Chapter 21: Trial Phase 6
Owen“Owen, kumain ka muna,” Sabi ni Chelsea. “Pare-parehas kayo ng mga kaibigan mo na nagkukulong sa kwarto,”
Hindi ko alam kung paano nakapasok si Chelsea sa kwarto ko, maybe, I forgot to locked my room. “Leave me alone.”
Sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang nangyari kay Caleb, hindi ko maiwasang isipin na ang wala kong kwentang tao. Pinipilit kong iligtas ang lahat ng tao rito sa park na 'to pero ang simpleng tao na itinuring akong kaibigan... Hindi ko nailigtas.
“Okay but I will leave the food here.” sabi ni Chelsea at naglakad palabas.
May pake sila sa’kin? Arte lang ‘yan! Baka nag-aalala lang sila na mawalan ako ng interes sa laro at mahirapan sila makaalis. Hindi ako tanga, alam kong ginagamit nila ang talino ko. Ang utak ko ang mahalaga para sa kanila, hindi ako.
Muli akong humiga. “Malalaman mo lang talaga ang halaga ng isang bagay kapag tuluyan na itong nawala.” Sabi ko at hindi ko inaasahan na may luhang dadaloy sa aking mata.
Tumatama sa aking mata ang sinag ng araw ngunit hindi ko iyon binigyan ng pansin. Malinaw pa sa aking isipan kung paano ko nakita ang walang buhay na si Caleb na puro tusok ng karayom.
“Umiiyak ka?” Mabilis kong pinahid ang luha ko, nakapasok na pala si Hannah sa kwarto ko.
“Anong ginagawa mo rito? Hindi kita binigyan ng permiso na pumasok sa silid ko.” Sabi ko.
“I’m sorry.”
Bumuntong hininga ako. “Hayaan ninyo muna akong mag-isa, okay?”
“Owen, hindi ka superhero. Hindi ka si Superman o Iron man, at hindi ka rin robot. May karapatan ka ring masaktan.” Sabi ni Hannah at tumakbo na ito palabas na parang nahihiya sa kanyang sinabi.
Pero sa totoo lamang, naapektuhan ako sa mga binitawan niyang salita. Pinagmasdan ko ang ginawang pagkain sa akin ni Chelsea, may nakasulat na words dito gamit ang ketchup. "Be Strong." Dalawang salita pero sa tingin ko ay kailangan na kailangan ko ito.
Kinain ko ang hinanda niyang pagkain at inayos ang aking sarili.
Madali lang naman para sa kanila sabihin ang mg bagay na iyon. Hindi naman kasi sila ang nawalan at higit sa lahat, hindi naman sila yung nagsisi ng lubusan.
“Sisiguraduhin kong ako ang makakahuli sa mga killers." May diin kong bigkas at ikinuyom ko ang aking mga palad.
Lumabas ako ng aking silid, babatiin sana ako ni Shane kaso mukhang napansin niya ang masamang timpla ng aking mukha kaya mas pinili niya na lamang manahimik. Wala ako sa mood ngayon na makipag-plastikan ng ngiti sa kanila.
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero dinala ako ng aking paa sa Ferris Wheel at sumakay ro'n. Ayokong makita nila ako sa miserableng sitwasyon, gusto ko kapag nasa harap nila ako ay ako yung matapang at matalinong si Owen... Ayokong ipakita sa kanila ang mahinang side ko.
BINABASA MO ANG
Killer Game
HorrorOnce you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016