Chapter 20: Night 6
Owen"Paniguradong masakit para kay Nick at June ang nangyari," sabi ni Caleb habang nasa kwarto ko sila nina Raven, Crystal, at Mario. Madalas nilang sabihin na maganda ang view sa kwarto ko kaya madalas silang nandito.
"Oo nga, nung nakaraang araw ay namatay si Terrence at sumunod si Kim at Jenny," Sagot ni Mario.
"This is not a game anymore, it's a battle for our lives." Nakangiti kong sagot sa kanila. Call me plastic or what, sa lugar na ito, pagalingan magsuot ng maskara.
"Alam naman namin 'yon pero syempre habang tumatagal ay mas nagiging close lahat ng players so may tendency talagang masaktan kapag nawala ang isang tao," Sabi ni Crystal. Bakit ka naman masasaktan? As long as you are surviving here, you should be grateful.
"Syempre dapat alam mo ang limitasyon mo pagdating pakikisalamuha, in the end ikaw lang rin naman ang masasaktan" Paliwanag ko sa kanila.
Biglang lumapit sa akin si Mario at itinuro niya ang aking ulo, "Alam mo Owen sagana ka nga sa talino," Lumipat ang kanyang hintuturo sa aking dibdib. "Pero kulang na kulang ka naman pagdating sa emosyon,"
Nabigla ako sa sinabi ni Mario. "Kailangan mo ring intindihin ang mga taong nakapaligid sa'yo." Pabiro niyang sabi pero nagkaroon ito ng impact sa akin. Why do I need to care for them? Tinutulungan ko na silang umalis dito, hindi pa ba sapat iyon?
Marami pa silang napagkwentuhan. Ngayong labing pito na lang kaming natitira sa laro at medyo madali na sa akin na mahanap ang dalawa pang killer. May kutob na rin ako kung sino ang doctor pero hindi sapat ang kutob lang, kailangan ko nang kasiguradihan.
Maraming tanong ang nasa isip kong gusto kong masagot.
Sino si Amanda? Paano kami napunta rito? Bakit walang ibang tao na naghahanap sa amin? Bakit naming nilalaro ang larong ito?
"Owen mauna na kami sa baba ah, malapit ng magsimula ang game," Naputol ang aking malalim na pag-iisip sa biglaang pagsasalita ni Crystal.
Sa pagkalabas nina Crystal, doon ko lang napansin na naiwan din si Raven sa kwarto ko, "Naapektuhan ka sa sinabi ni Mario 'no?"
Hindi ko siya pinansin, bagkus ay naglakad ako tungo sa kabinet upang kumuha ng damit na aking isusuot.
"Owen hindi talino ang bubuhay sa'yo sa larong ito," Pagpapatuloy niya.
"Lumabas ka na, pwede?" Seryoso at may halong otoridad kong bigkas. Sino ba siya para pakielamanan ang mga dapat kong i-akto sa harap ng iba?
***
Matapos kong maligo ay agad din naman akong bumaba. Ito yata ang unang beses na naging tahimik sila dito sa waiting area na ito. Pansin ko ring wala sina Tomy at Coby rito, siguro ay inilalayo ni Coby ang kaibigan niya kay June at Nick.
BINABASA MO ANG
Killer Game
HorrorOnce you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016