Ilang araw na ring naka-confine si Thomas sa ospital na iyon pero ni isang araw ay hindi umalis si Ara doon. Nakabisita na rin ang pamilya ni Thomas ngunit hindi sila nagtagal dahil may pasok ang mga kapatid ni Thomas. Nagpadala na lamang siya kay Carol ng mga damit niya.
Ang kasama lang ni Ara ngayon ay ang Tita Jane niya. Umabsent daw para madalaw ang anak. Ilang araw na pero hindi pa rin kasi nagigising si Thomas.
"Tita Jane, pasensya na po. Dapat po talaga hindi ko siya iniwan noon"
"Ara anak, kami dapat ang humingi ng pasensya sa'yo dahil sa ginawa ng anak namin noon. Alam naming mahal ka pa niya anak."
Ha? Mahal pa ako? napaisip si Ara.
"Ay nako po.Tanggap ko naman po na hindi na. Sila na nga po ni Bang di ba? Ayos lang po sakin."
"Ara sigurado ka ba.."
"Okay lang ako Tita." ngumiti naman ang dalaga.
"Ara.."
Nagulat si Ara sa tumawag ng kanyang pangalan. Boses ng isang makisig na binata. Boses niya yun, sabi niya.
"T-thomas?"
Tama nga, nagising na si Thomas ngunit hirap pa rin ito. Hawak hawak niya ang ulo niya na tila ba ito'y sumasakit. Agad siyang inalalayan ni Ara.
"Ara, Thomas, maiwan ko muna kayo."
Lumabas ang mommy ni Thomas, siguro ay para makapag-usap sila.
"Nasan ako?"
"Nasa ospital ka Thomas."
Hawak pa rin ni Ara ang kamay ni Thomas. Hinigpitan naman ni Thomas ang pagkakahawak dito.
"Anong nangyari? Bakit may bandage ako sa ulo?"
Nagtataka naman si Ara kung bakit ito natanong ni Thomas. Marahil ay epekto lamang 'to ng aksidente na nangyari.
"I love you, Ara."
Nagulat si Ara nang bigkasin ito ni Thomas. Napayakap rin si Thomas kay Ara na naging dahilan para lalong magtaka ang dalaga. Ngunit, subalit, datapwat, niyakap pa rin pabalik ni Ara si Thomas. Matagal na niyang hindi ito nagawa kaya sinulit niya ang pagkakataon na iyon.
"Sinong tao sa condo natin? Sinong nagbabantay kay Cisco?"
Tuluyan nang nabigla si Ara sa sinabi ni Thomas. Imposible, bigkas ni Ara sa sarili niya.
"Babe, uy!" kumaway kaway si Thomas sa harap ni Ara upang bumalik ito sa realidad.
Napatakbo palabas ng kwarto si Ara dahil sa sobrang pagkagulat. Napahinga siya ng malalim at napaupo sa may pintuan ng kwartong iyon.
"Kalma, Ara. Epekto lang yan ng pagkakabangga niya."
Sakto namang dumating ang doktor na naka-assign kay Thomas. Tumayo agad si Ara para salubungin ang doktor.
"Doc, ano pong balita?"
"Nagising na ba siya? Balak ko lang kasing icheck ang vital signs niya sa ngayon."
"Ah eh Doc, opo nagising na po. Kaso Doc, may tanong po ako."
"Ano yun?"
Huminga siya nang malalim dahil sa kaba ng kung ano man ang kondisyon ni Thomas.
"Kasi po kanina tinawag niya akong 'babe' tapos po tinatanong niya kung sino daw po bang tao sa condo namin, pati na rin po kung sinong nagbabantay sa aso namin."
"Eh good signs naman pala Hija, nakakaalala siya."
"Ang kaso po, dati pa yun. Nung kami pa."
Lord, please lang po, sabi na naman ng dalaga sa sarili niya.
"Ah tama nga ang findings namin."
"A-ano po yun?"
"Thomas has amnesia."
Napa-nganga na lang si Ara sa narinig niya. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Tinakpan niya rin agad ang bibig dahil baka pasukan ito ng langaw.
"P-paano po yun? Eh n-naaalala niya po yung samin dati? Matagal na po yun."
"Retrograde amnesia, specifically."
Retrograde? Ano yun? Gatorade lang ang alam ko tsaka bagsak na grade, sabi niya sa utak niya.
"Ano naman po yun?"
"Retrograde Amnesia is a type of amnesia wherein he is stuck in the past. He remembers his past, but not the events that happened after it."
"P-po? May ganon pong amnesia?"
"Yes, Ara."
Nag-alala bigla ang dalaga. Paano na lamang si Bang. Paano si Ara.
"Pwede po bang ipa-alala na lang namin na tapos na yun. Na matagal nang nangyari yun?"
"No, his brain might fail. Baka lalong lumala ang kondisyon niya at hindi niya kayanin."
Paano na 'to?
