VI

703 35 8
                                    

"Say ahhh!"

Kasalukuyang sinusubuan ni Ara si Thomas dahil hirap itong kumain. Ilang araw na silang ganito, dahil kailangan. Nalaman na rin ni Ara ang kalagayan ni Bang. Matagal na daw itong nagising at hinahanap si Thomas ngunit hinde pa siya pwede paalisin dahil kailangan pa niyang magpahinga. Buti na lamang ay bali at sugat ang natamo nito. No major injuries ika nga.

"Ang cute cute mo talaga Ara! Pwede bang yung cheeks mo na lang kainin ko?"

"Ha? Bat naman trip mo cheeks ko?"

"Para kasing siopao eh haha bola bola."

Hinampas na lamang siya ni Ara ng mahina sa may braso. Sa ilang araw na pag-panggap, napatunayan ni Ara na mahal pa rin talaga niya si Thomas. Hirap man ay kailangan niyang gawin para tumagal ang buhay ni Thomas.

"Thomas, hindi naman ba sumasakit yang ulo mo?"

"Hindi, ikaw lang naman kasi tumatakbo dito eh." sabay turo sa ulo niya na may bandage.

"Corny mo."

"Mahal kasi kita eh."

Hinayaan na lamang ito ni Ara. Hindi niya na kasi alam sasabihin niya. Kinikilig siya, aminado siya.

"Uy! Kinikilig siya oh."

"Tigilan mo ko Thomas ah. Oh, kumain ka na lang diyan"

Sinaksak na lang ni Ara sa bibig ni Thomas yung pagkain niya. Natawa na lang ang binata sa inasal ni Ara.

*knock knock*

"Wait, buksan ko lang yung pintuan."

Dahan dahang binuksan ni Ara ang pintuan at sa hindi niya inaasahang pangyayari ay si Bang ang sumalubong sa kanya. Nakasakay si Bang sa wheelchair habang tulak tulak ni,

"Kim?"

Si Kim ang isa rin sa mga naging matalik na kaibigan noong college sila. Sa katunayan ay tatlo sila nila Carol sa grupo na iyon. Ngunit nahiwalay si Kim dahil sa nangyari noon.

"A-anong ginagawa niyo d-dito?"

Hindi makapaniwala sa nakikita niya. Hindi siya makapaniwala na sasamahan ni Kim si Bang dito.

"Bibisitahin ko lang sana yung boyfriend ko." sagot ni Bang.

Natigilan si Ara.

"Paano ko sasabihin 'to kay Bang?" bulong niya.

"Ah eh kasi.."

"May problema ba dun Ara?"

"A-ah w-wala naman."

Dumiretso na papasok si Bang na tulak tulak ni Kim. Hindi pa nakakatayo si Bang kaya tinapat na lang ito sa tabi ni Thomas.

"Thomas." pagtawag ni Bang sa atensyon ni Thomas na abala sa pagkain niya. Napatingin naman si Thomas sa kanya, na parang nagtataka.

"Sino ka?" tanong ni Thomas kay Bang.

Nagulat si Bang dahil sa sinabi ni Thomas. Hindi niya alam paano siya mag-rereact.

"Babe, sino siya?" pagtanong ni Thomas kay Ara nang tuluyan itong makalapit sa kanila.

Napatingin si Kim at Bang kay Ara. Hindi malaman ni Ara kung ano gagawin o sasabihin niya kaya nanahimik na lang siya. Sinenyasan naman ni Bang si Kim para itulak siya palapit kay Thomas.

"Thomas, si Shiela 'to. Ako ang girlfriend mo."

"Ha?"

Napahawak naman si Thomas sa ulo niya. Tila ba ito'y nasasaktan dahil sa kalagayan niya.

"Bang, wag!"

"At bakit naman? Dapat niyang malaman!"

"Pwede bang sa labas na natin 'to pag-usapan?"

Tinulak na ni Kim si Bang palabas ng kwartong iyon para mapag-usapan nila ang mga nangyayari.

"Ara, sabihin mo sakin! Anong nangyari kay Thomas? Bakit ka niya tinawag na 'babe'? Bakit hindi niya ko kilala? Ginayuma mo ba siya ha?"

"No, kumalma ka Bang. Baka marinig ka ni Thomas. Makinig ka muna sakin."

"Ano nga?!"

"May retrograde amnesia si Thomas. He's stuck in the past. At ako ang naaalala niyang girlfriend niya."

---

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon