CUTIE’S POV
“And I was like laughing my heart out! That jerk! Hahaha!”
“Hindi naman nakakatawa ‘yun. He just slipped.”
“Ugh. That’s one of your ugly qualities. Wala kang sense of humor.”
“I’ll take that as a compliment.”
“CUTIE!”
‘Pag ganyan na ang tono ng best friend ko, alam kong badtrip na sya sakin. XD
She’s Tanya, my best friend since birth. Literal na since birth kasi nung pinanganak ako, magkatabi kami ng crib sa nursery at ang kwento ng Mom, bilib daw samin yung nurse dahil mahilig daw kaming mag-ngitian. Yun bang magkaharap kami lagi kahit magkahiwalay ‘yung cribs namin tapos pag nagsmile ‘yung isa, magssmile din ‘yung isa. Matanda lang sakin ng 6 days yang si Tanya. XD And the rest is history.
“Sorry Tan. I think you better go to sleep. It’s already midnight there.”
“Oo nga ‘no. Di ko napansin ‘yung oras kakachika sa’yo. Osya, goodnight best!”
“Good night din.”
Nag-off line na si Tanya. She’s currently at Honolulu, Hawaii dahil nagmigrate na sila dun last year. At tanging sa social networking sites nalang kami nagchichikahan kahit thrice a week.
Nag-log-in ako sa FB account ko na gawa-gawa ko lang. Kasi malamang sa walang mag-add sa akin na classmate or schoolmate ko pag ginamit ko yung real name ko. Saka baka pagtawanan lang nila yung mga ipopost kong selfies. Kung may dislike button lang siguro, hahakot ako ng dislikers pag nagkataon.
May friend request yung “Honey Aegyo” account ko. Profile name ko yan since ang meaning ng ‘Miel’ ay ‘Honey’. Sa Korean naman, ‘Aegyo’ ay ‘to act cute’. But mind you, wala akong ina-upload na selfie dyan.
Friend Request
B.A. Confirm Ignore
At sino naman ‘tong B.A. na ‘to? Yung DP nya, smiling face lang. Tapos puro ulap lang yung nakita ko sa cover nya. Inaacept ko na rin since baka nagpaparami lang ‘to ng friends.
Konting surf sa mga favorite sites then shinut-down ko na yung PC. Nag-dinner ako tapos balik sa kwarto para magbasa ng ilang lectures. Pag ganto talaga ‘yung routine ko, tinatamad ako. At namimiss ko sila Mom at Dad. OTL
“Mom, I miss you.”
“Me too Miel. Kamusta ka ba dyan?”
“Okay naman po. Can’t I really go there and be with you and Dad?” I tried to hide my sadness pero na-figure out agad yun ni Mom.
“Miel, if I could just bring you here, I will, really. I know you’re sad. But this is for your own sake Miel. Don’t worry, iisip ako ng paraan para hindi ka ma-bore dyan since Tanya’s already in Hawaii.”
Natawa naman ako sa sinabi ni Mom. It’s as if, she really will do something para maaliw ako dito sa Pinas habang sila ni Dad, nasa Italy.
“Hahaha. Parang may pinaplano ka, Mom?”
“Leave it to me.I love you, Miel.”
After the phone call, natulog na ‘ko dahil bukas, alam kong papasok na naman ako sa hellish na lugar, ang school, bow.
Medyo late akong nagising dahil sa sobrang ganda ng panaginip ko. Tawa daw ako ng tawa dahil sa pinapanood ko tapos biglang may yumakap sa akin. Blurred yung mukha nya pero nakita kong lalaki sya tapos nakangiti sya. Saka sigurado akong matangkad sya. Alam nyo ‘yung feeling na gwapo sya? Ganun. Tapos, nakita kong naka name tag sya na may nakalagay na “Hope”. Yun ata pangalan nya e. Madami pang nangyari pero di ko na matandaan. Basta alam ko, masaya ako sa panaginip ko. *v*
Nag-antay ako ng taxi sa harap ng subdivision since puno na ‘yung mga jeep na dumadaan dahil rush hour na. Pero wala rin masyadong dumadaang taxi. Buti nalang may naligaw na bus na dadaan ng St. Gene.
Jeep ang mode of transpo ko. Pag lang talaga urgent situations kung magtaxi ako. Di ako madalas mag-bus dahil feeling ko, sobrang daming tao ang sakay nun. Parang mas madaming matang titingin sa’yo at magki-criticize.
Ang masama nito, standing na sa bus na sinakyan ko kaya no choice. Dun pa ko napwesto sa linya ng kinauupuan nung kaklase kong si Drift Pascua. Gwapo rin ‘to eh. Kaso napaka mahiyain! Balita ko (hindi ako chismosa, sadyang malakas lang kung magusap yung mga chikadora kong kaklase) madalas daw ‘tong ma-busted kaya mahiyain lalo sa mga babae.
SA GWAPO NYANG ‘YAN? Naba-busted pa? Ganun ba kaganda ‘yung mga nililigawan nya? Jeskelerd. Ang choosy nila ha!
Hanggang makarating ako ng school, nakatayo ako. T___T 30-45mins pa naman yung byahe dahil bumper to bumper ang traffic. Peste talaga.
Sabay pa kaming nakarating ni Drift sa room kaya naging wild na naman ‘yung mga below normal kong classmates.
“Taray ni Cutie! Dine-date na si Drift! Ayiiiiieeee!” at nagpapalakpakan na may kasamang sigawan pa silang lahat. Maliban syempre dun sa mga snob at walang paki.
“Kasi.. Ano –“ at syempre, ayun na naman ang sakit ko, hindi ko laging ma-assert ‘yung sarili ko sa mga tao kaya ang tendency eh sapawan nila ako habang may sinasabi.
“You’re dating! Dating! Dating!” sigaw pa rin sila ng sigaw. Si Drift, nakayuko na lang na umupo sa upuan nya. Ganun na lang din yung ginawa ko. Gaya-gaya ako eh. XD
“AND WHAT THE HELL IS THE REASON FOR YOUR NOISE? Aren’t you aware that all classes in this floor are interrupted because of you?!!”
Paktay na. Si Ms. Salome Pilomena Antonio, school directress, ang pumunta sa room namin para patahimikin sila. Malamang sa impyerno kami pupulutin nito. Aigoo. orz
“All of you get 5 pieces of yellow paper and fill it with this sentence! FRONT TO BACK! Punyetang mga bata! Mga walang manners!” derederecho syang nagsasalita habang nagsusulat sa board ng ‘I will not scream inside the class anymore.’
Yung mga kaklase ko naman, ginagaya yung expression ni Miss habang nakatalikod sya. Tapos nung humarap na, akala mo mga batang hindi matae. Mga mapagpanggap. -___-
Napahugot na lang ako ng hininga dahil sa nangyari. Binuksan ko ‘yung bag ko para kumuha ng yellow paper nang mapansin kong parang iba ‘yung paper bag na dala ko. Chineck ko ‘yung laman at confirmed! Hindi nga akin ‘to.
Waaaaah! Ang malas ko naman! Siguro kung maaga lang akong nagising at hindi masyadong inenjoy si ‘Hope’, baka maaga akong nakapasok at hindi nakipagsiksikan sa bus. De hindi sana mali ‘yung paper bag na binitbit ko. Hindi rin siguro kami mapapagalitan ni Miss kung hindi ko nakasabay sa bus si Drift na dahilan ng pagwawala ng buong klase...
TAMA! Si Drift! Baka napansin nya ‘yung paper bag ko! Andun pa naman ‘yung album na ipapadala ko mamaya kay Tan. Naku naman. ><
Dahan-dahan akong tumayo from my seat at halos pagapang na pinuntahan si Drift. Wala namang makakapansin sakin masyado dahil nasa dulong row sya nakapwesto.
Kinalabit ko sya, four times. ‘Yung first at second kalabit, hindi naman sumayad sa damit nya kaya hindi nya naramdaman. Yung third eh parang hanggang polo lang ‘yung diin kaya sa ikaapat na kalabit palang nya naramdaman na nandun ako. Nagulat pa sya sakin.
“Ano.. May nakita ka bang paper bag?” I was somehow hesitant na magtanong sakanya.
“Paper bag?” he looked at his side at kinuha ‘yung paper bag na kamukha nung sakin.
“Ito ba?”
“Yes. Yan nga.” I pushed a deep breath. Akala ko talaga nawala ko na ‘yung albums. Buti nagkapalit lang kami ni Drift ng paper bag. Less problem.
But not really dahil may lumingon na kaklase ko at naissue na naman kami ni Drift. Kesyo binibigyan na raw ako ni Drift ng regalo blah blah blah.
I felt like I’m being unfair to Drift because he’s being dragged to this stupid stuff. Pano ba ko magso-sorry?