Chapter 7: Museum

173 8 3
                                    

Katey's POV

Nakatulog na silang lahat, and I'm still awake, tsk paano ba makatulog? Di talaga ako maka getover sa case. Ang case kasing nakukuha namin suicide ang end. Well, totoo naman talaga na suicide lahat.

"*snorts*" napatingin ako kay Tony na mahibing ang tulog, first time nilang maka kuha ng ganitong case, and guess what.. nakumpleto nila. Tony is really observant lahat nakikita niya, as well kay Jenny, mabilis siyang makaisip.. That's good.

Tumayo ako at pumunta sa kusina, nakakapagod naman pero di ako makatulog. Nagtimpla ako ng gatas, nang may kumatok sa bintana. Sht.

"S-Sino yan..." alam kong detective ako, pero takot ako sa ganitong bagay. Jusko, di naman ako nabalitaan na may multo dito...

Tinitigan ko lang ang bintana, nang may sumilip kaya natumba ako dahil sa gulat. Aray!

Tiningnan ko ulit at unti unti niyang inopen ang bintana, nahihilo ako, nanlabo ang mata ko. Pipikit na sana ako ng hinila niya ako patayo.

"Huy gumising ka nga dyan, di yan magandang biro ha." Dinilat ko ang mata ko.

"Ivan.."

"Hi."

Imbes na mahilo ako lalo, lalo akong nandilat at pinagsasapak siya, akala ko suspect to, aswang o multo, isang pesteng daga lang pala! At IVAN ang pangalan niya.

"A-aray! Teka, shhh!" Tinigilan ko siya sa pagsasapak, oo nga baka magising, ano pa isipin nila. Tumayo na ako at uminom ng gatas. Nakangiti siya sakin habang tinitingnan ako, tinaasan ko siya ng kilay.

"It's 12am in the morning. Di ka makatulog?"

"Oo. Ikaw din?"

"Mm. Kaya ka ba gumagapang sa building?" Inirapan ko siya at uminom, tumawa lang siya ng mahina.

"Well, i'm watching over you.." binulungan niya ako kaya natakot ako, pucha para siyang multo, di ko kaya!

"Hahahaha. Joke only." Dagdag niya, hinampas ko siya at hinugasan ang baso ko. "Tara?"

"Tara?"

"Baba tayo."

"Saan naman tayo pupunta? Ang alam ko, may nagchecheck sa labas. Mahuli pa tayo."

"Darkforest?"

"Hala! Delikado yan, diba---"

"Dami mong daldal. Lets go." Wala na akong nagawa dahil hinatak niya na ako kaagad, at wlaa akong nagawa at napatalon ako sa isang building pababa.

-----

"Ivan, malamig.." niyakap ko ang sarili ko, sobra ang hangin lalo na kapag gabi.

"Come.." hinila niya ako at niyakap, woo lamig talaga..

"S..saan ba...t..tayo...pupunta?" Nilalamig kong tanong, eto namang lalakeng to, hindi ako pinapansin, patuloy lang siya sa paglakad, yumuko nalang ako dahil lalamigin lang ata ako.

Mayat maya, nawala na ang lamig, umokay na ang atmosphere, inangat ko ang ulo ko at nakita si Ivan na nakangiti sakin, ano to...

"Nasaan... woah." Napa nganga ako dahil sa nakikita ko, punong puno ng stars dito, binitawan niya na ako at nilead pahiga dito sa ground, humiga na rin ako at pinagmasdan ang mga bituin.

"Ganda ba?"

"Sobra.."

"Dito ako madalas tumambay tuwing gabi."

DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon