Chapter 24: Trial Phase 7

42.1K 1.6K 435
                                    

Chapter 24: Trial Phase 7Raven

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 24: Trial Phase 7
Raven

Tahimik lang akong kumakain sa may restaurant, I'm proud to say na naka-get over na ako sa pagkawala ni Caleb, I'm back in my usual shape.

"Guys may itatanong lang ako," Sigaw ni Tomy, akala ko nga ay dadamdamin niya ang pagkamatay ni Cedric pero hindi... He's totally fine, I think?

Lahat kami ay napalingon sa kanya at napatigil s pagkain ng almusal. "Itatanong ko lang sana kung bago kayo napunta sa lugar na ito ay natulog kayo then pagmulat ng mga mata niyo nandito na kayo sa parkeng ito,"

"Oo! Ganyan nga ang nangyari sa akin!" Halos pare-parehas lamang kami ng mga naging sagot namin kay Tomy.

"Okay, thanks for the answer." Umupo na muli si Tomy.

Napaisip ako sa sinabi ni Tomy, so yung nangyari sa akin no'ng unang araw ay nangyari rin sa iba kong kasamahan. Ain't it weird na magigising na lang kami sa lugar na ito and we didn’t have any idea how we get here.

Hindi naalis ang tingin ko kay Tomy na kasabay kumakain sina Stacy at Shane. "Ano ba 'yan Tomy... Do not talk eat your mouth is full," Biglang nagsalita si Shane at hindi ko naman naiwasang mapangiti.

"Shane magmula nga ngayong araw 'wag ka ng mag-english," Pagsita sa kanya ni Stacy.

"Bakit nagmumukha ba akong matalino?"

"Hindi, mas pinapatunayan mo lang na tanga ka. Kumain ka na lang.” Sabi ni Stacy.
Pakiramdam ko nga ay imbes na magtulungan kaming mahanap ang mga killers, lalo lang lumalayo ang loob namin sa isa't-isa sa bawat araw na lumilipas. Nagkakaroon na kasi nang alitan at galit sa pagitan ng ilang mga players. Tulad na lamang ni Nick at June, paniguradong galit sila sa amin.

Gusto ko mang i-comfort si Coby sa mga nangyayari, pero sino ba naman ako para pakialaman siya? Hindi naman kami masyadong close. Hindi naman ako isang dakilang tao na magpapakabayani na pakalmahin lahat ng kasamahan ko.
I suddenly looked on Owen. Ano ba ang mga pinaplano ng taong 'to?  Si Owen ang tao na napakahirap basahin. 

Matapos kong kumain ay nagpalipas na lamang ako ng oras sa hagdan patungo sa basement. Actually it isn't a good idea na magpagala-gala na mag-isa sa lugar na ito. Masyado kasing tahimik kapag mag-isa ako at maraming bagay ang pumapasok sa isip ko.

"Players please proceed to the trial court.”

Pumasok na ulit ako sa trial court. Pinagmasdan ko ang trial court, parang dati lang ay napupuno namin ang lahat ng silyang naririto. Ngayon, isang stand na lang na may picture ang nagre-represent sa mga namatay naming kasamahan. Labing isang tao na ang nawawala at labing lima na lamang kaming naririto.

Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon