Chapter 16

7 0 0
                                    

Crixle POV

"Ate Kris!" sigaw ni Creena na nakapagpatanggal sakin sa pagmumuni-muni.

No one knows where the Medina family is. Apat na taon na ang nakalipas at ang alam ng lahat nung sumabog ang Mansyon namin,kasama na kaming magkakapatid at ang Ama sa pagsabog.

Nagpakalayo-layo kami,ako si Creena at si Ate Crazzle. Hindi ko alam anong nangyari kay Ate pero hindi na siya masyadong nagsasalita at madalas na tulala,hindi kami makakonsulta sa espesyalista dahil hindi sapat ang pera na kinikita ko,pagraduate pa ng Kolehiyo si Creena sa taon na ito. Wala na kaming narinig kay Craxzen. Basta ang huling balita,namatay na daw kaming mga Medina. Hindi ko alam kung sumabog ba ang Mansyon na nanduon si Kuya Craxe at Dad sa loob,kahit magluksa kami ni Creena wala na iyon magagawa.

Liblib ang lugar na ito at halos malayo sa kabihasnan,dagat ang tanging pinagkukuhanan ng kabuhayan. Apat na taon na mula sa trahedya na nakapagpabago ng Mundo namin,hindi kami kilala rito at iba na ang ginagamit na pangalan maging ang apelyido. Ang apelyido ng aming yumaong Ina ang ginagamit namin,pera ang laman ng bag na inaabot sa akin ni Craxzen nuong araw na yun.

Kumuha ako ng isang hindi kalakihang bahay sa lugar na ito para aming matutuluyan. Nuong araw din na iyon ng galing kaming Hospital ni Creena,napag-alaman ko na buntis ako sa anak namin ni Wade.

Lumapit si Creena sa akin dala-dala ang mag-aapat na taon ng anak ko. Niña ang itinatawag kay Creena ng mga tao dito.

"Mama!" pagtawag ng mukhang kakagising lang na anak. He's a spitting copy of his Father,kaya nakakaya ko pa ang lahat dahil asa tabi ko naman si Adam.

Kinuha ko ang anak at naglakad na kami pabalik sa bahay. Tulala na nakaupo si Ate sa harap ng bahay,ng nakita kami ay ngumiti naman siya kahit papaano. Hindi ko alam kung napano siya,maayos naman siya ngunit hindi na pala-salita,halos ayaw na din makihalubilo ngunit nakakagawa naman ng gawaing bahay at nakakapag-alaga kay Adam ngunit madalas ay tulala lang siya at tahimik.

"Niña may kailangan ka ba para sa eskwela?" tawag ko kay Creena. Day off ko ngayon at tuwing ganito ay mas gusto kong pinagmamasdan ang aking anak.

Cashier ako sa Grocery sa palengke pag-gabi hanggang sa magsara. Sa umaga naman ay waitress sa karinderya,hindi sapat ang isang trabaho lang sa gastos sa bahay. Ayawko naman obligahin ang Ate na magtrabaho dahil mukhang traumatized siya sa mga tao,hindi siya lumalabas pag may mga bisitang kapit bahay at tila ayaw niyang makita ang mga ito.

"Wala Ate ayos lang. Malapit na ako makatapos,ako na tutulong sayo rito" nakangiting sambit ni Creena. Medyo kumirot ang puso ko para sa kapatid,hindi ko man lang nagawang pag-aralin siya sa isang kilalang Unibersidad dahil bukod sa kapos sa pera ay natatakot din akong may makakita oh makakilala sakanya at mapahamak siya. Ni hindi nakuha ng kapatid ko ang kursong nais niya,alam kong mahilig si Creena sa Arts at balak mag-Architecture ngunit napilitan na lamang kumuha ng kursong Teacher dahil kakaunti lang ang ino-offer na kurso sa Kolehiyo na pinapasukan niya.

"I'm sorry" medyo pumiyok ang boses ko. Napalingon si Ate at si Creena sa akin,alam nila para saan ang pagpapaumanhin na aking sinambit.

"it wasn't your fault Crixle. I was thankful for you" lumapit si Ate at hinawakan ang kamay ko saka ako nginitian.

Mabuti na ang pagsasama namin. Hindi na kami nag-aaway at nagbabatuhan ng kutsilyo,sa nakalipas na apat na taon ay naging sandalan namin ang isa't-isa. Bumalikwas ang buhay namin,umikot ng 360 degrees. Hirap man ngunit kinakaya ko pa din.

Naghain na ako ng pananghalian sa hapag para makakain na kami at ako ay tutulak pa patungo sa pamilihan. Pagkatapos kumain ay si Creena na ang nagprisinta na maghugas ng mga pinggan,habang nilalaro ko naman ang anak.

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon