Chapter 29

21 0 0
                                    

CRIXLE POV

"Puyat na puyat?" panunuya samin ni Ate Crazzle,maging si Creena kasi ay humihikab pa

"Hinantay namin si Ate Crixle na dumating kagabi hanggang sa makatulog na ako sa Sofa at di na namalayan ang oras,pagkagising ko ay wala na si Adam sa tabi ko at nakapatay na din ang ilaw" Creena explained at saka dumukdok sa lamesa na agad binawal ni Ate dahil masama daw iyon kaya napahikab na lang si Creena at pilit nilalabanan ang antok.

Naglapag ng dalawang baso ng kape si Ate Crazzle,it's 6AM in the morning and i have a meeting by 8AM. Napuyat ako kagabi sa Party pero hindi ko dapat ipagpaliban ang mga nakatakdang trabaho ngayong araw,matutulog na lang ako sa Opisina kung may libreng oras ako mamaya.

"How's the party?" Ate Crazzle asked while chewing the bread on her mouth. "It was fine" tugon ko.

"Nothing special,happened?" pangungulit niya,why do i sense na parang may sinabi ang bodyguards ko sakanya? Pero baka guni-guni ko lang,malakas lang siguro talaga maka-kutob tong si Ate.

"If you're teasing me right now,sorry to disappoint you but your assumptions was wrong" sabi ko at hinigop na ang Kape.

Wala si Kuya Craxzen ngayon,normal lang naman iyon dahil hindi naman talaga namin siya kasama sa bahay. Some days dito siya natutulog,pero most of the days ay bumibisita lang at sumasabay sa amin sa hapag-kainan. Minsan lang namin matawagan si Dad at Kuya Craxe sa Mansyon dahil na din sa liblib iyon at takot din ang mga kapatid ko na trina-track ng iba pang sangkot na grupo ang mga kilos at pakikipag-transakyon namin maski sa telepono. I understand them,it was hard to trust people nowadays.

"What's my next appointment?" i asked my Secretary after attending the meeting,pigil na pigil ko ang paghikab kanina pa.

"Wala na po Mrs. Galvez,lunch with Mr. Galvez na lang po" she said,i look at her like she said something ridiculous kaya agad siyang tumawa na may kahalong nyerbyos  "he schedule this Ma'am" she said to me,tumango na lang ako at bahagyang ngumiti para mawala ang takot at pag-aalinlangan na nakaguhit sa mata niya. Bahagya siyang yumuko sa akin at bumalik na sa table niya sa labas ng office namin ni Wade.

I stretched my body at muling humikab. Lumapit ako sa Sofa,siguro'y bago pa maglunch ang balik ni Wade dito sa Opisina. Hindi na nasanay ang katawan ko sa kaunting tulog na nakukuha ko this past few days,humiga ako sa Sofa at napagdesisyunan na umidlip muna dahil sa pagod.

After an hour of taking a nap naramdaman ko ang isang hininga sa gawi ng aking pisngi. Napadilat ako at nagulat ng makita kung gaano kalapit ang agwat ng mukha namin ni Wade,hindi pa agad nag-process sa utak ko iyon kaya lumipas pa ang isang minuto bago ko siya tinulak,napasalampak siya sa sahig.

"Goodmorning sleeping beauty" he teased ng makabawi and he flashed his sweet smile at me. Umayos ako at umupo na lamang sa Sofa at agad niya naman akong tinabihan. "Hungry?" he asked still smiling,tumango na lang ako kahit di naman talaga ako gutom just so the awkwardness will be gone.

The week passed by and every days of it Wade was becoming more sweet. He always give me flowers and buy me foods,he always ask how's my day and he always wanna talk to me about some random things.

"Sakanya na naman galing?" isang gabi na umuwi ako ng pagod sa dami ng trabaho sa Opisina. Nilapag ko ang boquet na bulaklak sa araw na ito na galing kay Wade na agad na nakita ni Ate.

Nakita niya ang pag-amba ko na muling pagsisinungaling ukol duon kaya nagsalita na siya agad "Oh don't lie to me Crixle,it was written on your face"

"Nagkakamabutihan na ba kayo ulet?" tumabai sa akin si Creena at tinanong iyon. Inirapan ako ni Ate habang hawak niya ang tasa niya na may kape at tinuro ang Balcony sa akin at  nagtungo duon.

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon