Chapter 6: Trial Phase 1

59.9K 2K 1K
                                    

Chapter 6: Trial Phase 1Raven

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 6: Trial Phase 1
Raven

Alam niyo yung pakiramdam na sana ay isang panaginip na lamang ang lahat ng nangyayari? Kagabi ay akala ko ay ayos lang sa'kin ang mga nangyari, pero hindi pala. Hindi nawala sa akin ang kaba... Lalo na't ang main target ng Killers ay ako, si Owen, ang Doctor, at ang Nurse.

Isa pang malaking tanong ay sino ang silencer? Bakit si Mario ang nagawa niyang patahimikin? Tanong pa rin kung sino siya. Pero mas pinoproblema ko kung sino ang Assasin, Serial Killer, at Mafia. Nakakamangha na nagawa nila ng malinis ang pagpatay.

Gaya nang sabi ni Owen, binabantayan ko ngayon ang lahat ng taong nakapaligid kay June. "Crystal kumain ka muna," Sabi ni Caleb habang inaabutan ng makakain si Crystal.

'Diba dati ay hiniling ko sa diyos na gawan ng thrill ang boring kong buhay? Eto na ba ang sagot niya sa hiling ko? Fuck! Yeah, thanks God dahil damang-dama ko ang thrill na gusto mong ibigay sa akin!

"Wala akong gana," Sagot ni Crystal habang inilalayo ang pagkain sa kanya.

"Raven tignan mo, ayaw kumain ni Crystal, mamaya ay trial na, baka kung mapaano pa siya." Nag-aalalang sabi ni Caleb sa akin.

"Let her do what she want," Sagot ko, hindi ko gusto yung pakiramdam na para akong nagbe-babysit ng isang kasamahan. "Buhay niya 'yan, we give our concern to her, we did our part.” 

Alam kong mao-offend si Crystal sa mga sinasabi ko, but fuck! Let the reality slap her! Nandito kami, naglalaro kami ng putang inang killer game, At wala na si Evan! "Pero Raven--"

"Hindi naman kasi si Evan ang nag-iisang mamamatay sa larong 'to. Marami pang susunod, kung umpisa pa lang ay nagkaroon na siya ng emotional breakdown, paano pa sa mga susunod? Dahil nga hindi natin alam kung ang mga kasama natin ngayon ay killer o innocent. Sarili mo lang dapat ang pagkatiwalaan mo, sarili mo lang ang magbibigay lakas sa'yo, at walang lalaban para sa'yo kun'di sarili mo lang," Mahaba kong paliwanag ngunit sinadya kong iparinig kay Crystal.

I know I hit her ego, but that's not the case here. Ang gusto ko ay patuloy siyang lumaban without our help.

Muli kong tinitigan sina June kasama ang mga naging kaibigan niya. Ang kanyang mga kasama ay sina Terrence, Mario, Jenny, Kim, at Nick.  Ngayon kapag isa sa kanila ang susunod na maliligtas tonight, there's a huge possibility na isa nga ang doctor sa kanila at kung sisuwertehin baka nasa grupo din nila ang nurse. Isang gabi pa lang naman ang nagaganap so ayokong mag-jump in conclusion.

Napansin yata ni June na nakatingin ako sa kanya kaya naman mabilis itong ngumiti at kumaway sa aking direksyon. Hindi ko alam kung anong ire-react ko dahil sa loob-loob ko ay nag-panic ako. Alangan pa ako kung kakaway ako pabalik sa kanya pero sa huli ay ginawa ko pa rin.

“Boo!” Nabigla ako sa panggugulat ni Owen. “Your reaction was priceless!”
Hindi ko alam kung paano nagagawa ni Owen ang ganitong bagay, he hide his identity like a pro. Kung hindi ko lang alam na siya yung detective, hindi ko siya paghihinalaan. He's way too good than I expected.

Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon