Pagkatapos ng kanilang picnic ay madali silang umalis doon dahil parating na ang magulang ni Shiela. Medyo nataranta ang dalaga dahil hindi pwedeng maabutan ng mga magulang niya na wala siya sa bahay nila.
Ang pagkaka-alam kasi ng magulang ni Shiela ay matagal na silang tapos ni Thomas. Dahil na rin sa nangyari noon kaya pinaghiwalay sila ng magulang ng dalaga.
"Thomas bilisan mo, malapit na raw sila mommy sa house."
"Chill Shiela. We'll get there."
"Paano ako mag-cchill eh malapit na sila mommy. Pag naabutan talaga ako ng mga yun na wala sa bahay, hindi ko alam mangyayari."
"Eto na nga eh, binibilisan na. Nag-iingat lang kasi baka mabangga tayo."
Bigla namang tumunog ang telepono ni Thomas. Tumatawag ang kanyang ina. Maaari'y hinahanap na naman siya ng bunsong kapatid na si Isabella.
"Shiela, pasagot naman oh."
"I can't. Mommy mo yan, baka kung ano pang masabi sakin."
Ayaw kasi ng pamilya ni Thomas kay Shiela. Hindi nila sinasabi ang dahilan ngunit alam ni Thomas na dahil mas gusto nila si Ara.
Sinubukan namang kunin ni Thomas ang kanyang telepono sa kanyang bulsa ngunit mayroong konting pag-iingat dahil siya'y nagmamaneho.
"Thomas, faster! 5 mins daw nandun na sila Mommy."
Hindi na magka-maliw maliw si Thomas sa kung anong uunahin niya. Kung sasagutin ang mommy niya o bilisan ang pagmamaneho. Sinubukan niya parehas.
Sa wakas! naisip ng binata nang maabot niya ang kanyang telepono.
"Thomas!!"
*booogsh*
---