IV

795 36 24
                                    

"Bakla! Kumalma ka nga diyan. Baka tayo naman ang mabangga nito eh."

Hindi mapakali si Ara kaya nagpasama siya kay Carol pumunta sa nasabing ospital. Hindi niya alam ang gagawin niya.

"Carol, paano kung malala yung pagkakabangga niya? Paano kung namatay si Thomas? Paano kung- aray ko."

Binatukan naman ni Carol si Ara dahil sa mga pinagsasabi nito.

"Paano kung mahal mo pa rin?" tanong ni Carol kay Ara.

Hindi nakasagot si Ara. Hindi niya alam kung ano isasagot niya.

"Edi natahimik ka. Alam mo mars, hindi ka naman mag-aalala at magpa-panic ng ganyan kung hindi mo mahal diba?"

"Concern lang. Kahit naman kasi papano, may pinagsamahan kami nung tao."

Nagkibit-balikat na lamang si Carol sa sinabi ni Ara. Nanatiling tahimik ang kanilang pagpunta sa ospital. Kitang kita naman sa mukha ni Ara na kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano ang maaaring mangyari sa dalawa. Isinantabi niya muna ang galit na nadarama niya sa ngayon. Ang tanging nasa isip lamang niya ay,

Okay lang kaya si Thomas? Baka kung ano nang nangyari dun. Kailangan niya ako ngayon.

Nang makarating sa ospital ay agad agad na bumaba si Ara at tumakbo papuntang Emergency Room.

Maraming tao, karamihan ay media. Kinukuhanan ng mga litrato ang mga doktor. Agad namang dumiretso sa information desk si Ara para itanong kung nasaang room ang binata.

"Miss, Thomas Torres po."

"Wait lang Mam."

Hindi pa rin mapakali si Ara kaya kanina pa siya galaw nang galaw sa kinatatayuan niya. Si Thomas lang ang nasa isip niya, wala nang iba.

"Room 276 po mam."

Tinignan muna ni Ara ang kaibigan para sabihin na pupuntahan niya si Thomas.

"Sige na, ako na bahala kay Bang."

Agad na hinanap ni Ara ang Room 276. Medyo malayo ito sa information desk, mabuti na lamang ay mga direksyon.

"Ayun!" sigaw ni Ara sa sarili niya.

Dahan dahan niyang binuksan ang pinto dahil hindi ito naka-lock. Nakita niya si Thomas na mahimbing na natutulog sa kama nito. Awang-awa si Ara dahil na rin sa mga natamong sugat nito. May bandage si Thomas sa ulo at mga pasa pasa sa mukha at katawan nito. Naka-semento rin ang kanang kamay nito.

"Thomas, may balak ka bang iwan ako ha?"

Umiiyak ang dalaga dahil sa sakit na makita si Thomas na nasa ganoong kalagayan at pati na rin sa dahilang baka iwan siya nito.

"Ang daya mo naman eh! Iniwan mo na nga ako dati tapos may balak ka pa ulit iwan ako! Unfair ka talaga. Siguro kung naririnig mo ko ngayon, baka kanina mo pa ako pinalayas. Ang galing nga eh, ikaw pa talaga galit sakin. Ewan ko ba Thomas. Galit na galit ako sa'yo pero alam mo, mahal pa rin kita. Mahal na mahal. Kahit na niloko mo ko noon."

Patuloy lamang ang pag-iyak niya habang hawak hawak ang kamay ng binata.

"Inaamin ko, wala akong pakielam sa sitwasyon ni Bang ngayon. Ikaw lang kasi ang kayang intindihin nito oh." sabay turo sa puso niya.

"Alam kong kailangan mo ko ngayon. Hinding hindi kita iiwan Thomas. Hinding hindi ko gagawin ang ginawa mo sakin noon."

---

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon