VII

730 37 28
                                    

Nakalabas na ng ospital si Thomas at bumalik na rin sa condo nila ni Ara. Napag-usapan na rin nila ni Bang na doon muna titira si Thomas pansamantala. Nung una ay ayaw pumayag ni Bang ngunit wala naman siyang choice kung hindi pumayag. Ito lamang ang paraan para tumagal pa si Thomas sa mundong ito.

"Babe, sino ba talaga yung babaeng yun? Kapal nang mukha niyang sabihin na girlfriend ko siya! Duh, pangit kaya niya."

"Hard mo naman uy! Kaibigan ko lang yun. Baka crush ka lang kaya ganon."

Napag-desisyonan din nila na ipakilala si Bang bilang kaibigan ni Ara. Kahit na noon ay wala naman talagang namamagitan na pagkakaibigan sa dalawang dalaga.

"Bakit parang ngayon ko lang siya nakita?"

"Ah eh halos kakakilala lang din namin. Kasama siya ni Kim sa isang sports clinic nun."

Napatango na lang si Thomas at humiga na sa sofa nila.

"Namiss ko 'tong sofa natin. Tara babe, cuddle tayo."

Namula si Ara sa narinig niya. Hindi niya inaasahan na masasabi ulit ni Thomas yun. Dati kasi'y laging hinihiling iyon ni Thomas ngunit hindi siya pumapayag.

"Harot mo uy!"

Natawa naman si Thomas.

-

Patuloy lamang si Ara sa pagpapanggap na nobyo pa rin niya si Thomas. Masakit man sa parte niya ay tinitiis niya ito. Pero hindi mawawala sa dalaga na ginusto niya rin ito. Gusto niya 'to dahil mahal na mahal pa rin niya si Thomas.

Iniwan muna ni Ara si Thomas na tulog at nagpapahinga sa condo nila. Makikipagkita siya ngayon kay Bang upang mag-usap.

From: Bang Pineda

Nandito na ko

To: Bang Pineda

I'm on my way

Sa Starbucks na lamang sila magkikita. Hindi na nga masyadong naghanda si Ara dahil saglit lang naman daw.

"Bang."

Magisa lamang si Bang. Mas okay na siya ngayon kaysa dati. Nakakapag-lakad na rin siya ng maayos.

"Umupo ka."

"Anong paguusapan natin?"

"Hindi ano. Sino."

Naisip na agad ni Ara na si Thomas ito. Sa totoo lang ay inasahan na ito ni Ara.

"Si Thomas? Diba nagus-"

"Oo alam ko, nagusap na tayo. Pero may tanong ako."

"Ano yun?"

"Mahal mo pa ba si Thomas?"

Biglang nabalot ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Hindi alam ni Ara ang isasagot niya. Kung aamin ba siya o hindi.

"Bat natahimik ka Ara? Sagutin mo yung tanong ko. Oo o hindi lang yun."

"Ah eh.."

"Ano?!"

Nagulat si Ara dahil napasigaw na si Bang sa galit niya. Mukha na itong sasabog sa galit.

"Oo." mahinahong sagot ni Ara.

"Kaya ba pumayag ka sa set up na 'to ha? Kasi ano, gusto mo siyang makuha ulit? Ganyan ka ba kadesperada?"

Nagulat si Ara sa narinig niya. Akala niya'y magiging maayos ang paguusap nila pero umpisa pa lang ay nanggagalaiti na sa galit si Bang.

"Bang kumalma ka. Makinig ka muna sakin."

"No Ara! Alam ko namang hindi mo pa rin tanggap na mas pinili ako ni Thomas kaysa sayo! Na mas mahal ako ni Thomas. Iniwan ka niya noon nang dahil sakin. Isa lang ibig sabihin non, mas gusto niyang makasama ako kesa sayo! Hindi ka na niya mahal Ara. Hindi ka na niya kailangan. Kaya please lang lubayan mo na si Thomas. Dala lang yan ng sakit ni Thomas. Pero tandaan mo 'to Ara, akin lang si Thomas. Sakin parin babagsak si Thomas. Ibabalik ko sakin si Thomas."

Tahimik lamang si Ara pero sa loob loob nito'y galit na galit na siya. Alam niyang mali na magalit siya nang tulad ni Bang. Kaya mahinahon siyang sumagot kay Bang.

"Oo, alam ko. Na wala na nga akong karapatan sa kanya. Na ikaw na nga ang mahal niya. Na mas pinili ka niya kesa sakin. Na iniwan niya ako para sa'yo. Alam ko lahat yun. Ang sakit sakit Bang. Sobrang sakit pero tiniis ko lahat yun. Kasi mahal ko siya. Kasi alam kong sasaya siya sa'yo. Pero Bang, iba na ngayon. Iba na si Thomas. Ako na ulit ang mahal niya, hindi na ikaw. Hindi ka na niya kilala ngayon. Desperada na kung desperada pero mahal ko siya. I can't afford to lose him anymore. Not this time. Lalong lalo na na mas minahal ko na siya ngayon."

Galit na galit parin si Bang. Hindi niya inaasahan na masasabi ito ni Ara.

"Bang, please wag mo na kaming guluhin ni Thomas. At pangako ko sa'yo na aalagaan ko si Thomas."

"No! Hindi! Hindi ako papayag. Akin lang si Thomas. Ako ang mahal niya." humahagulgol na sa kakaiyak si Bang.

Tumayo na si Ara sa kinauupuan niya para umalis.

"Goodbye Bang. Ipapaalala ko ulit sa'yo na akin si Thomas. Sana maramdaman mo yung sakit ng iniwan at sinaktan. Kasi ako, sobra sobra pa dyan yung naranasan ko. 'Wag mo na kaming guluhin."

"I'm lost without him, Ara. Hindi ko kaya."

"I'm lost without him too, Bang. And, he's lost without me."

Tuluyan nang umalis si Ara sa Starbucks. At iniwang umiiyak si Bang.

Hindi niya rin akalain na nasabi niya iyon. Sinubukan niyang kumalma, buti na lamang ay napigilan niya ang sarili.

"It's time for a change Ara. Kailangan mo na ulit tanggapin si Thomas." bigkas niya sa sarili niya.

---

Last chapter na po ang susunod. Maraming salamat sa lahat ng nagbasa, nagvote at nagcomment. :)

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon