Chapter 11: Alphabet Deaths part one

137 9 2
                                    

Jenny's POV

"Kailan ba 'yung Musical chuchu ni Sir " tanong ni Katey kay Max habang kumakain kami ng dinner.

"Ewan ko, baka next next week pa yata, ang alam ko lang nakabili na si Sir A ng tickets natin."

"May feeling ako diyan eh." Sabi naman ni Owen, "baka may case kaya ipapapunta tayo don ni Sir. Tsk."

"Maybe." Sagot naman ni Katey.

Wala ng nagsalita pa, natapos na din kami sa pagkain namin at nagligpitan na at sabay sabay kaming umakyat sa kwarto. Nakatulog na ang lahat at ako, nakadilat pa din. Malapit na ang pasko, makakauwi na din ako sa wakas.

Naipikit ko na ang mata ko ng  biglang tumonog ang Red Alarm. Nagising kaming apat at napa bangon bigla, at nagsibihisan. Hindi 'ko alam pero may strange feeling ako ngayong gabi. May case kaya agad?

"Let's go guys." Sabi ni ella

Bumaba kami at nakita sila Max na pababa na din.

"Anong nangyayare?" Tanong ni Ella pagpasok sa Green Section.

"May naganap nanaman na crime sa school po ng Hamateya High. Hinack po namin yung mga CCTV's pero wala namang nakitang pumasok, o tao don sa loob kundi yung Victim lang."

"Nakita niyo ba ang pagpatay sa biktima?"tanong ni Owen.

"No. Nakita lang namin na bigla nalang siyang humiga at namatay na ng tuluyan."

Napaisip kami, posible bang hindi mismo doon 'yung crime scene, at may nangyare na dati pa?

"Pumunta na tayo." Biglang sulpot ni Sir A.

~

Habang nakasakay kami sa van ay may para bang hinahanap si Tony sa Map. Hindi 'ko alam, pero parang natataranta siya.

"May problema ba?" Tanong 'ko,

"Nakakapagtaka lang kasi, kung mamatay lang siya bigla bigla 'diba?" Tumango ako bilang sagot 'ko. Bigla namang huminto ang sasakyan, were here.

"Ingat guys haa, walang lalayo. Magpapaalam kung sana pupunta. Baka nandito pa ang suspect." Utos ni Sir A.

DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon