VIII

1K 48 14
                                    

Pagbalik ni Ara sa condo nila ay naabutan niyang tulog si Thomas sa sofa. Naiwan pang naka-bukas ang tv nila. Nanonood si Thomas ng PLL. Natawa naman si Ara.

"Hindi ka pa rin talaga nagbabago." bulong niya kay Thomas at hinalikan ang noo nito.

Dumiretso sa kusina si Ara para magluto ng dinner nila. Kailangan na niya ulit masanay na pang-dalawang tao ang lulutuin niya. Nagluto na lang siya ng tapsilog dahil yun ang hilig ni Thomas. At tsaka madali lamang lutuin.

"Babe,"

Nagulat siya nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likod.Ramdam niya ang init ng hininga ng binata sa kanyang leeg. May parang kuryente naman ang dumaloy sa kanyang likod.

"G-gising ka n-na pala." pautal utal na sagot ni Ara.

"Bakit ka nauutal?"

"Ah eh uhm ano kasi ano. Uhm wala! Bumalik ka na nga dun."

Bigla namang hinalikan ni Thomas ang balikat ni Ara at tumakbo papuntang sala. Nag-init lalo ang mukha ni Ara sa ginawa ni Thomas.

Tumigil ka dyan Ara! bulong niya.

Hinain na ni Ara ang pagkain sa dining table.

"Thomas!"

Dali daling umupo si Thomas at nagsimulang kumain.

"Di ka naman gutom niyan ah hahaha."

Naupo na rin si Ara sa tapat ni Thomas at nagsimulang kumain. Tahimik lamang sila habang kumakain. Hindi kinaya ni Thomas ang katahimikan na ito kaya binasag niya.

"Babe?"

"Hmm?"

"I love you."

Tawa lang ang naisagot ni Ara. Kinikilig siya kaya hindi niya nasagot si Thomas.

"Psst uy! Sabi ko i love you."

"Oo narinig ko."

"Bakit walang sagot?" nag-pout si Thomas para magpa-cute kay Ara.

"Di mo ko madadaan sa mga ganyan mo."

"Ehh dali na. I love you Victonara Salas Galang!"

"I love you too Thomas Christopher Bulado Torres!"

Hinawakan bigla ni Thomas ang kamay ni Ara. Napatingin si Ara.

"Ara, sabihin mo nga sakin. Ano ba talagang nangyayari?"

"Ha? A-anong pinagsasabi mo?"

"Ara, naaksidente lang ako tapos ang dami nang nagbago sa'yo. Satin."

"Thomas.."

"Si Cisco bigla na lang namatay. Yung kwarto ko biglang naging attic. Sa sala naman, nawala yung mga pictures natin. Ano bang meron Ars?"

Napaisip bigla ang dalaga. Hindi niya inasahan na matatanong iyon ng binata. Hindi niya pwedeng sabihin.

"His brain might fail."

Naalala niya ang sinabi ng doctor.

"Thomas, hindi pwede. Hindi ko pwedeng sabihin."

"Why?"

"Basta."

"Tell me, Ars. Please. Malay mo makatulong ako sa problema mo."

"Wala akong problema Thom."

"Sinong may problema? Ako ba?"

"Oo ikaw."

Napatayo si Ara at kinalabog ang lamesa. Napaupo siya sa sofa nila. Napasapo sa ulo at naiyak.

"Ars, tell me. Bakit ako? May nagawa ba ako?"

"Thom, please wag ngayon. Makakasama lang 'to para sa'yo."

"I don't care Ars. Just please, tell me."

"Hindi nga pwede!"

"Ars, ple-"

"May amnesia ka."

Natigilan si Thomas sa narinig niya at biglang napa-upo sa sahig hawak hawak ang kanyang ulo. Napasigaw siya sa sakit na nararamdaman.

"Thom!"

Umiiyak sa sakit si Thomas. Eto na nga ba ang ayaw mangyari ni Ara, ang mabigla siya.

"Thom naman kasi eh. Sabi ko sa'yo makakasama 'to sa'yo eh."

Naiiyak na rin si Ara habang inaalalayan si Thomas. Hawak pa rin niya ang ulo niya at patuloy na umiiyak.

Kinuha ni Ara ang gamot ni Thomas sa may counter at pinainom ito sa kanya. Nagsimula nang kumalma si Thomas dahil nawala na kahit papano ang sakit ng ulo niya.

"Ars.."

"Okay ka na ba? Masakit pa ba?"

"Okay na yung ulo ko pero yung puso ko hindi."

"Thom.."

"I might have lost the memories we had before Ars pero hinding hindi ka nawala sa puso ko. Nasaktan man kita or kung ano man ang nagawa ko sa'yo before, sana napatawad mo na ako. Nakalimutan ko man kung anong ginawa ko sa'yo kaya naging ganito ang lahat. Sorry Ars."

"Wala kang kasalanan Thom. Hindi mo kasalanan na naaksidente ka at nagkaroon ng amnesia. Wala na akong pakielam kung nasaktan mo ko noon. Ang importante nandito ka na ulit sakin. Ako na ulit ang kasama mo. I'm willing to make new memories with you Thom. I don't want to be lost again without you."

"I'm lost without you, Ars."

---

Super lame and corny na ending mula sa pinaka-sabaw na author hahaha. Maraming maraming salamat sa nagbasa nito. Kahit pangit siya, for me ah, kasi parang minadali. Nagpalipas oras lang ako guys hahah.

And I'm dedicating this whole story to, Yen. Siya po ang pinaka-reason kung bakit ko ginawa 'tong story na 'to. Siya yung nagbigay sakin ng idea and plot hahaha. Thank you, Yen!!

See you sa mga future stories ko pa. Kung sisipagin si author haha.

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon