Chapter 13: Alphabet Deaths part three

141 5 1
                                    

JENNY

Lahat na kami ay naka uwi sa aming mga kwarto. Ni isa wala akong naririnig na ingay o ano pa. Tulog na at pagod na pagod ang mga sections sa nangyare sa school na yun. Pero di pa rin nanahimik ang utak ko, nakadilat pa din ako at parang may nagtutulak sakin na pumunta sa madilim na silid na iyon. Tumayo ako at kinuha ko ang maliit na back pack ko, kumuha akl ng dalawang flashlight at napaka raming baterya. Kinuha ko din ang cellphone ko buti naman at nacharge ko to. Kumuha din ako ng solving kit at nilagay sa back pack ko.

Lumabas na ko ng dahan dahan ng parang walang makakarinig sakin. Kinakabahan ako dahil mag isa ako. Pero kaya ko 'to, masiyado na 'kong pabigat sa grupong 'to. Gusto ko makatulong. Para sayo to papa.

"At saan ka pupunta?" nahulog ang puso ko sa sobrang kaba at muntik ko ng masuntok ang taong nasa likod ko.

"Bwiset ka! At sino ka naman para mang gulat?!"

"Ako si Max, so anong ginagawa mo sa oras na ito?"

'Napaka pilosopo.' sabi ko sa isip ko. "Pupunta ako sa paaral na yun. Gusto ko ng makita kung anong meron sa mga rooms na yun." sabi ko sakaniya.

"Aba, akala mo kaya mo? Tatawagin—"

"Wag! Wala kang tatawagin! Kaya ko 'to. Kayang kaya ko 'to. Sige, matulog ka na. Wala kang pagsasabihan neto."

"No Jenny. Gusto kong sumama sayo."

"Max—"

"Jenny, di ka bato para mag matigas. Yung junior ko lang may karapatan maging matigas. Shut up ka nalang."

Napa kamot nalang ako sa ulo ko sa sinabi niya. Wtf is he saying? Naka drugs ata 'to. Hinayaan ko siya at dahan dahan kaming bumaba. Napaka tahimik ng school na to. At kitang kita mo sa ulap ang kagandahan ng mga bituin. Ngumiti ako habang pinapanuod sila. Nagulat ako ng sinira ni Max ang moment ko at hilang hila niya pa 'ko. Sumakay kami ng tricycle at bumaba sa school na yun. Pinahiram ko siya ng flashlight at pumasok kami sa loob.

"Puta. Sarado naman to eh. Pano tayo makakapasok niyan?" Naiinis na sabi niya.

"Wala tayong choice. Aakyat tayo." sabi ko sakaniya, tinulungan niya kong maka akyat at dali dali akong umakyat at bumaba. Inopen ko ang gate sakaniya. At kaagad sinarado ito. Aaminin ko nakakatakot pa din dito.

MURDERER

"Napaka tanga mo!" sigaw ko sa babaeng nasa harapan ko. Naka luhod siya sakin habang humihikbi.

"Muntikan ka na mahuli alam mo ba yun? Kung di sana ako ang humarang sa mga iyon ay siguro nahuli kana!"

"AHHHHHHHHH!!" sumigaw siya sa harapan ko. Tss, napaka walang kwenta. Umupo ako sa harapan niya at pinunasan ang luha niya.

"Alam ko malaki ang problema mo sa mga taong iyon. Kaya ka humihiganti diba? Kaya sana naman ayusin mo ang trabaho mo. Gawin mo ng malinis. Hm?" Hinalikan ko siya sa nuo at tumayo na siya. Niyakap niya ko at nagpasalamat siya sa mga nagawa ko para sakaniya. Oo, wala siyang kwenta at napaka tanga niya nung oras na yun. Pero naawa din ako sa sitwasyon niya ngayon.

Pasensya kana kailangan pa kitang gamitin. :)

Nakarinig kami ng tunog mula sa gate ng silid na ito. Pahamak, sino ba ang mga taong ito?!

"Silipin mo nga" sabi ko sakaniya, sumunod naman siya at inayos ang bangs niya. At sumilip.

"Mga detectives."

"Paano—"

"Dalawa lamang sila ngayon. Isa sakanila yung humabol sakin kanina."

"Wag muna natin silang pakialaman ngayon. Hayaan muna natin sila. Bigyan natin sila ng oras, mukhang pinapatay na sila ng curiosity nila."

DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon