Chapter 27 "Trial Phase 8"

41.4K 1.6K 190
                                    

Chapter 27: Trial Phase 8Tomy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 27: Trial Phase 8
Tomy

Maaga akong nagising ngayon para muling pumunta ro'n sa main office. Kailangan ko masigurado ang mga nakita ko kahapon, kailangan ko ng pruweba na may kinalaman si Stacy at Shane sa mga nangyayari ngayon.

Halos papasikat pa lang ang araw nung dumiretso ako sa main office at muli ko itong binuksan.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay nanlaki ang aking mga mata. Halos naka-organize na ang lahat ng mga gamit dito. Hindi na ito katulad no'ng nadatnan ko ito na sobrang gulo at amoy mga lumang papel. 

Kinatikot ko ang bawat kahon nito. “Nasaan na yung folder?” Tanging mga blueprints na lang ng mga rides ang nandito at nawala na ang aking pakay.    

“Bwisit, naitago na ng killers ang hinahanap ko,” Malakas kong sinipa ang desk. “Kung itatago ng killer ‘yon ay paniguradong mahahanap ko ‘yon lalo na’t nasa iisang lugar lang kami.”

Lumabas ako ng main office at muli itong kinandado. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako tumungo sa restaurant. Tahimik lang akong naglalakad ng bigla akong sinabayan ni Jessie. "Good morning pare!" Pagbati niya sa akin at malakas na kinabog ang aking likod. 

“Aray!” Pag-inda ko sa sakit, parang nagising ang diwa ko sa ginawa ni Jessie.
Kahit ba sabihin niyo na isa si Jessie sa mga sumang-ayon na patayin si Coby. Kaibigan ko siya at alam kong natatakot lang siya para sa iba naming kasamahan.

Close si Jessie sa karamihan ng mga babae at siya ang nagtatanggol sa mga ito madalas, wala rin gustong mawala si Jessie dahil maganda naman ang personality nito. Hindi siya kasing bait tulad ng iba pero alam mong natural yung mga ipinapakita niyang akto sa'yo.

"Ano okay na kayo ni Stacy?" tanong niya sa akin.

"Why would I apologize to her? Siya nga 'tong dapat humingi ng sorry sa aming dalawa." Sabi ko sa kanya.

"Tomy, let it slip. Pagbigyan mo na lang yung kaibigan kong iyon. Pinapanindigan niya lang ang pagiging bitchy niya,” Natatawa niyang sabi sa akin. “Mauna na ‘ko, hinihintay ako nina Hannah at Chelsea.”

Pagkarating ko sa restaurant ay umupo ako sa tabi ni Phil. Sa tuwing sinusubukan kong kausapin ang lalaking ito ay siya mismo ang lumalayo o kaya naman ay hindi niya sasagutin ang aking tanong.

“Kumusta ka, Phil?” Tanong ko sa kanya.

“You should ask it to yourself, kumusta ka, Tomy?” pagbabalik niya ng tanong sa akin. I don’t expect na concerned din pala si Phil sa akin.

“Okay lang ako.” Hindi na ako naglakas ng loob na ipagpatuloy ang conversation naming dalawa.

Natapos magluto sina Shane at kumain na kami ng almusal. Hindi ko maitatanggi na masarap ang luto nilang dalawa ni Stacy, akala ko kasi puro pagbabarahan lang ang alam nila.

Killer GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon