Okay Lang Ako

8.4K 137 29
                                    

The ex is back. Yung true love niya, pero eto ako nagpakatanga. Akala ko yung pagiging rebound ko may magandang outcome, yung tipong makakalimutan na niya yung ex niya. Isang 'Hi' lang pala makakapagpabago sa pinagsamahan namin.


Nagrehearse na kami para sa aming Graduation, last day na finally at tapos na din yung general rehearsal. Asan na kaya si Wes? Sabay kami dapat umuwi ngayon ahh. Hinanap ko muna yung mga katropa niya, iba kasi yung exit ng boys at girls at malamang kasama niya yung boys pa alis ng stage diba? Haha

"Chase! Asan si Wesley?" Nung narinig ng mga kaibigan ni Wes yung boses ko, para silang namuti at nakakita ng multo. Anyare dito? Haha.

"Uy, Natalieeeee. S-Si W-Wes?" Sumingit si Daniel, na para bang may pinandidilatan sa likod ko at yung iba pang mga boys na sumesenyas ng kamay nila para pakita na nandito ako. Umikot naman ako para makita ko yun

"Si Wes-sdsfghjkl" Langya? Bat cinoveran nila yung mukha ko? Nakakainis na ahh. Pero dahil alam nila na sadista nga ako, pinalo palo ko sila at hinampas hanggang mawala na yung cover sakin nung mga kamay nilang pasmado. Hahaha.

Ano ba naman to, ayaw magsalita oh... Sino kaya pwedeng mainterrogate sa magttropang ito? AH LAM KO NAAAA. SI TREVOR!!! Alam kong di niya ko matitiis kayaaa pacute mode on muna.

"Trevvvvv! Asan si Wesley? ;)" Ayan na naggsstutter na siyaaa. Feel ko na yung threat nung mga kaibigan niya pero wala na akong pakialam. Asan na ba si Wesley kasiiiii.

"Nandun oh!" sabay turo niya sa parang palabas na ng gate ng school. Alam ko namang pipigilan na ako ng mga kaibigan niya pero tumakbo na lang ako kahit hindi pako medyo sure sa direksyon niya.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa maaninag ko na nga si Wesley. Ayun na siyaaaa! Hahaha nag open arms nako para Back Hug ang peg habang natakbo.

Kaso bigla akong natigilan.

Si ate Gab. Yung ex-girlfriend ni Wesley na mas matanda sa kanya ng isang year. Bat sila magkaakbayan?
Wooh! Wala to. Binilisan ko na lang yung takbo hanggang mapansin na din nila akong dalawa.

"Hi ate Gab! Pwede ko po bang hiramin muna si Wes?" Mabait pa din naman ako kay ate Gab eh. Ang sad nga lang kasi baka isipin niya inagaw ko na si Wes sa kanya pero realtalk akin na kasi si Wes ngayon at masaya na kami.

"Ah oo, sige ba- Wes hintayin kita dito" Sabay ngiti kay Wes.

"Pero hindi naman po sa nangingialam ate Gab perooo kami po sabay umuwi eh" Nginitian ko si ate Gab pero si Wesley naman hinatak na ako papunta sa mini park ng school at tila bang sinenyasan si ate Gab na 'Babalik ako tatapusin ko lang to :)'

Hindi ko alam ano irereact ko dun pero ngayon alam ko na nanggigilid na yung luha ko.

Nakadating na din kami sa park at umupo kami sa grass. Kinuha niya yung panyo niya para mapunas yung mga luha ko sana pero pinigilan ko siya.

"Wesley, mahal mo pa ba si ate Gab?" Nagulat siya sa tanong ko, iiling na dapat siya pero nginitian ko siya para naman mahint niya na gusto ko magsabi siya ng totoo. Tumango na siya. Dun ko na narandaman yung patuloy na pagbagsak ng mga luha pero pinunasan ko na lang to, at nginitian ko siya.

"Eto ba yung dahilan, kaya for the past week halos hindi ka na nagpaparandam sakin?" Tumango ulit siya.

"If that so, I'm letting you go" Nginitian ko siya at tumayo na ako habang pinapagpag yung palda ko. Maglalakad na sana ako paalis hanggang sa hilahin niya ako at yakapin niya ko.

"Maraming salamat, thank you very much wifey" Wifey. Huling beses niya na akong tatawagin ng ganyan. Ngayon, damang dama ko pa din yung mahigpit na yakap niya sakin pero gumalaw na ako para ma indicate na tama na yung hug.

Kumalas na din siya sa yakap. Nakita ko yung bakas ng ngiti niya. Yung ngiti na dati ako yung dahilan.

"Hubby, this is the last time I will call you that hahaha. Gusto ko lang sabihin na alagaan mo si ate Gab ah! Kundi lagot ka sakin sige ka! Hahahaha" Syempre nag fake smile na ko dun. Gusto ko lang naman na ireassure siya na okay lang ako (kasinungalingan)

Tumingin ako sa likod, uy si ate Gab pala sinundan kami. Ngayon, nakatitig lang kami sa isa't isa pero nagssignal na ako na puntahan niya na si ate Gab. Nagets naman ni Wesley yung signal ko and we bid our goodbyes. Tumakbo na si Wesley papunta kay ate Gab at umalis na silang intertwined ang hands. I'm about to say what a jerk but the problem is... Si Wesley na ata yung true love ni ate Gab. Totoo nga yung saying na "You might be my forever but I may not be your happily ever after".

May strike of hope pa din sakin na nagsasabi para lumingon sakin si Wesley. Pero pag dating nila sa covered court, biglang sumalubong yung malakas na ulan. Eto na yung sign. I need to get rid of my hopes.

Pero Troy Wesley M. Lopez, sana tinanong mo naman kung Okay Lang Ako.

Short Sad StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon