Chapter 12

11 0 0
                                    

CRIXLE POV

Araw ng kasal. Alas singko ng madaling araw. Nakasilip lang ako sa bintana at sinusulyapan ang mga tao na abala sa labas ng bahay namin. Mga nag-aayos ng kung ano-ano para sa magaganap na kasal ko/namin sa ilang oras na lang na natitira o nalalabi

Makikita mo ang pagka-abala ng lahat. Kitang-kita ko silang mga nag-aayos sa Garden ng Mansyon ng Tatay ko =__= Hindi ako masaya. Hindi ko nararamdaman yung excitement na nararamdaman ng isang Bride,ilang linggo na ba akong nakakulong dito sa kwarto na to? Kahapon ay talagang di ako lumabas ng kwarto ko sa sobrang sama ng loob ko. Ayawko magpakasal,yun yung totoo. Ayawko sa Fix marriage,ayawko! Walang oras at araw ni minuto o segundo na naisip ko kung sino ang siraulong nag-imbento ng Fix Marriage! Ilang milyong beses ko ng pinatay sa isipan ko kung sino mang tao ang maluwag ang turnilyo na nakaisip ng Ganitong klaseng kasal =_= hindi nga pala to kasal,sakal to! Sakal to sa mga katulad namin na naiipit sa ganitong klase ng pagpapakasal. Nakakatawa na dati tinatawanan ko lang ang mga ka-gang ko na nilalakad at finifix marraige ng kanilang mga bigating Ama pero ngayon ito ako at ikakasal na dahil sa Fix marriage na yan! Punyeta talaga,para kong mababaliw sa inis at pagkabwiset!

Naramdaman ko na naman ang pakiramdam ng hindi isang normal na babae,tao at bride. Kung Normal lang akong bride ay dapat nagtititili na ako sa excitement dahil ilang sandali na lang ay matatali na ako sa lalaking mahal ko,sa lalaking gusto kong makasama habang buhay,sa lalaking kasama kong bubuo ng isang masaya at normal na pamilya at sa nag-iisang lalaki na pagsisilbihan at mamahalin ko hanggang sa huling hininga ko--pero dahil hindi ako normal,walang kilig! Walang tili! Walang ni katiting na excitement! Wala ni katiting na tuwa. Pero sino nga bang matutuwa na pinagkanulo ka ng sarili mong Ama sa isang tao na kakakilala mo lang? Sa isang lalaki na gusto niyang pakasalan mo na kahit wala ka namang nararamdaman na kahit na ano dun sa tao! Lalo kong nararamdaman ang pagiging abnormal ko =__= Ang totoo nagsasawa na ako sa pakiramdam na to,yung feeling ko kakaiba ako at hindi ako normal at di bagay sa mundong ginagalawan ko. Naiinis na ako bakit ba lagi kong dapat maramdaman ang nakakairitang pakiramdam na to?

May kumatok sa pinto ng aking kwarto habang nag-iisip ako ng malalim at nakasilip sa may bintana sa kwarto ko. Lumapit ako ng dahan-dahan sa pinto at walang gana itong binuksan,bumungad agad ang malaking ngisi ni Kuya Craxzen pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng aking kwarto.

Inirapan ko siya at nilakihan ang espasyo sa pinto para makapasok siya ng tuluyan sa aking kwarto. Natanaw ko na may Bodyguards pa rin sa pinto bago pumasok ng tuluyan si Kuya Craxzen sa kwarto ko

"Nag-aalala si Wade. Kanina ka pa daw niya tinatawagan pero di mo daw sinasagot yung tawag niya. Ang OA talaga nun,ala namang mangyayaring masama sayo lalo na at nandito ka sa bahay eh" wika ni Kuya Craxzen na nakatitig sakin at hindi maalis-alis ang nang-iinis nitong ngisi na nakakaines naman talaga -___-

"Don't start with me Craxzen. Wala ako sa mood" walang gana kong sabi sakanya at umirap sa ere.

"Crixle i know wala ka lang choice kaya ka naiipit dito but please just do this. Kung hindi talaga mag-work may Annulment naman di ba? Just try this one,isipin mo na lang para kay Mommy tong ginagawa mo. Besides,Wade is a good Guy! I know him,he won't hurt you. Maybe mukha siyang walang paki kasi yun yung ekspresyon ng mukha niya,yung parang sayo HAHA" tumawa siya ng malakas habang tinuturo ang mukha ko na parang sinasabi niya na 'ganyan na ganyan yung laging pinapakitang mukha ni Wade. Bagay na bagay talaga kayo' kaya umirap ako bago niya ipinagpatuloy ang speech niya" but really Crixle,he got everything. Siya yung tipo ng lalaki na parang katulad ko haha matalino,gwapo,mabait,gentleman,sweet,mayaman at hot" nakangising wika niya sakin na talagang sinabay niya pa ang sarili niya sa ginawang pagpapapuri kay Wade. He's really insane

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon