III

708 29 1
                                    

"Breaking news! May namataang kotse malapit sa isang subdivision sa Makati na nabangga. May dalawang katao ang napag-alaman na nasa loob nito. Ayon sa mga nakakita ay hindi raw nakita ng nagmamaneho ang paparating na 10 wheeler truck. Sa ngayon ay nasa ospital na ang mga biktima at kasalukuyang ginagamot."

"Hay nako, aksidente na naman." sabi ng dalaga sa sarili niya na nagluluto ng kanyang hapunan.

Mag-isa lamang siya sa kanyang condo kaya't hindi niya na pinoproblema ang pagluluto ng marami.

"Surprise!!!"

Nagulat ang dalaga kaya't muntikan na niyang mabitawan ang kaniyang plato, mabuti na lang hindi niya natuluyan.

"Walangya ka! Trespassing ka!"

"Gaga, may susi ako nitong condo mo diba?"

"Oo nga pala" sabi na naman niya sa sarili niya.

Umupo naman si Ara at ang kanyang 'bwisita' sa may sofa at nakinig na lamang ng balita.

Pinapakita sa balita ang nangyari na pagkakabangga ng isang kotse sa truck. Malakas ang pagkakabangga ng kotse dahil ito'y nagmamadali.

"Grabe 'no! Tanga kasi nung nagdadrive, hindi tinitignan yung dinadaanan. Ayan tuloy!"

"Kumalma ka nga, kala mo kamag-anak ka nung na-aksidente eh."

"Malay natin bakla diba!"

"Gaga haha."

Tumayo na si Ara para hugasan ang pinagkainan niya. Ngunit bigla siyang natigilan sa paglalakad dahil sa sinabi ng kaibigan niya.

"Beks, paano kung si Thomas the dwarf yun?"

"Carol..."

Umakto na lamang si Carol na parang sumusurrender. Alam niyang ayaw na balikan ni Ara yung pangyayaring yun.

Tuluyan nang pumasok si Ara sa kusina upang maghugas. Habang nag-huhugas ay biglang napaisip ang dalaga,

Paano kung si Thomas nga yun? Teka, bakit ko iniisip yun?

Kinabahan bigla si Ara dahil sa naisip niya. Sinampal naman niya ang sarili dahil dun. Bakit nga naman niya iisipin yun.

"Ara!! Si Thomas at Bang!"

Nabitawan ni Ara ang pinupunasan niyang pinggan kaya't nahulog at nabasag ito. Natulala siya.

Thomas at Bang

---

LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon