Chapter 1

74 1 0
                                    

CRIXLE POV

"You Bitch" isang malutong na sampal agad ang natanggap ko nung nasa Gate pa lang ako ng University

"Gosh! Ayos ka lang Crixle?" Nag-aalalang tanong ni Dianne

Madaming tao ngayon ang nakatingin sakin.Wala akong pakielam,dinura ko ang dugo at hinawakan ang pumutok kong labi.

Sa 19 Years na pamumuhay ko sa mundong ito sanay na ako sa nangyayari.Parang Cycle na paulit-ulit ang nangyayari sakin araw-araw

"Anong problema mo?" Tanong ko sa babaeng sumampal sakin ng napakalakas,tinabig ko rin ang kamay ni Dianne na gusto akong hawakan

"Slut! You steal my Boyfriend" napangisi ako sa sinabi niya

I never stole her Boyfriend.In fact hindi ko nga kilala ang sinasabi niyang Boyfriend

"Tss.Get out of my way" walang gana kong sabi sakanya.Hinawi ko siya at tinalikudan at naglakad

"Ganyan ba ang tinuro sayo ng Nanay mo? Ha bastos kang Slut ka!" Bulyaw pa niya,napaharap ako sakanya at nilapitan siya

Hinawakan ako sa pulso ni Dianne and she said "Don't" pag pinatulan ko ang babae na to madadagdagan na naman ang offenses ko sa University na to! But the hell i care! Wala akong pakielam

"Kilala mo ba talaga ko?" Tanong ko sakanya ng nakangisi

Akmang sasampalin niya sana ako ng hawakan ko ang kamay niya at pinilipit nag-iiyak siya sa sakit at malamang pilay na sana siya kung hindi lang ako inawat ni Dianne at sinabing naghahantay sa hide out si Creena

______________

"Anong ginagawa mo ditong Bata ka?" Inis na sabi ko kay Creena,pag nalaman ni Ate Crazzle na andito to patay tong bata na to

High School pa lang si Creena at siya ang bunso sa aming lima

Si Kuya Craxe ang panganay,pangalawa si Ate Crazzle na sinundan ni Kuya Craxzen at ako tas si Creena

Baliw ang bunso naming si Creena,not literally.Ang ibig kong sabihin kung anong gusto niya ginagawa niya kaya madalas siyang mahagisan ng Kutsilyo ni Ate Crazzle dahil padalos-dalos siya at di ginagamit ang isip

Tinutukan niya ako ng baril na hawak niya at sinipa ko lang iyon

"Mahina ka pa" pang-iinis ko sakanya

"Gaahh! Matatalo din kita!" Inis niyang bulyaw

"Wag ka ng paligoy-ligoy Bata! Sabihin mo na ang kailangan mo sakin bago pa kita masipa palabas ng kwartong ito" dinampot ko ang baril na tinutok niya sakin kanina at nilagay sa Upuan

Gaya ng Sabi ko hindi Normal ang pamilya ko.Normal na saming magkakapatid ang magtututukan ng Baril at sa aming lima si Creena ang pinakamahina.Hindi dahil siya ang bunso kundi dahil she can't pull the trigger of a Gun hanggang tutok lang siya or she can pero hindi pa lang namin nakikita? Ewan ko. Mahina kasi ang loob ng kapatid kong ito.

"Magsasanay daw! Kalaban mo si Kuya Craxe"Bulyaw niya sakin,wala talaga siyang modo

"Makakalabas ka na Bata! Pupunta ako dun wag kang mag-alala" sinipa ko siya palabas ng Hide Out

Humiga ako at kinuha ang pocket knife na nasa bulsa ko saka ito nilaro-laro

Nasaksak ko na to sa tagiliran ni Ate Crazzle.Nadaplisan na nito ang tuhod ni Kuya Craxe at nasugatan na nito ang gilid ng mukha ni Kuya Craxzen na nag-iwan ng peklat sakanya.Nilagyan ko na rin ng ekis ang braso ni Creena gamit ang maliit na Kutsilyong ito

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon