sa veranda ko. Nagulat ako nang makita ko si Cutie. Yung kaklase ko na kapitbahay ko na ngayon.

She was looking at the sky. Napatingin din tuloy ako. Tapos ibinalik ko yung tingin ko sa kanya.

I can’t explain it, but why does it seem like she shines like the stars?

Aish, makatulog na nga lang. ><

-----------------

Guys, pa-vote naman. Pretty please? Hahaha! But I swear, I love your reads. ^^ Kinikilig ako pag nakikita kong nadadagdagan yan everytime I open my account. :')

Yung cover, hmm. I'm thinking of changing it but I still don't have "good-looking" character references. XD Saka yung mage-edit, mukhang busy pa. HAHAHAHA! XD

Lots of lovin' :*

Four Seasons Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon