Chapter 2

33 0 0
                                    

CRIXLE POV

"Aaaahhh" sigaw ko!

Napakasakit ng ulo ko.Napadami ata ang inom ko ng alak kagabi but who cares nasa legal age naman na ako

"Buti naman nagising ka pa! Inumin mo daw to saka kainin mo yan! Mag half day ka na lang daw kalasenggera mo kasi!" Angil sakin ni Creena na hindi man lang kumatok,wala talaga siyang Manners

Tinignan ko lang ang tray na dala niya at parang nabasa niya ang nasa isip ko

"Kung iniisip mo na may lason yan.Walang lason yan,ano hahayaan na lang kitang mamatay ng ganun-ganun lang? Syempre gusto ko yung sobra kang mahihirapan kung papatayin kita!" Sabi niya

Hindi ko napigilan ang paghagis sakanya ng Pocket Knife na nasa ilalim ng unan ko.

"Sh*t" she cuss at nginisihan ko lang siya

Mababaw lang yun dahil daplis lang pero medyo malaki ang sugat at sa may gawing Braso lang naman siya natamaan kaya magsusuot lang siya ng Long slevees matatakpan na yun.

"Lumabas ka na sa Kwarto ko bago tuluyang magdilim ang paningin ko sayo at baka hindi lang yan ang gawin ko sayo" sabi ko,nakahiga pa rin ako sa Kama ko at nakahawak sa Sentido ko

Nang umalis si Creena at isinara niya ang pinto ng Kwarto ko ay napaupo ako sa kama ko.May dugo ang parteng ibaba ng kama ko,kitang-kita dahil kulay puti ang bed sheet ko.Hay papalabhan ko na lang kay Manang,buset talaga yung Creena na yun! Tinuluan pa ng nakakadiri niyang dugo ang higaan ko

Kinain ko lang ang lugaw na nasa tray na inabot ni Creena at naligo saka ako pumunta ng Condo ko.

Pagpasok ko ay humilata ako sa kwarto ko at nang tamarin ay pumunta ko sa Sala

Umupo ako sa Sofa at binuksan ang TV ng biglang mag-ring ang Cellphone ko.Tumatawag si Ate Crazzle

"Anong kailangan mo?" Tanong ko kaagad pagkasagot ko ng tawag niya

"Crixle! Sira*lo ka talagang bata ka! Ano yung sinasabi ni Kuya Craxe na kadami mo daw tinadyakan kagabi sa Party at naglasing ka pang Sira*lo ka asan---" ang ingay niya kaya pinatay ko na ang tawag

Gaya ng sabi ko ayawkong may nangingialam sa gusto ko.Ayawko ng dinidiktahan ako sa kung anong gagawin ko

Tumayo na ako at naligo ulit.Papasok na ako,nag half day lang ako ngayon kaya madami na naman akong namissed na Lessons

"Si Crixle"

"Oo nga.Astig"

"Yup!Sinabi mo pa"

"Bitch naman yan eh"

Ano pa bang bago? Bulungan dito bulungan dun.Tinignan ko ang mga babaeng nag-uusap tungkol sakin

"Shut up! Or else i will cut your tounges out of your dirty Mouths!"bulyaw ko sakanila.Naglayasan naman sila

Mga Bwiset talaga.Naglakad na ako papunta sa Classroom at nung nasa tapat na ako ng pinto ay nakasarado na kaya sinipa ko yun.

Bastos na kung bastos,gaya ng lagi kong sinasabi,i don't care! I don't give a damn on it!

"Ms. Medina! Gosh! You really don't have a manners!" Bulyaw ng Prof ko

Lahat ng kaklase ko ay napatingin sakin including the Guy na katabi ng Prof namin.Sinamaan ko lang ng tingin ang mga kaklase ko at mga nag-iwasan na sila ng Tingin! Psh mga Duwag! -_-

Hindi ko rin pinansin ang Prof namin at umupo lang ako sa upuan ko sa likod kaso may nakaupong lalaki.Tinignan ko lang siya at nanginginig na siyang tumayo at umalis sa upuan ko.Mukhang bago ang isang yun kaya hindi niya alam na upuan ko iyon,Nerd looking pa siya and honestly hindi sa panglalait ah? Okay fine,nilalait ko na siya,mukhang siyang Ewan -__-

Match made in HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon