Chapter 12: Trial Phase 3

45.1K 1.7K 649
                                    

Chapter 12: Trial Phase 3Owen

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 12: Trial Phase 3
Owen

Sa pagkawala ni Angel paniguradong karamihan sa amin ay nanlumo, pero anong karapatan nilang umarte? Eh kahit nga sila walang ginawa para protektahan si Angel. Magagaling lang makisimpatya pero hindi naman mga tumutulong para makaalis kami sa lugar na 'to. Hindi naman porke't kasing sinabi na may Detective at Police sa laro ay aasa na lamang sila rito.

We just lost someone who has an important role.

Bakit ba kasi sa dami naming mga players ay ako pa ang nabigyan ng ganitong kalaking responsibilidad? Pakiramdam ko kasi ay responsibilidad ko ang bawat buhay sa amin. Detective. Wow! It's a big word and I don't know kung deserved kong tawaging ganoon.

"Good morning Owen," Nabigla ako sa biglaang pagsulpot ni Crystal. “Nag-almusal kana?” Inabutan niya ako ng isang tasang kape. Crystal is an innocent dumb.

Her kindness is pure and parang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang mga nangyayari, she's trying to go with the flow but I'm sure nandoon pa rin ang mga tanong sa kanyang sarili na, 'Bakit ako nandito?'

"Salamat." Simpleng tugon ko sa kanya at tinanggap ang inaalok niyang kape.

Nagkaroon kami ng panandaliang katahimikan at dinama ang sinag nang papasikat na araw. "Alam mo naiinggit ako sa'yo Owen," sabi ni Crystal. Wait, may bagay ba na dapat ikainggit niya? We're just in the same situation and there's no reason to be jealous.

"Bakit naman?" Hindi ko pa rin inaalis ang mga ngiti sa aking labi.

“Kasi may nagagawa ka para makaalis tayo rito,” tumingin siya sa kapeng hawak niya. “Hindi ko rin alam kung bakit maraming nagagalit at naaasar sa’yo, pero sa tingin ko’y ginagawa mo ang lahat para mahanap ang mga killers.

Ito ang unang beses na may kumausap sa akin at pinuri ako sa mga bagay na aking nagawa. "Marami talagang hindi matutuwa, ginagawa ko kasi ito sa maling pamamaraan," Hindi ko inaalis ang mga ngiting nakapinta sa aking labi. This is the best camouflage... I think?

Naglakad kami tungo sa hotel dahil malapit na naman nga palang magsimula ang trial, siguro ngayon ay mas babawasan ko na ang biglaang pagsasalita sa court. Ramdam ko kasing marami na ang natatakot sa akin and if I don't stop accusing, baka ako na ang sunod nilang patayin.

Pagpasok namin ay sinalubong ako ni Caleb, bakas sa mukha niya ang lungkot... Hindi ko nga alam kung paano pagagaanin ang loob niya, Hindi ako sanay magkalong ng isang kaibigan.

"Kasalanan ko kung bakit nawala si Angel," Bumuntong ako ng hininga dahil kagabi niya pa sinasabi ang mga salitang iyan. "Kun'di ko siya iniwanan e'di sana nandito pa."

Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon